COMELEC IIMBITAHIN SA SENADO KAUGNAY SA NAHULING ‘CHINESE SPY’

IIMBITAHIN ni Special Committee on Philippine Maritime and Admiralty Zones chairperson at Senator Francis “Tol” Tolentino ang kinatawan mula sa Commission on Elections (Comelec) na dumalo sa susunod na pagdinig sa Senado upang magkomento sa nahuling Chinese spy malapit sa Comelec building sa Intramuros, Maynila nitong Martes. Sa Kapihan sa Manila Bay forum, sinabi ni Tolentino na kumpiyansa ito sa abilidad ng mga (Comelec) Commissioner at Chairman sa kabila ng mga nahuhuling Chinese spy, drones, IMSI catcher. Ayon sa senador, ang nakikitang agenda sa mga Chinese spy na konektado sa…

Read More

INAASAHANG MANANALONG PARTY-LISTS HATI SA MGA BAGUHAN AT INCUMBENT; TINGOG, AKO BICOL NANGUNGUNA

MAYNILA, Pilipinas — Batay sa pinakabagong 2025 Pre-Election Party-List Preferential Survey ng Tangere, halos kalahati ng apatnapu’t apat (44) na party-list na inaasahang makakaupo sa House of Representatives ay mga baguhan. Pinangungunahan ng FPJ Panday Bayanihan (FPJPB) Party-list na nasa ika-6 na puwesto sa kabuuan na may 3.83% ng boto. Ang iba pang mga bagong party-list na nakapagtala ng makabuluhang pagtaas sa boto ay ang mga sumusunod: • Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Party-list na pinangungunahan ni Dr. Jose Goitia – ika-10 sa kabuuan na may 2.50% ng boto; •…

Read More

LALAKI PATAY SA PAYOUT NG AYUDA SA MARIKINA

NAMATAY umano sa atake sa puso ang isang lalaki na kabilang sa benepisyaryo ng payout ng ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) katuwang si Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo sa Marikina Sports Center. Isinugod ang lalaki sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center kung saan siya binawian ng buhay. Nabatid na namatay sa cardiac arrest ang lalaki dahil sa sobrang pagod at init. Ayon sa mga saksi, hindi agad nabigyang pansin ang lalaki dahil inuna pa ng mga coordinator ni Quimbo na pagbawalan ang mga tao na…

Read More

106 TRABAHO Party-list, TOP 3 SA WR NUMERO SURVEY

DALAWANG linggo bago ang halalan, namayagpag ang 106 TRABAHO Party-list bilang Top 3 sa Pre-Election Preferences for the 2025 Party-List Elections survey na inilabas ng WR Numero Research (WRN) para sa Metro Manila. Ito na rin ang pinakamataas na naitalang ranggo ng TRABAHO Party-list, bilang 106 sa balota, sa mga survey na isinagawa ng WRN. Tinangkilik din ang 106 TRABAHO maging sa Mindanao kung saan ito ay napabilang sa Top 5 party-list. Sa national cluster, umangat sa ika-13 pwesto ang 106 TRABAHO mula sa ika-50 na dating pwesto. Ang nasabing…

Read More

MAG-ASAWANG SANDOVAL KINASUHAN SA GOOD FRIDAY CAMPAIGN

SINAMPAHAN ng reklamo sa Commission on Elections ang mag-asawang sina Malabon City Mayor Jeannie Sandoval at former congressman Ricky Sandoval kasunod ng pangangampanya umano ng mga ito kahit Good Friday sa kalagitnaan pa man din ng prusisyon sa Brgy. Dampalit. Sa reklamong inihain ni Darren David, taxpayer at lehitimong residente ng Malabon, noong Biyernes Santo, Abril 18, mismong sina Mayor Sandoval at ang mister nitong si Ricky ang namimigay ng campaign leaflets at iba pang materyales sa pangangampanya habang nagaganap ang prusisyon sa barangay. Sa personal na paghahain ng reklamo…

Read More

ISKO NAPANATILI PANGUNGUNA SA MAYNILA

NANGUNGUNA pa rin si dating Manila mayor Francisco ‘ Isko Moreno’ Domagoso sa survey para sa natitirang dalawang linggong kampanya bago ang Eleksyon 2025 sa bansa. Ayon sa pinakabagong survey ng OCTA Research, napanatili ni Domagoso ang kanyang commanding lead sa karera para sa Manila City Mayor. Isinagawa ang survey mula April 20 hanggang 23 at nailabas noong Martes, April 29 na nagpapakita na may 63% vote preference si Domagoso sa buong Maynila. Nauna si Domagoso sa kanyang mga kalaban, kung saan si incumbent Mayor Honey Lacuna ay nagrehistro lamang…

Read More

LATEST TOP 20 SENATORIAL SURVEY RESULT INILABAS NG TANGERE

INILATHALA ng Tangere ang pinakahuling top 20 Senatorial Survey result na isinagawa nito sa mga petsang Abril 22-25. Ang survey na isinagawa nationwide ay nilahukan ng 2,400 respondents. Nakuha nito ang sentimyento ng mga botante mula sa NCR (12 percent), Northern Luzon (23 percent), Southern Luzon (22 percent), Visayas (20 percent), at Mindanao (23 percent). Mayroon din itong ±1.96 percent margin of error at a 95 percent confidence level. 443

Read More

KALIGTASAN NG MGA PINOY SA ABROAD, APELA NG AKO-OFW

DAPAT tiyakin ang seguridad ng mga Pilipino na nagkakaroon ng pagtitipon sa ibang bansa. Ito ang apela ni 1st nominee at AKO-OFW chairman Dr. Chie Umandap matapos ang malagim na insidente sa selebrasyon ng Lapu-Lapu Day sa Vancouver, Canada kung saan 11 sa kababayan natin ang nasawi at marami ring nasugatan. Ani Umandap, dapat agad makuha ng mga nasawing Pinoy ang katarungan at suporta para sa mga biktima at kanilang pamilya. Ang ganito umanong uri ng trahedya sa isang pagdiriwang ng ating kultura at bayanihan ay hindi katanggap-tanggap na pangyayari…

Read More

MGA LEHITIMONG EMPLEYADO SA PASIG CITY HALL DAPAT IBALIK

HINILING ng grupo ng mga residente ng Pasig City na ibalik ang lahat ng lehitimong empleyado ng Pasig City Hall na anila ay inalis sa pwesto at pinalitan ng mga taga-Quezon City nang maupo sa pwesto si Mayor Vico Sotto noong 2019. Ginawa ang panawagan matapos magreklamo ang ilang residente at business owners sa naranasan nilang hindi maayos na serbisyo sa Pasig City Hall. Ayon sa Samahan ng mga KOoperatiba sa Pasig (SAKOP), kung maibabalik sa kani-kanilang pwesto ang mga lehitimong empleyado ay mas masisiguro ang de kalidad na serbisyo…

Read More