P200 DAILY WAGE HIKE BILL LUMUSOT NA SA KAMARA

PINAGTIBAY na kahapon sa committee level sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang unang legislative wage increase sa lahat ng manggagawa sa buong bansa, matapos ang mahigit tatlo’t kalahating dekada. Nangailangan lamang ng ilang minuto ang House committee on labor na pinamumunuan ni Rizal 4th District Rep. Juan Fidel Felipe Nograles sa pag-apruba sa Committee Report 514 o “An act providing for a P200 daily across the board increase in the salary rate of employees/workers in the private sector”. Idinaan sa botohan ang pag-apruba sa nasabing panukala kung saan idineklara ni…

Read More

CA BINALIGTAD DESISYON NG MRTC NA PANSAMANTALANG PALAYAIN ANIM NA AKUSADO SA MISSING SABUNGEROS

NABIGO sa Court of Appeals (CA) ang anim na akusado matapos baligtarin ang kautusan ng mababang korte na payagan silang makapagpiyansa sa kasong abduction at serious illegal detention sa mga nawawalang sabungero noong 2022. Hindi pumayag ang CA na pansamantalang palayain ang anim na respondents. Base sa 18 pahinang desisyon, kinatigan ng CA Third division ang petition for certiorari ng prosekusyon makaraan masilip na nakagawa ng grave abuse of discretion ang Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 40 nang pagkalooban ng piyansa ang mga akusado. Una nang iniutos ng MRTC…

Read More

BSK TERM EXTENSION NAMUMURO NA

NAMUMURO na ang pagpapalawig sa termino ng mga barangay at sangguniang kabataang (SK) officials dahil inaasahang isasalang na sa Bicameral conference committee ang panukalang ito. Sa susunod na linggo ay nakatakdang pagtibayin sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill (HB) 11287 na naglalayong ipantay ang termino ng mga Barangay at SK officials sa presidente, bise president at mga senador. Sa bersyon ng Kamara, magiging anim na taon na ang termino ng mga barangay at SK officials mula sa kasalukuyang tatlong taon subalit dalawang termino na lamang ang mga ito…

Read More

NATIONWIDE MANHUNT KASADO SA EX-BFP OFFICIAL

ISINAGAWA ang manhunt operation laban kay dating Senior Fire Officer 2 (SFO2) Reyca Janisa Palpallatoc matapos mabigo ang mga awtoridad na maihatid ang warrant of arrest na inilabas ni Judge Ronald August Tan ng Pasay City Regional Trial Court Branch 297. Ang warrant ay may kaugnayan sa kasong large-scale illegal recruitment sa Bureau of Fire Protection (BFP). Pinuntahan ng mga pulis ang ilang lokasyon na nauugnay kay Palpallatoc, kabilang ang kanyang dating opisina sa punong himpilan ng BFP at ang kanyang huling mga address sa Quezon City; Calamba, Laguna; at…

Read More

BHW TUMANGGAP NG LIBRENG PANGKABUHAYAN – FPJ PANDAY BAYANIHAN PL

Atty. Wilson Austria, Brian Poe, FPJ Panday Bayanihan’s 1st Nominee, and Ms. Alegria Almahano, BHW Pangasinan Federation President UPANG bigyan kapangyarihan ang manggagawa sa pangkalusugan, pinangasiwaan ng FPJ Panday Bayanihan Party-List ang paglulunsad ng programang libreng pangkabuhayan nang magkasundo ang kinatawan ng iFern franchises at opisyal ng Barangay Health Workers (BHW) Federation ng San Carlos City, Pangasinan. Lumagda sa Memorandum of Agreement (MOA) sina Brian Poe Llamanzares, Marvin Casiño IFern Presidential Director, at Alegria Almajano, Pangulo ng BHW Federation ng Pangasinan para sa pormal na pagtataguyod ng ugnayan upang maipagkaloob…

Read More

P2-M BATO NASAMSAM SA HVI SA PASIG

UMABOT sa P2,040,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Eastern Police District (EPD) sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Pinagbuhatan dakong alas-5 ng hapon noong Enero 26. Arestado ang dalawang suspek na sina alyas “Ryan”, itinuturing na high value individual (HVI), at alyas “Andrea”, parehong 24-anyos at residente ng nasabing barangay. Batay sa ulat na nakarating kay PCol. Villamor Tullao, district director ng EPD, ikinasa ng DDEU ang nasabing operasyon nang makatanggap ng impormasyon mula sa isang confidential agent na…

Read More

HDO VS 29 PULIS SA 990 KG SHABU, INILABAS NG BI

HINDI na maaaring makalabas ng bansa ang 29 na pulis na isinangkot sa nasabat na 990 kilos ng shabu na nagkakahalagang P6.7 bilyon, sa Tondo, Manila noong 2022, matapos maglabas ng hold departure order o HDO, ang Bureau of Immigration (BI). Ito ay matapos katigan ng BI ang inihaing motion for issuance of hold departure order ng prosekusyon noong Enero 10 laban sa nasabing mga pulis. Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 92 sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang akusadong mga pulis.…

Read More

DISCAYA: PASIG GAGAWING SMART CITY

NANGAKO ang negosyante na si Sara Discaya na gagawing Smart City ang Pasig City, upang maisakatuparan ang pagiging isang ‘smart, green at sustainable city’ na may ultimate goal na paghusayin ang urban quality ng pamumuhay ng bawat Pasiguenos. Nabatid na bisyon ni Discaya, nangungunang kandidato sa pagka-alkalde ng Pasig, katunggali si incumbent Pasig Mayor Vico Sotto, na hindi lamang gawing isang modern urban city ang lungsod, kundi isang “smart city” na makaaabot sa bawat komunidad, partikular na ang mahihirap na pamilyang naninirahan sa lungsod. Kabilang umano sa kanyang priority projects,…

Read More

PAGTUTURO NG MASTURBATION SA 0-4 YEARS OLD, FAKE NEWS – DEPED

NILINAW ng Department of Education na hindi saklaw ng kanilang Comprehensive Sexuality Education o CSE sa ilalim ng Department Order 31 ang pagtuturo ng masturbation sa zero to 4 years old. Sa pagdinig ng Senate committee on basic education kaugnay sa problema ng teenage pregnancies sa bansa, binigyang-diin ni Deped Assistant Secretary Dexter Galban na nag-uumpisa ang basic education sa mga limang taong gulang pataas. Binigyang-diin ni Galban na ang tanging saklaw nila ay ang school premises at hindi naman sila pumapasok sa mga tahanan kaya’t imposibleng ituro nila ang…

Read More