HALOS DOBLENG PONDO NG KAMARA KINUWESTYON

KINUWESTYON ng ilang grupo at personalidad ang biglaang pagtaas ng pondo ng mababang kapulungan ng Kongreso gayung wala namang bagong distrito na nalikha o mambabatas na idinagdag. Marami ang nagulat nang mabunyag na ang budget ng House of Representatives sa 2025 General Appropriations Act ay umakyat sa ₱33.670 bilyon mula sa dating ₱16.345 bilyon na nakasaad sa National Expenditure Program —tumalon ito ng ₱17.325 bilyon—kahit pa nabawasan ang pondo para sa batayang serbisyo gaya ng edukasyon, kalusugan, at agrikultura. Tanong nila, bakit lumobo ang budget ng Kamara sa ilalim ng…

Read More

24K KATAO APEKTADO KAY CRISING, MAG-UTOL PATAY

UMABOT sa 24,000 indibidwal ang apektado ng patuloy pag-ulan dala ng Bagyong Crising, ayon sa inisyal na ulat na inilabas nitong Biyernes ng umaga ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), habang isang magkapatid ang namatay. Ayon sa inisyal report, namatay ang magkapatid nang mabagsakan sila ng puno ng acacia habang lulan ng motorsiklo sa kasagsagan ng pag-ulan sa bayan ng Ocampo sa lalawigan ng Camarines Sur nitong Biyernes ng hapon. Ayon kay Major Bernardo Peñero, hepe ng Ocampo Police Station, nasawi ang magkapatid na sina Christian Benlayo, 36, at Freddy…

Read More

3 NOMINEES NG TINGOG PARTY-LIST NAWALA SA LISTAHAN

NAGKAROON ng pagbabago sa tatlong nominee ng Tingog Party-list na nanalo sa nagdaang eleskyon, ayon sa kumpirmasyon ni Comelec Chairman George Garcia. Sinabi ng poll chief, nawala sa listahan ang nominee numbers 3, 4, at 5 na sina Marie Josephine Diana Calatrava, Alexis De Veyra Yu, at Paul Richard Sevilla Muncada. Paliwanag ni Garcia, alinsunod sa batas ay susundin ng Komisyon ang ranking. Dahil nawala sa listahan ang nasabing mga nominee, nangangahulugan na papalit sa kanila ang pang-anim na nominee na si Yedda Marie Kittilstvedt Romualdez. Maglalabas naman ang komisyon…

Read More

POSIBLENG SANGKOT SA KASO NG MISSING SABUNGEROS, NASA 30 PERSONALIDAD -DOJ

HIGIT 30 katao ang maaaring sangkot sa kaso ng mga nawawalang sabungero, ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla. Nakipagpulong si Remulla kay Julie “Dondon” Patidongan, alyas Totoy, sa Department of Justice sa Maynila nitong Biyernes upang humingi ng impormasyon at paglilinaw hinggil sa kaso. “We were talking about other people who may be involved… Maybe more than 30,” ani Remulla sa mga mamamahayag. Nang tanungin kung humiling si Patidongan na maging state witness, sinabi ni Remulla na kasalukuyan pa itong pinag-uusapan. “We have to put everything within the context…

Read More

2 TRAFFIC ENFORCERS SA MAYNILA SINIBAK SA PANGONGOTONG

DALAWANG traffic enforcers ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang agad na sinibak matapos ang pangongotong sa driver ng isang truck sa kahabaan ng A.H. Lacson Avenue sa España, Maynila. Nakasaad sa memorandum na inaprubahan ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso na inaatasan ang dalawang enforcer na tumigil na sa pagpatupad ng tungkulin dahil sa kanilang pangongotong. Nakunan ang pangyayari ng isang bystander at agad na nag-viral sa social media. Ayon kay MTPB Director Dennis Viaje, ang maling pag-uugali ng naturang mga enforcer ay hindi lamang nakakaapekto sa moral ng…

Read More

WANTED SA ROBBERY NATIMBOG SA PORT AREA

NADAKIP ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Baseco Police Station 13 ng Manila Police District, ang isang 30-anyos na lalaki na suspek sa kasong robbery sa Sta. Rosa City, Laguna, noong Miyerkoles ng hapon sa Baseco Compound, Port Area, Manila. Kinilala ni MPD Director Police Brigadier General Arnold Evangelista Abad ang suspek na si Lumna Nadsev, nanunuluyan sa Baseco Compound. Ayon kay Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete, commander ng MPD Station 13, bandang ala-1:00 ng hapon nang arestuhin ang suspek sa nabanggit na lugar. Nabatid mula kay…

Read More

DILG NANAWAGAN SA LGUs MAGPASA NG BATAS LABAN SA 911 PRANKSTERS

BAGO pa tuluyang ipatupad ng pamahalaan ang upgraded Emergency 911 system ngayong buwan ng Agosto, nanawagan na si Department of the Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla sa lahat ng local chief executives na magpasa ng kanilang mga ordinansa na nagpapataw ng kaparusahan sa prank callers sa national emergency hotline. “Dapat may ordinance ang lahat ng LGUs na may monetary fine, jail time basta prank call,” ani SILG Remulla. Ayon sa kalihim, marapat lamang na magkaroon ng ordinansa ang lahat ng lokal na pamahalaan sa buong bansa na may…

Read More

NDRRMC AT OCD RED ALERT KAY ‘CRISING’

GANAP na tanghaling tapat kahapon ay tinaas ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ang antas ng alerto mula sa Blue Alert Status patungo sa Red Alert Status dahil sa banta na dala ng Bagyong Crising sa bansa na posibleng palalain pa ng nararanasang Habagat o Southwest Monsoon. Kasabay sa pag-iral ng pinakamataas na alerto ng NDRRMC, inatasan na ang lahat ng ahensya na nasa ilalim ng NDRRMC, na maging handa at patuloy na nakaantabay sa mga posibleng kaganapan at magiging epekto ng bagyo. Nanawagan at nagpaalala ang Office…

Read More

BANTA SA BUHAY NG PASIG RTC JUDGES IIMBESTIGAHAN NG SC

KINUMPIRMA ng Korte Suprema na nakatanggap ng online threats ang mga hukom ng Pasig Regional Trial Court nitong Miyerkoles ng umaga, Hulyo 16. Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting, ipinadala ang banta sa pamamagitan ng email at kasalukuyan na itong iniimbestigahan sa pakikipagtulungan ng mga awtoridad. Agad ding ipinatupad ang mga kaukulang hakbang para sa seguridad ng mga hukom, court personnel at publiko. Tiniyak ng Korte Suprema na mananatiling matatag ang hudikatura sa pagtupad ng tungkulin nang may integridad, katarungan, at paggalang sa batas. Hinikayat din ng SC…

Read More