PINAGPAPALIWANAG ng Commission on Elections ang anim na senatorial bet at 34 na party-list group sa ilegal na pagpapaskil ng campaign materials. Ayon sa Comelec, naglabas na ng show cause order ang komisyon at hinihintay na lamang nila ang sagot ng 40 kandidato. Sinabi ni Atty. John Rex Laudiangco, tagapagsalita ng Comelec, na kailangang mapatunayan ng mga ito na hindi sila dapat masampahan ng kasong kriminal o paglabag sa Fair Elections Act. Dagdag pa ni Laudiangco, mayroon nang ilang nagsumite ng tugon na ngayo’y pinag-aaralan na ng Comelec. Isa hanggang…
Read MoreCategory: METRO
MAS MALAKING OFW REMITTANCES KINAKAILANGAN NG PHL – – AKO-OFW
IGINIIT ng AKO—OFW party-list na mas kinakailangan ng bansa ang OFW remittances sa kabila ng paglabas ng perang puhunan ng foreign investors sa bansa. Ayon sa Banko Sentral ng Pilipinas, patuloy ang paglabas ng Foreign Capital sa bansa simula pa noong Enero na umaabot na sa $283.69 milyon. Kung kaya, nakikita naman ni AKO-OFW Party-list 1st nominee Dr. Chie Umandap ang kahalagahan ng paglago ng OFW Remittances para matapatan ang paglabas ng dolyar ng foreign investors. Ang “OFW remittances” ay ang perang ipinadadala ng mga OFW sa kanilang mga pamilya…
Read MoreROQUE BUTATA SA AMERIKA
HINDI pinayagang makapasok sa Estados Unidos ang kontrobersyal na dating tagapagsalita ni former president Rodrigo R. Duterte na si Herminio “Harry” Lopez Roque, Jr. Sa ibinahaging impormasyon ng Bureau of Immigration, nakatanggap sila ng ulat sa kanilang counterpart sa Japan na nagsasabing hinarang si Roque nang tangkaing bumiyahe patungong Amerika. Ayon kay Immigration Intelligence Division chief Fortunato Manahan Jr., nasa Japan si Roque nang subukan nitong sumakay ng eroplano patungong Amerika ngunit hindi ito pinayagan. Hindi naman daw inaresto o hinold ng Immigration sa Japan si Roque. Ang dating kalihim…
Read MorePANIBAGONG RORE MISSION ‘DI NILIGALIG NG CHINESE VESSELS
TAHIMIK at walang aberya na nakapagsagawa muli ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng routine troop Rotation and Resupply (RORE) mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, walang naitalang untoward incident sa naturang RORE mission. Nabatid na isinagawa ang RORE nang may koordinasyon mula sa Philippine Coast Guard (PCG). Paliwanag ni Trinidad, ang pagkumpleto sa misyon na ito ay muling nagpapatibay sa pangako ng AFP, hindi lamang sa pagsuporta sa ating mga sundalo sa WPS, kundi higit sa…
Read MoreMAGSASAMANTALA SA MGA MAGSASAKA DAKPIN – SOLON
HINAMON ng isang lider ng Kamara ang Department of Agriculture (DA) na ngayon pa lamang ay kumilos na at bantayan ang mga magsasamantala sa mga magsasaka sa pagpasok ng harvest season. “Malinaw ang batas—hindi natin papayagan ang pananamantala sa (ating) mga magsasaka at konsyumer,” paalala ni House committee on agriculture chairman Mark Enverga ng Unang Distrito ng Quezon, na kabilang sa mga miyembro ng Quinta Committee na nag-iimbestiga sa mataas na presyo ng mga bilihin, partikular na ang bigas. Ginawa ng mambabatas ang pahayag na ito dahil ngayong Marso hanggang…
Read MoreREP. ERWIN TULFO NAGPASALAMAT SA PAGKA-DISMISS NG DQ SA KANYANG KANDIDATURA SA PAGKA-SENADOR
Taos-puso namang nagpasalamat si Deputy Majority Leader Erwin Tulfo sa Poong Maykapal at sa 1st Division ng Comelec makaraang ibasura ang petisyon laban kanyang kandidatura sa Senatorial race sa darating na Mayo. Ang pagkakadismis ng kaso kay Cong. Tulfo dahil sa hindi pagsunod ng petitioner sa mga kinakailangang rekisito ng Comelec ay patunay ng integridad ng ating halalan at ng kahalagahan ng pagsunod sa tamang proseso. Sa isang pahinang opisyal na pahayag ni Tulfo, sinabi nito na buo ang kanyang tiwala at naninindigan sa kalayaan at pagiging patas ng Comelec.…
Read MorePAGPAPABABA SA PRESYO NG BIGAS, IBA PANG AGRI PRODUCTS ISUSULONG NG ATEACHERS PARTY-LIST
NANGAKO si ATeacher Party-list nominee Virginia Rodriguez na magsusulong ng mga inisyatiba para mapabuti pa ang edukasyon at mapababa ang presyo ng pangunahing bilihin sa bansa kabilang ang bigas at iba pang agricultural products. Ayon kay Rodriguez, bahagi ng mga programa ng ATeachers Party-list ang paghihikayat na gumamit ng organic fertilizers at pagpapatupad ng modern agricultural techniques. Si Rodriguez, author ng librong “Leave Nobody Hungry,” ay eksperto sa pagpapababa ng presyo ng pangunahing bilihin bunsod na rin ng kanyang kaalaman sa agricultural output ng bansa. Siya ay negosyante at philanthropist,…
Read MoreEDUKASYON, KALUSUGAN NG KATUTUBO ISUSULONG NG PINOY AKO PARTY-LIST
SINIGURO ng Pinoy Ako Party-list na kanilang isusulong ang karapatan ng mga Indigenous People. Ayon sa Pinoy Ako Party-list, mayorya ng mga naninirahan sa Cordillera Region na pawang Indigenous Filipinos ay maaaring makaranas ng diskriminasyon dahil sa hindi patas na edukasyon. May ilang katutubo rin ang napipilitan na lamang na hindi na ipaglaban ang kanilang karapatan dahil sa hamon sa mga buhay partikular ang kahirapan. Layunin ng Pinoy Ako Party-list na magkaroon ng P600 million na pondo para sa mga proyektong isusulong sa Pampanga upang matulungan ang Indigenous peoples sa…
Read MoreSMUGGLING NG P202-M MACKEREL PASOK SA ECONOMIC SABOTAGE – BRIONES
NANINIWALA si Agricultural Sector Alliance of the Philippines, Inc. (AGAP) party-list Rep. Nicanor ‘Nikki’ Briones na pasok sa Anti-Agricultural Economic Sabotage Act ang ilegal na pagpasok ng 19 forty-foot container na frozen mackerel. Ang kontrabando na may halagang 202 million ay misdeclared bilang frozen fried taro na naka-hold simula pa noong Enero 20, 2025. “Dapat ang enforcement group ng Economic Sabotage council tulad ng NBI, PNP at Coast Guard ang manguna sa pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon sa mga nahuling kargamento para magkaalaman na,” wika ni Briones. Ang Anti-Agricultural Economic Sabotage…
Read More