3 INDIBIDWAL DINAMPOT SA P1.5-M SHABU

ARESTADO ang tatlong indibidwal na hinihinalang tulak ng ilegal na droga, habang nakumpiska ang mahigit P1.5 milyong halaga ng umano’y shabu sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation sa Sampaloc, Manila. Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Heart”, 20; “Nene”, 24, at “Dan”, 45-anyos, pawang mga residente ng Barangay 501, Sampaloc, Manila. Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Brillante Billaoac, commander ng Police Station 4 ng Manila Police District, nadakip ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang mga suspek sa isinagawang operasyon sa nasabing lugar. Tinatayang…

Read More

P197.2-M SHABU NASABAT SA 2 TULAK SA PARAÑAQUE

UMABOT sa 29 kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang P197.2 milyon ang halaga, ang nasabat sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa Parañaque City noong Sabado ng hapon. Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad sa pangunguna ng mga tauhan ng PDEA RO NCR – RSET 1, kasama ang PDEA SDO, PNP Drug Enforcement Group SOU NCR, PNP SPD Parañaque City Police Station 3, PNP SPD Parañaque Substation 5, at PNP SPD Parañaque SDEU, na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang drug personalities at nakumpiska ang…

Read More

COURT OF APPEALS PINAGTIBAY ANG SUSPENSIYON SA MGA OPISYAL NG MARIKINA

HINDI kinatigan ng Court of Appeals ang petisyon na inihain ni Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro at ilang opisyal ng lungsod ng Marikina na humihiling na ipawalang-bisa ang preventive suspension na ipinataw ng Office of the Ombudsman. Ayon sa desisyon na nakapaluob sa CA-G.R. SP No. 189070, hindi nakitaan ng appellate court ang merito sa petisyon, kaya hindi ito nag-isyu ng temporary restraining order o injunction. Pinagtibay ng desisyong ito ang naunang natuklasan ng Ombudsman na ang mga pondong nakalaan para sa gamot at serbisyong pangkalusugan ng lungsod ay ginamit sa…

Read More

TAGUIG BINIGYAN NG KORTE NG HIGIT 2 LINGGO PARA BUKSAN MGA PASILIDAD SA EMBO

MAY higit dalawang linggo pa ang Lungsod ng Taguig para buksan at ayusin ang mga pampublikong pasilidad sa mga barangay ng Enlisted Men’s Barrio (EMBO). Ito’y matapos magdesisyon ang Taguig Regional Trial Court nitong Huwebes na palawigin ang bisa ng Temporary Restraining Order laban sa Lungsod ng Makati. Kasabay nito, inutusan din ng korte ang Makati na huwag hadlangan ang Taguig sa pagsasaayos ng mga pasilidad. Nitong May 8, 2025 ibinaba ng korte ang extension na nagpapalakas sa karapatan ng Taguig na pamahalaan ang mga pasilidad, base sa desisyon ng…

Read More

Alyansa’ slate sa mga botante: Huwag iboto tamad, magnanakaw!

(Itinaas ni Pangulong Bongbong Marcos ang kamay ng kanyang mga pambato sa Senado na sina: (L-R) Mayor Abby Binay, Congressman Erwin Tulfo, dating Senator Vicente Sotto III, Senator Lito Lapid, Senator Pia Cayetano, dating Senator Ping Lacson, dating Senator Manny Paquiao, Senator Francis Tolentino, dating Local Government Secretary Benhur Abalos at Senator Ramon Revilla Jr. (Danny Bacolod) MANDALUYONG CITY — Kung gusto natin ng pagbabago at maayos na gobyerno, huwag na huwag iboto ang tamad at magnanakaw! Ito ang mensahe ng mga administration-backed senatorial slate ng Alyansa Para sa Bagong…

Read More

EVANGELICAL PASTORS SUPORTADO SI PACQUIAO

PASAY CITY — Nagtipon-tipon ang mga evangelical pastor mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao sa Cuneta Astrodome para sa “Mission Possible,” isang pagtitipon bilang suporta sa kandidatura ni Manny Pacquiao sa Senado. Ipinakita sa okasyon ang lumalawak na suporta ng komunidad ng pananampalatayang Kristiyano para sa pagbabalik ni Pacquiao sa Senado. Nagsimula ang pagtitipon sa isang pagsamba, sinundan ng pagtitipon ng mga pastor at isang panalanging sama-samang pinangunahan ng mga lider-evangelical para kay Pacquiao at iba pang Kristiyanong nasa serbisyo publiko. Binigyang-diin sa okasyon ang pagkakatugma ng mga pinahahalagahan ni…

Read More

Mga Pasigueno hinimok suriin pamumuhay sa nakalipas na 6 taon PAGTUTOK SA BASIC NEEDS NG MGA RESIDENTE PRAYORIDAD NI DISCAYA

ILANG araw bago ang botohan sa Lunes, hinikayat ni Pasig mayoralty candidate Sarah Discaya ang mga botante na pag-aralang mabuti ang nagdaang anim na taon sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon at suriin kung bumuti ba o hindi ang kanilang pamumuhay. Ayon kay Disacaya, hindi lamang “good governance” ang kailangan ng mga taga-Pasig kundi kailangang maibigay sa kanila ang serbisyo at suporta para mapabuti ang kanilang kondisyon. Aniya, bagaman mabuti ang pagkakaroon ng good governance, hindi naman ito makapagbibigay ng economic support na krusyal para sa pagbuti at pagpapahusay ng pangkalahatan.…

Read More

Sa mahigit 300K Pilipino sa isang taon ACT-CIS PARTY-LIST NAKAPAGHATID NG MAHIGIT P1.4-B SERBISYO

PATUNAY ng matibay na adbokasiyang mailapit ang serbisyo publiko sa mamamayan, matagumpay na naipamahagi ng nangungunang party-list sa Halalan 2025, ACT-CIS Party-list, ang higit sa P1.4 bilyong halaga ng tulong mula sa pamahalaan sa mahigit 300,000 benepisyaryo mula sa iba’t ibang panig ng bansa mula 2024 hanggang sa kasalukuyan. Nanguna sina ACT-CIS Representatives Erwin Tulfo, Edvic Yap, at Jocelyn Tulfo sa pagtutulay sa mga ahensya ng gobyerno gaya ng Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Department of Labor and Employment (DOLE) para matulungan ang…

Read More

ABBY BINAY ‘MUCH BETTER’ MATALO SA SENADO KAYSA MANALO UTOL SA MAKATI

PINUNA ng ilang manonood na tila ‘much better’ o mas nanaisin pa ni Mayor Abby Binay na matalo sa Senado at mabigong makapasok sa Magic 12 kaysa manalo si Senador Nancy Binay laban sa kabiyak na si Atty. Luis Campos sa mayoralty race ng Makati City. Sa kanyang speech kamakailan sa campaign trail sa lungsod, sinabi ni Abby Binay na pumunta siya sa rally upang ikampanya ang Team United na pinamumunuan ng kabiyak na si Atty. Campos na tumatakbong alkalde laban sa kapatid niyang si Senador Nancy Binay. Aniya sa…

Read More