Testimonya ni Patidongan kwestyonable – abogado; KAMPO NI ATONG ANG, BUKAS SA MGA KASONG ISINAMPA

MALUGOD na tinanggap ni Charlie ‘Atong’ Ang ang pormal na pagsasampa ng kaso laban sa kanya, bilang pagkakataon upang maipagtanggol ang sarili laban sa mga paratang at espekulasyon sa tamang legal na proseso. Ayon kay Atty. Gabriel L. Villareal, abogado ni Ang, naninindigan ang kanyang kliyente sa kanyang pagiging inosente, at nagbabala hinggil sa testimonya ni Julie “Dondon” Patidongan na aniya’y puno ng butas, makasarili, at walang sapat na batayan. Ipinahayag din ni Villareal ang kanyang pakikiramay sa mga pamilya ng mga biktima at paghanga sa kanilang pagpupursige sa paghahanap…

Read More

COMELEC SA NIGHT SHIFT EMPLOYEES: SPECIAL VOTER REGISTRATION SA AIRPORT, MALLS SAMANTALAHIN

HINIMOK ng Commission on Elections (Comelec) ang night shift employees na samantalahin ang isasagawang Special Registration Anywhere program sa mga paliparan at malls. Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, pagkakataon na ito para makapagparehistro ang mga panggabing empleyado tulad ng call center agents, upang makaboto sa mga susunod na halalan. Ang mga night shift na empleyado ay maaaring magparehistro sa NAIA Terminal 1 at 3 mula alas-4:00 ng hapon hanggang alas-12:00 ng hatinggabi. Gagawin din ito sa Robinsons Bridgetown sa Quezon City mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-12:00 ng…

Read More

2 MISSING LINKS MAGPAPALAKAS SA KASO VS UTAK SA ‘SABUNGEROS’

NANINIWALA ang pamunuan ng Philippine National Police na ang paglantad ng dalawang itinuturing na missing link ay magpapalakas sa kasong isinampa sa itinuturing na mastermind sa likod ng missing sabungero case. Ayon sa PNP, ang testimonya ni whistleblower Julie Patidongan at ng kanyang dalawang kapatid ay magagamit para palakasin ang kasong inihain sa umano’y utak sa likod ng mga nawawalang sabungero at sa mga kasabwat nito. Nitong Huwebes, inihayag ng Department of Justice ang pagsasampa ng murder and serious illegal detention complaints laban sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang at…

Read More

MURDER, SERIOUS ILLEGAL DETENTION ISINAMPA VS ATONG ANG, IBA PA

SINAMPAHAN kahapon ng murder at serious illegal detention sa Department of Justice (DOJ) ang gambling tycoon na si Charlie Atong Ang at iba pang personalidad kaugnay sa mga nawawalang sabungero. Kinumpirma ni Ryan Bautista, kapatid ng nawawalang si Michael Bautista, ang paghahain ng reklamo laban sa mga suspek. Kasama ang mga umano’y iba pang saksi, dumating ang mga tauhan ng PNP-CIDG dala ang makapal na mga dokumentong inilagay sa folder na blue. Dumating si PNP Chief Director General Nicolas Torre III pero tumanggi siyang magbigay ng anomang pahayag ukol sa…

Read More

12 GRUPO NG KABATAAN KINILALA SA VILLAR FOUNDATION AWARDS

SA ikawalong taon ng Villar Foundation Awards, pinarangalan ang mga natatanging youth organizations mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa bilang pagkilala sa kanilang mahalagang ambag sa paglaban sa kahirapan sa kani-kanilang mga komunidad. Sampung grupo ang kinilalang Outstanding Youth Organizations at tumanggap ng ₱150,000 cash prize at tropeo. Dalawa naman ang itinanghal bilang Promising Youth Groups, na ginawaran ng sertipiko at ₱100,000 cash prize. Umabot sa 67 nominasyon mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang natanggap ng Villar Foundation, na dumaan sa masusing pagsusuri upang mapili ang mga…

Read More

MISDECLARED VAPE PRODUCTS NASAMSAM

IPINAKITA ng mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) ang mga nasamsam na vape products sa Manila International Container Port (MICP) nitong Huwebes, Hulyo 31, 2025. Ang mga kargamento ay natuklasan ng mga tauhan ng (MICP CIIS) Customs Intelligence Investigation Services sa pamumuno ni CIIS Chief Alvin Enciso sa ilang kahon mula sa tatlong container. Ang misdeclared vape products at iba pang regulated goods ay tinatayang nagkakahalaga ng PHP40.5 milyon. Nagmula umano ang mga ito sa China at idineklara bilang kitchenware. 271

Read More

LCSP humirit ng accountability SOLON SA VIRAL E-SABONG PHOTO PARUSAHAN

DISMAYADO ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa insidente na kinasangkutan ng isang miyembro ng House of Representatives na nakunan ng larawan habang nanonood ng sabong sa kanyang cellphone sa loob ng session hall ng Kamara. Matatandaang umamin si AGAP Party-list Representative Nicanor Briones na siya ang nasa larawan na nakunan sa Opening Session ng 20th Congress noong Hulyo 28, 2025. Paglilinaw ni Briones, pinanood lamang niya ang ipinadala sa kanyang video ng sabing at hindi siya tumataya o nagsusugal. Sa kabila ng paglilinaw na ito, naniniwala ang…

Read More

MS. WATERLILY SA LAS PINAS

TAMPOK ang mga kandidata ng Ms. Waterlily 2025 bilang pangunahing bahagi ng ika-18 Las Piñas Waterlily Festival na ginanap noong Huwebes, Hulyo 31, sa Villar Foundation Complex. Unang inilunsad noong 2005 sa pamamagitan ng Sagip Ilog program na pinasimulan ni dating senadora Cynthia Villar, at ngayon ay pinangungunahan nina Senator Mark at Camille Villar, ang festival ay patuloy na nagsisilbing plataporma sa pagbibigay-halaga sa water hyacinths bilang matibay na simbolo ng ekolohikal na pagpapanatili at pagmamalaking pangkomunidad. Nasa larawan sina (LR-) Alyanna Frances S0-1st Runner-up (Brgy Talon 2);F/Sen.Cynthia Villar;Lois Vivien…

Read More

BLUE AT RED RIBBON PROJECT INILUNSAD NG BUCOR

INILUNSAD kahapon ng Bureau of Corrections ang proyektong Blue at Red Ribbon, isang inisyatiba ng kamalayan sa muling pagsasama upang isulong ang pagkakaunawaan, bawasan ang mantsa at palakasin ang suporta pagkatapos ng pangangalaga para sa mga pinalaya na taong pinagkaitan ng kalayaan. Binigyang-diin ni Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang mga ugat ng proyekto sa yellow ribbon movement ng Singapore, na binibigyang-diin ang kahalagahan ng pag-asa, pagtanggap, at paniniwala na ang bawat isa ay karapat-dapat ng pangalawang pagkakataon sa buhay. Binibigyang-diin ng inisyatiba ang isang matibay na pangako…

Read More