NAHAHARAP sa kasong kriminal ang mga may-ari at tripulante ng dalawang marine tankers na sangkot fuel pilferage o paihi, isang modus operandi na ilegal na naglilipat ng unmarked or smuggled fuel, kasunod ang ikinasang anti-smuggling operation ng Bureau of Customs sa Navotas Fish Port. Ayon sa pahayag ng Aduana, sinampahan ng kaso ang mga operator ng MT Tritrust at MT Mega Ensoleillee dahil sa mga paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act, National Internal Revenue Code, at Tax Reform for Acceleration and Inclusion. Ayon sa BOC, ang MT Tritrust at…
Read MoreCategory: METRO
7 CO-ACCUSED NI ALICE GUO SUMUKO SA NBI
SUMUKO sa mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pitong co-accused ni dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo nitong Lunes. Sa isinagawang press conference, sinabi ni NBI Director Jaime Santiago, lima ang sumuko sa NBI Central Luzon habang dalawa ang sumuko sa NBI Task Force Alice Guo. Ayon kay Director Santiago, “Sila ang lumalabas na mga responsable doon sa Hongsheng incorporators at sa Zun Yuan incorporators. Lahat ito ay mga masasabi nating mga bogus corporation ni Alice Guo.” (Mukhang responsable sila bilang mga incorporator ng Hongsheng at incorporator…
Read MoreEX-MAYOR ALICE GUO MATITIKMAN NA BUHAY HOYO
MATITIKMAN na ni dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo ang buhay preso kasama ng iba pang person deprive of liberty matapos na tuluyang mailipat sa Pasig City Jail nitong Lunes mula sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City, sa utos ng Pasig Regional Trial Court. Lumabas ang convoy na naghahatid kay Guo sa detention facility sa Camp Crame dakong alas-8:49 ng umaga at dumating ng Pasig City Jail bandang alas-9:14 ng umaga, base sa ulat. Ililipat sana si Guo sa Pasig City Jail Female Dormitory noong Biyernes subalit…
Read MoreBANGKAY NALAMBAT SA MANILA BAY
ISANG bangkay ng lalaki ang natagpuang nakalutang sa dagat na sakop ng Manila Bay sa Northwest sa Breakwater Entrance Channel MICT basin sa Barangay 20, Tondo, Manila noong Linggo ng umaga. Ang biktimang hindi pa nakikilala ay nakasuot ng dark blue hoody jacket at gray jogging pants. Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Vandiel Niko Banson na isinumite kay Police Lieutenant Rheeth Nicdao, Duty Officer ng Delpan Police Station 12 ng Manila Police District, bandang alas-7:45 ng umaga nang mamataan ang bangkay ng isang lalaki habang hinahampas ng alon…
Read MoreSPEAKER SA DA: BIGAS NA NAKATAGO SA MGA PIER, KUMPISKAHIN
PINAKUKUMPISKA ni House Speaker Martin Romualdez sa Department of Agriculture (DA) ang mahigit 20 milyong kilo ng bigas na nakatengga lang sa Pier. Ayon kay Speaker Romualdez, “sabi ng DA, bayad na ang mga duties and taxes ng mga bigas na ito pero bakit di pa inilalabas ng mga may-ari?” Babala ni Romualdez, “pag hindi nila ilabas yan at dalhin sa merkado, pwede na sigurong kumpiskahin ng gobyerno dahil sa hoarding.” Matatandaang ibinulgar ni DA Sec. Francisco Laurel noong nakaraang linggo na milyun-milyong kilo ng bigas ang nasa Pier at…
Read MoreKahit hindi makatatakbong chief minister ng BARMM SC RULING TANGGAP NI SULU GOV. TAN
MASAYA at tanggap ni Sulu Gov. Abdusakur Tan ang desisyon kamakailan ng Korte Suprema na nag-aalis sa Sulu sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Ito’y kahit pa hindi na siya papayagang makatakbo bilang Chief Minister ng BARMM. Matatandaang sa desisyon ng Supreme Court, sinang-ayunan nito ang validity ng BARMM organic law. Bukod dito, inaalis na rin ang Sulu sa rehiyon at ibinalik na ito sa pamumuno ng national government. Si Gov. Tan ay nag-anunsyo na kamakailan na tatakbong Chief Minister ng BARMM, pero dahil sa desisyon ng SC,…
Read MoreTULFO: EYEGLASSES, WHEELCHAIR SAGOT NA RIN NG PHILHEALTH
BABALIKATIN na rin ng PhilHealth ang mga prescription glasses, crutches, walker at wheelchair ng mga miyembro nito sa Enero 2025. Ito’y bunsod na rin ng pakiusap ni House Speaker Martin Romualdez sa mga opisyal ng PhilHealth. “Problema talaga ng mga seniors at PWDs ang mga gamit na ito sa pang-araw-araw para sila ay makakilos kung kaya’t naisipan ni Speaker Romualdez na ipasagot na rin sa PhilHealth ang mga ito,” ayon kay House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo. Pinulong ni Cong. Tulfo at ang Office of the Speaker ang mga opisyal…
Read MoreBENGUET VICE GOV KINASUHAN SA OMB
SINAMPAHAN ng kasong graft and corruption ng isang grupo sa Office of the Ombudsman si Benguet Vice Gov. Erickson Felipe kamakailan. Ayon sa Task Force Kasanag (TFK), may conflict of interest umano ang pagiging vice governor ni Felipe at pagiging may-ari niya ng Tagel Corporation, isang construction firm na may transaksiyon sa gobyerno. Nakasaad din sa nasabing reklamo, nakakuha umano ng 30 kontrata ang kumpanya ni Felipe sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na nagkakahalaga ng P1.35 bilyon noong 2022 hanggang 2023 habang siya ang bise gobernador. Malinaw…
Read MoreACOP KAY BATO: ‘WAG KANG MAGTAGO SA SAYA NI VP SARA
HINAMON ni Antipolo City 2nd District Rep. Romeo Acop si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na huwag magtago sa ilalim ng saya ni Vice President Sara Duterte at sa halip ay harapin ang mga akusasyon laban sa kanya kaugnay sa madugong war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Si Dela Rosa ang hepe ng Philippine National Police (PNP) nang ipatupad ang “anti-drug war” ni Duterte kung saan libo-libong Pilipino ang pinaslang. Sinabi ni Acop na walang basehan ang iginigiit ni Dela Rosa na ang testimonya ni dating Iloilo…
Read More