PATULOY ang malakas na suporta sa masa ng FPJ Panday Bayanihan Partylist nang malagay ito sa ikatlong pwesto batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Station. Ang FPJ Panday Bayanihan partylist, na pinamumunuan ng kanilang unang nominado na si Brian Poe, ay nakakuha ng 2.45 porsyento, na nagtitiyak ng kahit isang pwesto kung magaganap ngayon ang halalan. Kasama ni Poe bilang pangalawa at pangatlong nominado ng partido sina Mark Patron, isang lokal na lider na may matibay na panata sa pampublikong serbisyo, at Hiyas Dolor, maybahay ng Gobernador ng Oriental…
Read MoreCategory: METRO
40 SOCMED PERSONALITIES IPINATAWAG NG KAMARA
PINADALHAN ng imbitasyon ng Tri-Committee ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang may kuwarentang social media personalities o mga tinatawag na vloggers, sa pagsisimula ng kanilang imbestigasyon sa pagpapakalat ng fake news at maling impormasyon. Bukas, Pebrero 4, 2025 ay sisimulan na ng Tri-Comm na binubuo ng committee on public order and safety, public information at information and communications technology ang kanilang imbestigasyon. Ayon kay Sta. Rosa, Laguna Rep. Dan Fernandez, layon ng kanilang imbestigasyon na alamin ang epekto sa publiko ng fake news at maling impormasyon na ikinakalat sa social…
Read MoreDAGDAG BENEPISYO SA MGA LOYAL NA MIYEMBRO NG PHILHEALTH, IGINIIT
ISINUSULONG ni Senador Loren Legarda ang panukala na naglalayong bigyan ng dagdag na benepisyo ang mga matagal nang miyembro ng PhilHealth. Sa kanyang Senate Bill 2964, nilalayon ni Legarda na kilalanin ang mga tapat na nagbabayad sa loob ng maraming taon sa pamamagitan ng PhilHealth Member Recognition Program (PMRP). Alinsunod sa ipinapanukalang programa, magkakaroon ng point-based reward system kung saan ang mga miyembrong matagal nang nagbabayad ng premium ay makakakuha ng puntos. Saklaw nito hindi lang ang kanilang mga susunod na bayad kundi maging ang mga naibayad nila sa loob…
Read MoreTRABAHO PARTY-LIST UMANGAT SA 2025 SWS SURVEY
TUMAAS nang 19 na pwesto ang 106 Trabaho Party-List sa Stratbase-SWS January 2025 pre-election survey na inilabas ng Social Weather Stations noong Biyernes. Mula sa pagiging top 54-55 noong December 2024 ay naging top 36 na ngayong January 2025 ang Trabaho Party-List sa mga napipisil na iboto ng taumbayan sa darating na halalan sa Mayo. Sang-ayon sa resulta ng survey ay nagpasalamat ang Trabaho Party-List sa opisyal nitong Facebook page: “Isang malaking tagumpay po na nagpapakita ng tiwala ang mga manggagawa sa ating layunin. Maraming salamat po!” Ang pag-angat ng…
Read MoreACTIVE PNP POLICE COLONEL, KASAMA SA NASAWI SA MID-AIR COLLISION SA U.S.
KINUMPIRMA ng Department of the Interior and Local Government at maging ng pamunuan ng Philippine National Police, ang pagkasawi ng isang active police colonel sa nangyaring mid-air collision sa pagitan ng isang commercial plane at isang Black Hawk Helicopter ng U.S. Army sa may Potomac river sa Washington. Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla kahapon, isang PNP Police officer ang kabilang sa mga nasawi sa nangyaring collision ng isang American passenger jet at US military chopper malapit sa Reagan airport sa Amerika noong Miyerkoles ng gabi, Enero 29. Inihayag ng…
Read MoreCHINESE NEW YEAR CELEBRATION DINAGSA NG 3M KATAO
NAMANGHA ang mga tauhan ng konsulado ng China sa nasaksihang dami ng mga Filipino na nakiisa sa pagdiriwang ng Chinese New Year o Spring festival sa Maynila, partikular sa pinakamalaki at pinakamatandang China Town sa labas ng mainland. Mismong si Ambassador Huang Xilian ang nanguna sa mga kinatawan ng China Embassy sa Pilipinas para makiisa sa selebrasyon ng Chinese New Year sa Binondo, Maynila. Kasama ni Amb. Huang Xilian sina Manila Mayor Honey Lacuna at Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc. president Dr. Cecilio Pedro, sa…
Read More10,000 ILLEGAL RESIDENTS NG MAKATI PINETISYON SA KORTE
TINANGGAP ni Cynthia Sanchez, Record Officer 1 ng Makati Metropolitan Trial Court mula sa isang kinatawan ng United Nationalist Alliance o UNA ang mga dokumento na naglalayong madiskwalipika ang mahigit 10,000 diumano’y mapanlinlang na mga rehistro na hindi bonafide na residente ng Makati.(Danny Bacolod) NAGHAIN ng petisyon ang United Nationalist Alliance o UNA sa Makati Metropolitan Trial Court, na naka-angkla sa Section 35 ng Republic Act 8189 (The Voter’s Registration Act of 1996), na naglalayong madiskwalipika ang mahigit 10,000 diumano’y mapanlinlang na mga rehistro na hindi lehitimong residente ng Makati…
Read MoreUS EMBASSY NAGBABALA LABAN SA VISA SCAM
BINALAAN ng Embahada ng Amerika sa Pilipinas ang publiko hinggil sa US visa scam na kumakalat sa mga social media na layunin ay makapanloko lamang ng mga visa applicant. Sa statement ng US Embassy sa Maynila, nilinaw nitong wala silang anomang transaksyon sa mga social media o direktang e-mail sa mga visa applicants para mabilis na maaprubahan ang isang visa application. Ayon sa embahada, nag-aalok umano ang mga scammer ng mabilis na approval ng US visa kapalit ng malaking halaga. Sinasabing pinapadalhan ng fraudulent emails and messages ng mga nagpapakilalang…
Read MoreCHR PINASALAMATAN NI CONG. ERWIN TULFO SA SUPORTA SA HB 8987
LABIS ang pasasalamat ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo sa suporta ng Commission on Human Rights sa kanyang panukalang batas na Child support bill na “An Act punishing the willful failure to pay paternal child support or HB 8987. Sa isang panayam kay CHR Comm. Faydah Dumarpa, sinabi nito na inaabangan ng Komisyon ang pagsasabatas ng House Bill 8987. “This will help a lot of single moms na makakakuha ng sustento sa kanilang ex para sa anak nila,” ani Dumarpa. Base sa panukalang batas na inihain…
Read More