DOH NAKAALERTO SA PAGSIPA NG COVID CASES SA SOUTHEAST ASIA

NAKAALERTO ngayon ang Department of Health (DOH) sa trends ng COVID-19 sa gitna ng napaulat na pagtaas ng kaso ng naturang sakit sa South east Asia. Ito ang inihayag ng DOH kasabay ng pagtiyak na nakikipag-ugnayan na sila sa pamamagitan ng nakalatag na mga mekanismo gaya ng ASEAN, na nagbibigay ng mga beripikadong impormasyon at pagpapalakas pa ng kahandaan. Sa datos ng DOH as of May 3, dito sa Pilipinas bumaba sa 87% ang mga kaso at nasawi dahil sa COVID-19 mula noong nakalipas na taon kung saan tanging nasa…

Read More

CAMILLE VILLAR PINASALAMATAN PAMILYA, TAGASUPORTA

SA kanyang panunumpa bilang isa sa mga bagong halal na senador, pinasalamatan ni Camille Villar ang kanyang pamilya at mga tagasuporta. Sinamahan si Camille ng amang si dating Senate President Manny Villar, kapatid na si Paolo Villar, asawang Win Genuino at kanilang anak. Sa kanyang pananalita sa ginanap na proklamasyon sa Manila Hotel, labis ang pasasalamat ng batang Villar sa binigay na pagkakataon para siya makapaglingkod. Narito ang bahagi ng kanyang pananalita: “I am grateful to God that we had a peaceful elections with a very good results. And today,…

Read More

12 SENADOR NA NANALO SA MIDTERM ELECTIONS, NAIPROKLAMA NA

NANUMPA na ang mga Senador na nanalo sa May 12 national and local elections noong Sabado, May 17. Gayunman, labing isa lang ang present sa proklamasyon dahil wala si Sen. Kiko Pangilinan na nasa Amerika para sa graduation ng kanyang anak. Sa ginanap na seremonya, binigyan ng pagkakataon ang mga senador na magbigay ng ilang minutong mensahe. Pinangunahan ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang panunumpa nina: Sens. Bong Go, Bam Aquino; Ronald dela Rosa; Erwin Tulfo; Francis Pangilinan (wala sa larawan); Rodante Marcoleta; Panfilo Lacson; Vicente Sotto III; Pia…

Read More

DOJ IPUPURSIGE PAGPAPAUWI KAY ROQUE

PURSIGIDO ang Department of Justice (DOJ) na makipag-ugnayan sa bansang The Netherlands para hilingin ang pagpapabalik sa Pilipinas ni Atty. Harry Roque. Ang dating Presidential Spokesperson ay naisyuhan ng warrant of arrest ng Angeles, Pampanga RTC Branch 118 na nahaharap sa kasong qualified human trafficking kaugnay sa operasyon ng Lucky South 99 scam hub sa Porac, Pampanga. Batay sa warrant na pirmado ni Presiding Judge Rene Reyes, nakitaan ng probable cause o matibay na basehan ang isinampang reklamo laban kay Roque, Cassandra Ong at 48 iba pa. Samantala, sinabi ni…

Read More

CIDG NAGPAKALAT NG TRACKER TEAMS LABAN KINA ROQUE, ONG AT 49 IBA PA

INIHAYAG ni CIDG chief Director Police Major Gen Nicolas Torre III, na nagpakalat na sila ng tracker teams ng CIDG sa buong bansa para sa agarang pagkaaresto kay dating Malakanyang spokesperson Atty. Harry Roque, Cassandra Ong at 49 na iba pa. Sinabi ni Torre, na nakakalat na sa buong bansa ang kanilang mga tauhan at magtatrabaho ng 24-oras para sa agarang pagkaaresto ng mga akusado. Ito ay bilang pagtalima sa kautusan ni PNP chief General Rommel Francisco Marbil na paigtingin ang Oplan Pagtugis operation sa wanted persons. Matatandaan na nagsampa…

Read More

Opisina nilusob; MAYORALTY CANDIDATE SA PASIG SINISINGIL NG MGA RESIDENTE

NAGTIPON ang daan-daang katao sa harap ng isang construction company sa Pasig City matapos kumalat ang balita na mababayaran na sila sa kanilang sebisyo bilang watchers at poll aide nitong katatapos na midterm elections. Tinatayang hindi bababa sa isandaang Pasigeuno mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod ang nagtungo sa tanggapan ng St. Gerrard Construction (SGC) company sa F. Manalo St., Barangay Bambang nitong Mayo 14. Ito ay matapos kumalat ang balita na babayaran na sila ni Sarah Discaya na tumakbong mayor ng Pasig. Si Discaya ang may-ari ng St.…

Read More

KAMPANYA KONTRA DROGA NG BUCOR PINAIGTING

HINIGPITAN ng Bureau of Corrections ang paggamit ng government quarters para sa mga tauhan nito kasunod ng pagkakaaresto sa tatlong indibidwal kabilang ang isang inmate at ang anak ng dating corrections officer sa hinihinalang ilegal na droga sa San Ramon Prison and Penal Farm (ZPPF) sa Zamboanga. Kasunod nito, inatasan ni Bucor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. si SPPF C/SSupt. Daisy Sevilla Castillote na magsagawa ng masusing imbestigasyon at tiyaking walang gagamiting quarters ng gobyerno sa mga bawal na gawain. Batay sa ulat na isinumite kay Catapang ni…

Read More

RESULTA NG MIDTERM POLLS PINAIIMBESTIGAHAN NG PARTYLIST LEADERS, IBA PANG GRUPO

HINILING ng ilang concerned citizens at partylist leaders na maimbestigahan ng pamahalaan ang anila ay iregularidad sa nagdaang May 12, 2025 midterm elections. Kasunod ito ng napaulat na milyun milyong balota ang hindi umano nabilang at ulat na hindi pagtutugma ng bilang ng balota at ng resulta. Sa complaint letter na isinumite kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., isiniwalat ni party-list leader at concerned citizen Jeffrey Santos na ang automated counting machines (ACMs) na pag-aari ng Korean firm na Miru System Inc. ay iniuugnay din sa ilang prominenteng indibidwal, at…

Read More

MAHIGIT 230K PNP PERSONNEL MAY MID-YEAR BONUS NA

pulis

MAKATATANGGAP na ng mid-year bonus ang mahigit 230,000 uniformed at non-uniformed personnel ng Philippine National Police. Ito ay bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na unahin ang kapakanan ng mga kawani ng gobyerno partikular na ang pulisya. Epektibo Mayo 15, matatanggap ng mga pulis ang kanilang mid-year bonus nang direkta sa kanilang ATM payroll account sa Landbank. Sakop nito ang mga pulis, cadets, at non-uniformed Personnel ng organisasyon. Ayon sa ulat, umabot sa P7.7 bilyon ang pondo para sa kabuuang 230,925 na mga tauhan ng PNP…

Read More