CURFEW IPINATUPAD SA FORT BONIFACIO

NAGTAKDA ng oras ng curfew para sa mga menor de edad ang barangay Fort Bonifacio magmula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw. Ayon kay Barangay Captain Sonny Vertulfo, ng Fort Bonifacio, pinagbabawal na lumabas ng bahay at gumala ang mga may edad 18 pababa sa loob ng oras ng itinakdang curfew. Gayunman, nilinaw ng barangay na papayagang lumabas ang mga menor de edad na may kasamang magulang o legal guardian at may sapat na dahilan. Sinabi ni Vertulfo na ang curfew ay hindi lamang simpleng pagbabawal, kundi isang…

Read More

EXPANDED PENSION SA LAHAT NG SENIORS ISINUSULONG NI VILLAR

INIHAIN ni Senador Mark Villar ang Senate Bill No. 95 o Universal Social Pension for Senior Citizens na naglalayong magbigay ng pantay na pensyon sa lahat ng nakatatanda, anoman ang kanilang estado sa buhay. Sa ilalim ng panukala, lahat ng senior citizen ay makatatanggap ng buwanang stipend na hindi bababa sa ₱500, at tataas ito sa ₱1,000 sa loob ng limang taon, kahit pa mayroon na silang natatanggap na ibang pensyon. Binigyang-diin ni Villar na panahon nang amyendahan ang Republic Act No. 7432 upang matugunan ang mabilis na paglaki ng…

Read More

TORRE ‘DI MAGRE-RESIGN

WALA pang plano si dating Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Nicolas Torre III na magretiro kaya mananatili sa kanyang balikat ang 4-star na siyang pinakamataas na ranggo sa pambansang pulisya. Sa ambush interview kay Torre sa Batasan Pambansa kahapon matapos siyang magdala ng cake kay Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima na nagdiriwang ng kanyang kaarawan, sinabi ni Torre na ang kanyang appointment lamang bilang PNP chief ang tinanggal sa kanya at hindi ang kanyang ranggo. “Up to this moment there’s no turn-over so to speak off.…

Read More

Paalala ng LCSP sa DOTr DUE PROCESS SA SHAME CAMPAIGN PAIRALIN

PINAALALAHANAN ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang Department of Transportation o DOTr sa plano nitong shame campaign laban sa mga lumalabag sa batas trapiko. Ayon sa LCSP, mahalagang matiyak na nasusunod ang due process upang mapangalagaan ang karapatan ng mga motorista. Para maging legal anila ang isang shame campaign, kailangan itong nakaayon sa tamang proseso ng batas. Dapat bigyan ng patas na pagkakataon ang lumabag upang maipahayag ang kanyang panig at maipagtanggol ang sarili. Bukod dito, maaari anilang magdulot ng mga isyu sa privacy ang pagbubunyag ng…

Read More

SUBSIDY SA FOREIGN CAR MANUFACTURERS SINITA NG SOLON

SA halip gamitin ang bilyones para magtayo ng sariling car industry, itinutulong pa ito ng gobyerno sa mga dayuhang car manufacturers tulad ng Toyota at Mitsubishi na walang makatotohanang technology transfer requirements. Ito ang lumabas sa pagdinig ng House committee on appropriations sa budget ng Department of Trade and Industry (DTI) kahapon matapos kuwestiyunin ni ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio ang halos dalawang bilyong piso na subsidy na ibibinigay ng ahensya sa dalawang nabanggit na car manufacturer. Ayon sa DTI, P1.3 billion Fixed Investment Support (FIS) para sa Toyota…

Read More

KAMARA NAGPATIKIM NG IMBESTIGASYON SA MISSING SABUNGERO

NAGPATIKIM na ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa kanilang isasagawang full blown investigation sa tinaguriang “missing sabungeros” upang mabigyan ng katarungan ang pamilya ng mga ito. Bagama’t ang Quad Committee ang pormal na magsasagawa ng imbestigasyon, nagpatawag ng ‘briefing” si House committee on human rights chairman at Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., kahapon. “We gather this morning not only to organize ourselves as a committee, but also to confront one of the most disturbing cases of human rights violations in recent years: the disappearance of more than 30 sabungeros. This…

Read More

Bago isagawa ang kauna-unahang parliamentary polls AFP NAG-DEPLOY NG PWERSA SA BARMM

NAGPADALA ng sapat na puwersa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para magbigay ng seguridad sa Bangsamoro region (BARMM) bago pa ang first-ever parliamentary elections nito sa October 13. Winika ni AFP spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla na ang bilang ng mga tropa na dineploy sa rehiyon ay sapat para maiwasan na lumabas na militarisado ang historical elections. “Basically, yung tropa natin within the vicinity all on standby po ‘yan. But we have adequate personnel that we have already deployed. Hindi excessive para hindi naman maging militarized itong elections…

Read More

Sa paglutang ng sulat sa DPWH OCCMIN GOV NAKALADKAD SA FLOOD CONTROL PROJECTS

SA gitna ng mga reklamo at imbestigasyon hinggil sa umano’y maanomalyang flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH), nasangkot ngayon sa kontrobersiya si Occidental Mindoro Governor Eduardo Gadiano. Kamakailan, naging lantad ang gobernador sa pagbubunyag ng umano’y substandard na flood control projects sa kanyang lalawigan. Giit niya, may ilang istrukturang mahina ang pagkakagawa dahil kulang sa materyales at maayos na plano, at hinikayat pa nito ang Senado na magsagawa ng imbestigasyon sa mga iregularidad. Ngunit sa kabila ng kanyang matitinding pahayag, lumutang ang mga dokumentong nag-uugnay…

Read More

EXTRADITION REQUEST NG US KAY QUIBOLOY SISILIPIN NG KAMARA

MAGLULUNSAD ng imbestigasyon ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa extradition request ng Estados Unidos kay Pastor Apollo Quiboloy upang maging malinaw umano ang mga isyu ng proseso. Kahapon ay inaksyunan ng komite na pinamumunuan ni Batangas Rep. Gerville Luistro ang kahilingan ni Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña na magsagawa ng ‘inquiry in aid of legislation” kaugnay ng extradition request ng Amerika laban kay Quiboloy. “There is an overwhelming public interest and concern over the process by which extradition requests are received, evaluated, and acted upon. It is imperative that Congress,…

Read More