INDUSTRIYA NG PALAY NANGANGANIB KUNG HINDI AAMYENDAHAN RICE TARRIFICATION LAW

PALAY

NAGBABALA si Senador Raffy Tulfo na tuluyang malagay sa panganib ang kinabukasan ng mga magsasaka ng palay kung hindi pa rin rerepasuhin ang Rice Tarrification Law. Sa kanyang Privilege Speech, binigyang-diin ni Tulfo na bagama’t may mabuting layunin ang batas ay bigo naman itong tuparin ang mga pangako tulad ng pagbaba ng presyo ng bigas at gaganda ang lokal na produksyon. Kung tutuusin anya ay wala naman halos bagong nabago at halos wala ring naidulot na maganda ang batas lalo’t hindi naman naramdaman ang Rice Competitiveness Enhancement Fund na dapat…

Read More

Illegal strike pinadedeklara ng Kawasaki Motors sa DOLE; UNION OFFICERS AT BOARD OF DIRECTORS PINATATANGGAL SA TRABAHO

NAGHAIN ang Kawasaki Motors Philippine Corporation (KMPC) ng counter manifestation sa National Conciliation Mediation Board (NCMB) tungkol sa petisyon nito para ideklara ang illegal strike at tanggalin sa trabaho ang mga opisyal ng Kawasaki United Labor Union (KULU) na nanguna sa strike na nagsimula pa noong Mayo 21, 2025 na nakabinbin sa National Labor Relations Commission (NLRC). Sa labingpitong pahinang counter manifestation ng KMPC, inisa-isa ng management ang lahat ng maling paratang ng KULU para bigyang katwiran ang kanilang inilunsad na strike na nitong Martes ay nasa ika-76 araw na.…

Read More

POSIBLENG MGA LABI NG TAO NASISID NG PCG DIVERS

INIHAYAG kahapon ng Philippine National Police (PNP) na posibleng mga labi ng tao ang nasisid ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard nitong nakalipas na linggo sa Taal Lake na sinasabing pinaglibingan ng nawawalang sabungeros. Ayon kay PNP spokesperson, Brig. Gen. Jean Fajardo, bukod sa hinihinalang skeletal remains, nakakuha rin ang mga maninisid ng ilang personal na gamit gaya ng jacket, tsinelas, kuwintas at iba pang personal belongings. Gaya ng naunang nakuhang mga buto, isasailalim din ang mga ito sa DNA testing at cross-matching sa DNA profiles ng mga kamag-anak…

Read More

1 MILYONG NEW VOTERS SA BSKE TARGET NG COMELEC

TARGET ng Commission on Elections (Comelec) na maabot ang isang milyong magpaparehistro para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) kahit pa sampung araw lamang ang inilaang panahon ng voter registration. Sa ngayon, sinabi ng Comelec na nasa humigit-kumulang 200,000 na ang nakapagparehistro Inilunsad ng komisyon ang sampung araw na voter registration noong Biyernes, Agosto 1, binuksan ito sa 19 sites para sa Special Register Anywhere program (SRAP) sa mga eskuwelahan, transport terminals, at piling hospitals. Ayon kay Garcia, pinili nila ang mga lokasyon para sa registration booths dahil doon…

Read More

TESTIGO SA MISSING BEAUTY QUEEN UMATRAS DAHIL SA TAKOT

KINUMPIRMA kahapon ng Philippine National Police (PNP) na umatras na bilang testigo ang kaibigan ng nawawalang beauty pageant contestant na si Catherine Camilon. Ito ay bunsod umano ng banta sa kanilang seguridad, kaya umurong ang kaibigan ni Camilon na tumestigo sa kaso. Inihayag ni PNP Spokesperson, PBGen. Jean Fajardo, natakot ang testigo para sa kanyang buhay kaya naman nagpasya ang kaibigan ni Camilon na umatras na lamang bilang testigo sa kaso. Subalit nilinaw ng PNP na may sapat silang kakayahan para pangalagaan ang seguridad ng nasabing testigo na nakakaalam umano…

Read More

SAYAW KABATAAN SA 18TH WATERLILY FESTIVAL

DUMALO si Senator Camille Villar sa taunang “18th Waterlily Festival at “4th Sayaw Kabataan para sa Kalikasan” sa kanyang hometown sa Las Piñas City. Matagal nang adbokasiya ng pinakabatang senadora ang pangangalaga ng kalikasan at kapaligiran at sa ngayon ay siya rin ang committee chair ng “environment, natural resources and climate change” sa Senado. (Danny Bacolod) 258

Read More

PROTEKSYON SA DISASTER FRONTLINE WORKERS PATATAGIN

PINABIBIGYAN ng mas malakas na proteksyon at makatarungang benepisyo ang mga frontline Disaster Risk Reduction Management workers lalo pa’t isinusugal nila ang kanilang buhay kapag panahon ng kalamidad tulad ng bagyo. Ito ang nilalaman ng House Bill (HB) 2268, o “Magna Carta of Disaster Risk Reduction and Management Workers Act” na inakda ni Quezon City Rep. PM Vargas bilang pagkilala sa DRRM workers na laging nasa panganib kapag panahon ng kalamidad para magligtas ng buhay at ari-arian sa panahon ng kalamidad tulad ng bagyo. “Buhay nila ang pinaka nanganganib tuwing…

Read More

POM HINIGITAN TAX COLLECTION TARGET NOONG HULYO

TILA niregaluhan ng mga tauhan ng Port of Manila (POM) ng Bureau of Customs (BOC) ang bagong upong Commissioner na si Ariel Nepomuceno matapos nitong higitan pa ang tax collection target para sa buwan ng Hulyo. Base sa datos ng BOC, kailangang makolekta ng POM ang P7.929 billion na buwis sa buwan ng Hulyo mula sa lahat ng mga imported goods na pumapasok sa nasabing port. Pero sa inisyal na report noong nakaraang linggo mula sa Collection Division ng ahensya, nasa P8.221 tax ang nakolekta ng POM. Ayon kay POM…

Read More

4Ps LUSAWIN, PALITAN NG LIVELIHOOD – TULFO

SA halip na parang limos ang ibinibigay ng pamahalaan sa mahihirap buwan-buwan, palitan na lang ng pangkabuhayan. Ito ang mungkahi ni Senate Social Justice and Welfare Chairman Erwin Tulfo para matuldukan at hindi na maabuso ang programa ng ilan. Ayon kay Sen. Tulfo, “Maging ang ilang 4Ps members gusto na pangkabuhayan na lang ang ibigay sa kanila kaysa sa buwanang ayuda”. Ito raw ang pahayag ng ilang 4Ps members noong siya ay naging DSWD Secretary noong 2022. “Masakit din daw kasi sa kanila na marinig na mga tamad, pabigat, at…

Read More