Hindi lang Primewater ng mga Villar PRIVATE COMPANIES PANANAGUTIN SA WATER CRISIS

NANGAKO ang Local Water Utilities Administration (LWUA) na pananagutin ang mga ‘private partners’ sa kabiguan at palpak na water service delivery na nagpahirap sa milyong consumers. Sa katunayan, sinabi ni LWUA chief Jose Moises Joy Salonga na nagpapatupad na ngayon ang ahensiya ng komprehensibong estratehiya upang i-overhaul ang magulong joint ventures sa pagitan ng local water districts at private firms sa ilalim ng joint venture agreements (JVAs). “Sa joint venture partners na to, sa ating problema na to, tinitiyak kong may plano at sinisiguro ko sa inyong gagalaw. Hindi lang…

Read More

TUMATAAS NA SUICIDE CASES IKINABAHALA

IKINABAHALA ni Senador Sherwin Gatchalian ang report ng Philippine National Police na mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon, umabot na sa 2,000 katao ang nag-suicide. Dahil dito, muling nanawagan si Gatchalian sa gobyerno na tutukan at agad aksyunan ang problema sa mental health crisis. Iginiit ng senador na hindi na dapat pang hintaying may buhay pang mawala bago kumilos ang gobyerno. Muli ring binigyang-diin ni Gatchalian ang pangangailangang ipatupad nang maayos ang Mental Health Act at ang Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act. Sinabi ng senador na kailangang…

Read More

MISSING SABUNGEROS IIMBESTIGAHAN NG ‘MANILA BOYS’

INAASAHANG pangungunahan ng dalawang Manila congressmen ang imbestigasyon sa kaso ng mga nawawalang sabungero kung saan itinuturing na suspek ang gambling tycoon na si Charlie “Atong” Ang. Lumitaw ito matapos mahalal muli bilang chairman ng House committee on human rights si Manila 6th District Congressman Bienvenido “Benny” Abante Jr., at Manila 2nd District Rolan Valeriano bilang chairman ng House committee on public order and safety. “I am grateful for the opportunity to continue the work we started; there is still much we need to do,” ayon kay Abante matapos mahalal…

Read More

PAGSISID SA TAAL LAKE IPINAGPATULOY – DOJ

IPINAGPATULOY na ang paghahanap sa mga labi ng missing sabungeros na sinasabing itinapon sa Taal Lake sa Batangas. Ito ang kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) matapos ang ilang araw na masamang panahon dahil sa habagat at mga bagyo noong nakaraang linggo. Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, ongoing na ulit ang search and retrieval operations ng Philippine Coast Guard sa Taal Lake. Hindi naman kinumpirma ng kalihim kung may mga panibagong hinihinalang buto ng tao na naiahon mula sa lawa. Sabi pa ni Remulla, matagal talaga ang hihintayin…

Read More

HOUSE PROBE SA KASO NG ‘SABUNGEROS’ TULOY

TILA mas ginanahan ang isang beteranong mambabatas sa Kamara na mag-imbestiga matapos mabanggit sa State of the Nation Address (SONA) noong Lunes ang kaso ng mga nawawalang sabungero. Bukod dito, sinabi Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., na wala nang dahilan para hindi buhayin ang Quad Committee matapos muling maluklok bilang Speaker ng Kamara si Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez. “For far too long, families have been waiting—waiting for justice, for answers, for closure. President Marcos’ statement is a welcome development,” ayon sa dating chairman ng House committee on human rights.…

Read More

‘MAG-MOVE ON’ NA DAPAT SA IMPEACHMENT – PALASYO

DAPAT nang talikuran ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte. Pahiwatig ito ng Malacañang, kasabay ng pagsasabi na dapat igalang ng lahat ang Korte Suprema matapos nitong ideklarang unconstitutional ang isinampang reklamo. Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na dapat pagtiwalaan ng publiko ang mga institusyon ng bansa, kabilang ang kataas-taasang hukuman, dahil tanda ito ng isang gumaganang demokrasya. “Ang impeachment ay saklaw ng lehislatura at hudikatura, at kinikilala namin ang kanilang kalayaan sa pagtupad sa tungkulin sa ilalim ng Saligang Batas,” ani Castro. Sa mga naunang…

Read More

KAMARA HUGAS-KAMAY SA DEMOLITION JOB KAY SP CHIZ

NAGHUGAS-KAMAY ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa alegasyon ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na sila ang nasa likod ng demolition job sa lider ng Senado ukol sa budget insertions. “Bakit kami? Bakit kami ang may kasalanan?,” sagot ni Atty. Princess Abante, tagapagsalita ng Kamara. Unang kumalat ang impormasyon na si Escudero umano ang nagsingit ng P150 billion sa 2025 national budget na karamihan ay para sa flood control projects na kumalat nang lumubog ang maraming lugar sa bansa dahil sa nagdaang mga bagyo. Lalong uminit ang usapin…

Read More

PANUNUMPA NI CAMILLE

NANUMPA si Senator Camille A. Villar kay Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero sa pagbubukas ng Senado sa ika-20th Congress nitong Lunes. Bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nagbigay ng maikling panayam si Camille kung saan sinabi na inaasahan niya na magbibigay ng update ang Pangulo sa mga programa gaya ng infrastructure projects ng administrasyon. Kabilang si Camille sa mga nanalo sa nakaraang 2025 midterm election. (Danny Bacolod) 241

Read More

LISENSYA NG VIRAL SUV DRIVER SINUSPINDE NG LTO

SINUSPINDE ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng isang sports utility vehicle (SUV) driver na nakabangga ng motorcycle rider sa isang video na nag-viral sa social media. Ayon kay Acting Assistant Secretary at LTO Chief Atty. Greg G. Pua, Jr. 90-araw ang suspensyon na ipinataw sa driver’s license ng SUV driver, naglabas din ng show cause order (SCO) para isuko nito ang kanyang lisensya bago ang Hulyo 30. “Kapwa ang kanyang lisensya sa pagmamaneho at ang plaka ng sasakyan na sangkot sa insidente ay inilagay na sa ilalim ng…

Read More