“MALINAW pa sa sikat ng araw na tinipid ang pagkakagawa ng bumagsak na Cabagan-Sta Maria Bridge sa Isabela para may kumita ng limpak-limpak na salapi!” Ito ang reaksyon ni ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo sa isang panayam. Aniya, may nakikita siyang korupsyon sa nangyari sa tulay na bumagsak noong Pebrero 27. “Bakit ka gagawa ng tulay sa probinsya na para sa light vehicles lang? It does not make sense!,” aniya. Tanong pa ng mambabatas: “Kung mali ang design, bakit nakalusot sa mga engineers ng DPWH (Department of Public Works and…
Read MoreCategory: METRO
PASIG MAYORALTY BET SARA DISCAYA TUMAAS ANG PUNTOS SA PULSO NG LIPUNAN SURVEY
TUMAAS ang puntos ng mayoralty candidate sa Pasig na si Sara Discaya sa katatapos na Pulso ng Lipunan Survey. Batay sa survey, 2 percent na lang ang kalamangan ni incumbent Mayor Vico Sotto kay Discaya. Ginawa ang independent survey, noong February 2025, kung saan lumahok ang 3,000 respondents mula sa mahigit kalahati ng mga barangay sa Pasig City. Batay sa survey, 46% ng mga respondent ang nagsabing iboboto nila si Mayor Sotto sa darating na eleksyon habang 44% ang nagsabing si Discaya ang kanilang iboboto. Mayroon namang 3% ng respondents…
Read MorePASAY MULING SINUYOD NG JOYRIDE VS KOLORUM
MULING nagsagawa ng operasyon ang pamunuan ng Joyride sa kahabaan ng LRT sa Pasay City hanggang Mall of Asia laban sa mga hindi lehitimong rider nila na namamasada. Kasama ng Joyride ang mga tauhan ng Southern Police District na sumita sa mga hindi kolorum o hindi lehitimong gumagamit ng uniporme ng naturang motor taxi. Layon nila na tiyakin ang kaligtasan ng mga pasahero. Sa nasabing operasyon ay may ilang hindi legit na riders ng Joyride ang nahuli at inaasahang magsisilbing halimbawa sa mga kolorum. (RS) 307
Read MoreDATING SEKYU NG POGO HULI SA PAGBENTA NG TEXT BLASTER
KALABOSO ang dating security guard ng isang POGO hub makaraang madakip sa ikinasang entrapment operation ng PNP-Anti Cybercrime Group (ACG) habang nagbebenta ng IMSI o International Mobile Subscriber Identity catcher o Text Blaster sa Pasay City. Nag-ugat ang pagkaaresto sa suspek makaraang makita sa social media ng mga tauhan ng cyber patrol na ibinibenta ang nasabing device na nagkahalaga ng P600,000. Ayon kay PNP-ACG Director Police Brig. Gen. Bernard Yang, ikinasa ang entrapment operation kung saan kinontak ng isang poseur buyer ang suspek para sa bibilhing nasabing text blaster. Napagkasundo…
Read More2 BEBOT TIMBOG SA JOINT BUY-BUST OPS NG PDEA, PNP
DALAWANG babaeng hinihinalang bigtime drug personalities ang nadakip sa ikinasang joint buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police sa EDSA Balintawak southbound, Barangay Apolonio Samson, Quezon City. Kinilala ang mga nasakote sa anti-drug operation na si alyas “Lei”, 34, walang hanapbuhay at residente ng Barangay Bagong Barrio, Caloocan City at isang dalagita na residente ng Barangay Balonbato, Quezon City. Matapos na magpositibo ang nakalap na intelligence information at isinagawang surveillance operation ay inilatag ang joint anti-narcotics operation ng mga ahente ng PDEA Regional Office IV-A Special…
Read MoreLAKAS-CMD IDINEKLARANG DOMINANT MAJORITY PARTY NG COMELEC
IDINEKLARA ng Commission on Elections (Comelec) ang Lakas–Christian Muslim Democrats (CMD) bilang dominant majority party habang ang Nacionalista Party naman ang dominant minority party para sa 2025 National and Local Elections (NLE). “On the basis of the foregoing considerations, the dominant majority party and the dominant minority party, and the accredited majority political parties for the May 12, 2025 national and local elections (NLE) are: Dominant majority party — Lakas-CMD; Dominant minority party — Nacionalista Party,” nakasaad sa resolusyong inilabas ng Comelec nitong Huwebes. Ayon kay Comelec Chairman George Erwin…
Read MorePROFESSIONAL FEES NG MGA DOKTOR DAPAT SAGUTIN NA RIN NG PHILHEALTH – CONG. TULFO
ISUSULONG ni senatorial candidate Erwin Tulfo ang batas na naglalayong sagutin na rin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang professional fees ng mga doktor. Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni ACT-CIS Representative Erwin Tulfo na ang professional fees ang isa sa mga laging problema ng mga pasyente kapag lalabas na ng ospital. Aniya, “ang PhilHealth kasi, ang sasagutin lang ay yung mga gamot at room charge ng pasyente.” “Iyong ayuda naman na nakukuha ng mga mahihirap nating kababayan mula sa medical assistance sa DSWD (Department of Social Welfare…
Read MoreONE ID SYSTEM ISUSULONG SA PASIG CITY PARA SA MAS MABILIS NA PAGHAHATID NG MGA SERBISYO
ISUSULONG sa Pasig City ang pagkakaroon ng One ID system para sa mas mabilis na paghahatid ng serbisyo sa mga residente. Ayon kay mayoralty candidate Sara Discaya, makatutulong ang pagkakaroon ng One ID system para sa mabilis na access sa mga serbisyo kabilang ang mga tulong-pinansyal, complimentary medical check-ups, at iba pang benepisyo ng lokal na pamahalaan. “As we enter 2025, we are actively transforming Pasig into a city that prioritizes efficiency, speed, and modernity. We are committed to ensuring that no Pasigueno faces difficulties in accessing vital services,” aniya.…
Read MoreBARBERS ‘SINAMPAL’ NG LIBEL SUIT NG VLOGGERS
ELLIPTICAL, Lungsod Quezon — Naghain ng reklamong libelo sa Quezon City Prosecutor’s Office ang ilang vloggers laban kay Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers makaraang hilingin ng kongresista sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang mga ito batay sa mga ulat na may koneksyon umano sila sa ilegal na droga at Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). Ayon kay Atty. Rose Beatrix ‘Trixie’ Cruz-Angeles, isa sa mga complainant at dating press secretary ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ang mga alegasyon ni Congressman Barbers ay naging dahilan para…
Read More