PONDO NG OFWs NA TATAMAAN SA MASS REPATRIATION SA US ISUSULONG NG AKO-OFW

ofw

IGINIIT ng AKO-OFW party-list ang paggawa ng batas para awtomatikong masuportahan ang displaced OFW at overseas Filipinos upang maiwasan ang hindi pagkakapareho ng mga benepisyo ng mga distressed OFW. Ito’y kasunod ng bagong sitwasyong kahaharapin ng mga Pinoy worker sa Amerika sa gitna ng ipinatupad ng Trump administration na pagpapauwi sa mga ilegal na nagtatrabaho doon kabilang ang mga Pilipino. Ayon kay Dr. Chie Umandap, 1st nominee at chairman ng AKO-OFW Party-list dapat umanong maglaan ng pondo para sa mga OFW na hindi lamang nanggagaling sa OWWA na regular na…

Read More

MGA DATING TAUHAN NG LRTA MULING NANGALAMPAG SA SC

NAGPROTESTA muli sa harapan ng Korte Suprema ang mga dating tauhan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na nawalan at tinanggal sa kanilang trabaho. Nanikluhod sila sa mga mahistrado ng high tribunal na magtakda ng oral arguments sa usapin ng kanilang separation at back pay. Iginiit ng grupo na maglabas na ng pinal na desisyon ang third division ng Supreme Court kung saan parehas sila ng NLRC na nag-aatas sa LRTA na tumbasan ng bayad ang kanilang serbisyo. Binigyang-diin din ng grupo na hindi tama ang SC En Banc na…

Read More

CHINA BANTA SA MUNDO

INAKUSAHAN ng mga eksperto sa seguridad sa mundo ang Chinese Communist Party (CCP) ng pagpapahina sa pandaigdigang kaayusan sa pamamagitan ng ekonomikong panlilinlang, panghihimasok sa pulitika at pagpapalawak ng kanilang militar. Dahil dito, itinuturing ng mga delegado sa 27th Parliamentary Intelligence-Security Forum (PI-SF) forum na isinagawa sa Batasan Pambansa, na malaking banta sa kapayapaan sa buong mundo ang nasabing bansa. “We have many challenges in the world today, spawned in large part by the nemesis in this region—China,deklara ni dating U.S. Congressman Robert Pittenger kung saan idinagdag nito na “For…

Read More

Sa delay ng rate reset ng NGCP at Meralco EX-ERC COMMISSIONER ALFREDO NON SINABON

BINATIKOS ng mga mambabatas si dating Energy Regulatory Commission (ERC) commissioner Alfredo Non dahil sa pagkaantala ng rate reset ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at Manila Electric Company (MERALCO), na parehong nakatanggap ng sisi dahil sa umano’y kakulangan ng ahensya na dati niyang kinabibilangan. Sa isang pagdinig ng House committee on good government and public accountability, kinuwestiyon si Non tungkol sa kawalan ng rate reset proceedings noong siya ay nanunungkulan pa sa ERC, na nagresulta sa lapsed period para sa NGCP at Meralco. Binigyang-diin ni Cagayan de…

Read More

CAINTA MAYOR PINATAWAN NG PARUSANG COMMUNITY SERVICE ANG ANGKAS DAHIL SA VIRAL VIDEO

PINATAWAN ni Cainta Mayor Atty. Elenita “Elen” Nieto ang Angkas ng parusang community service kasunod ng viral video ng ilan sa bikers nito na nakaabala sa trapiko. Sa isang Facebook post, sinabi ni Nieto na nagpaliwanag at nagpaumanhin na ang Angkas sa kanilang pulong. Ayon sa Mayor, nakatakdang gawin ng Angkas ang community service sa Cainta. “Tinanggap natin ang kanilang paumanhin at umaasa ako na magsisilbi itong learning experience para sa kanila. Titiyakin din natin na tutuparin nila ang pangakong magsilbi sa komunidad,” wika niya. Bukod sa community service, sinabi…

Read More

NETIZENS: TULFO ABUSADO, IPOKRITO

MAINIT na pinag-usapan ng mga netizen nitong nagdaang linggo ang pagkakahuli sa anak ni Senador Raffy Tulfo sa pagdaan sa EDSA bus lane. Hindi napigilan ng mga netizen na kutyain ang senador na kilalang matalas ang dila sa mga mapagmalabis at lumalabag sa batas dahil mismong anak nito na isang kongresista ay pasaway. Anila, malinaw na si Quezon City 2nd District Rep. Ralph Tulfo ay isang lawbreaker at dapat kastiguhin ng amang si Sen. Raffy. Lalong nagngitngit ang netizens nang malaman na pangalawang paglabag na ng kongresista sa loob lang…

Read More

JUDGE SA DE LIMA CASE KINASTIGO NG SC

KINASTIGO ng Supreme Court ang isang hukom dahil umano sa pagkaantala ng kaso ni dating Senator Leila de Lima. Sa inilabas na resolusyon ng high tribunal, pinagalitan nito si Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) Branch 256 Presiding Judge Romeo Buenaventura na napatunayang guilty sa simpleng misconduct constituting violation of the new code of judicial conduct. Inatasan din ng SC ang hukom na magmulta ng halagang P18,000. Bukod dito, napatunayang guilty rin si Judge Buenaventura sa simpleng pagpapabaya sa tungkulin sa pagganap o hindi pagganap ng mga opisyal na tungkulin.…

Read More

PANGGIGIPIT SA TAMBALANG ISKO MORENO AT CHI ATIENZA SIMULA NA?

IKINAGULAT ng mga supporter ng tambalang Yorme Isko Moreno at Chi Atienza ang inilabas na memorandum noong Enero 20, 2025 ng Manila City Legal Officer. Nabisto lamang ang memo na inilabas ni City Legal Officer Atty. Veronica N. Lladoc nang magtipon sa isang sinehan ang mga supporter ni Yorme Isko nitong nakaraang linggo. Nabatid na sa memo ni Atty. Lladoc, inuutusan ang mga mall administrator at katulad na establisimyento sa loob ng lungsod na payagan lamang ang miting kung may maipakikitang permiso. Sa utos ni Lladoc, may inilabas Executive Order…

Read More

PINAS MAY PINAKAMATAAS NA KASO NG BREAST CANCER SA ASYA

NANGUNGUNA ang Pilipinas sa pinakamaraming kaso ng breast cancer sa buong Asya habang ika-siyam naman sa buong mundo. Dahil dito, nanawagan si Quezon City Rep. Patrick Michael Vargas sa gobyerno na maging pro-active sa pagsugpo sa breast kasabay ng paggunita sa World Cancer Day ngayong araw, Pebrero 4. “According to the Philippine Society of Medical Oncology (PSMO), three out of 100 Filipino women can develop breast cancer before they reach the age of 75,” ayon sa mambabatas. Maliban dito, lumabas din aniya sa report ng nasabing organisasyon na ang 16…

Read More