PINALALAKAS ng Philippine Ports Authority (PPA) ang cruise tourism sa bansa sa pamamagitan ng pinaigting na serbisyong pantalan. Nitong nakaraang linggo, masiglang sinalubong ng PMO NCR–South ang pagdaong ng dalawang luxury cruise ship sa Pier 15, Manila South Harbor. Dumaong ang Crystal Symphony para sa dalawang araw na pagbisita bilang bahagi ng 58-araw nitong biyahe mula Mombasa patungong Tokyo, lulan ang 543 pasahero at 483 tripulante. Isinagawa ang turn-around call kung saan 317 pasahero ang nag-disembark at 278 ang nag-embark, habang 342 pamilya ng mga Pilipinong tripulante ang nakilahok sa…
Read MoreCategory: METRO
DBM: WALANG DELAY SA INFRA FUNDS
PINABULAANAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang alegasyon ng pagkaantala sa pagpapalabas ng pondo para sa infrastructure projects. Ayon sa DBM, lahat ng budget releases ay mahigpit na sumusunod sa 2026 General Appropriations Act at hindi maaaring ilabas nang basta-basta. “DBM does not arbitrarily delay the release of funds,” diin ng ahensya. Ipinaliwanag na ang ilang proyekto ay sumailalim sa Congress Introduced Changes and Adjustments (CICA), kaya kailangan pa ng karagdagang validation at clearance mula sa Office of the President bago maaprubahan ang pondo. Ang mga proyektong ito…
Read MoreMGA DOKUMENTO NG ICI SA FLOOD ANOMALY SISIYASATIN NG DOJ
PAG-AARALAN ng Department of Justice (DOJ) ang mga dokumentong isinumite ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) kaugnay sa umano’y anomalya sa flood control projects. Kinumpirma ni Justice Secretary Eric Vida na natanggap na ng DOJ ang kopya ng mga dokumento at iba pang ebidensiya mula sa komisyon. Ayon sa kalihim, susunod na hakbang ng ahensya ang masusing pagsusuri sa report upang matukoy kung may sapat na basehan para sa posibleng pagsasampa ng kaso. Makikipagtulungan din ang DOJ sa Office of the Ombudsman, kung saan nauna nang nagsumite ang ICI ng…
Read MoreSEN. MARK VILLAR, NATUWA SA BAGONG AUTHENTICATION RULE NG BSP LABAN SA ONLINE SCAMS
IKINATUWA ni Senador Mark Villar ang direktiba ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na magpatupad ng mas makabagong authentication methods sa mga bank transaction simula Hunyo 30 ngayong taon. Ang hakbang ay kaugnay ng implementasyon ng Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA) na layong palakasin ang proteksyon laban sa online fraud. Bilang principal sponsor at author ng batas, sinabi ni Senador Villar na mahalaga ang bagong polisiya upang maprotektahan ang mga Pilipino laban sa iba’t ibang uri ng online scams at phishing. Nangako rin ang senador na magsusulong pa siya ng…
Read MoreKASO NG SEC LABAN SA PAMILYA VILLAR, UMARANGKADA NA SA DOJ
UMARANGKADA na sa Department of Justice (DOJ) ang pagdinig sa mga reklamong isinampa ng Securities and Exchange Commission (SEC) laban sa pamilya Villar at iba pang respondents. Sa inilabas na subpoena ng DOJ, kabilang sa mga ipinatawag sina dating Senador Manny Villar, dating Senadora Cynthia Villar, at magkapatid na Senador Mark Villar at Las Piñas Rep. Camille Villar, kasama ang iba pang sangkot sa kaso. Gayunman, walang miyembro ng pamilya Villar ang personal na dumalo sa unang araw ng preliminary investigation na pinangunahan ni Senior Deputy State Prosecutor Peter Ong…
Read MorePara buhayin ekonomiya ng Maynila P1.76-B AYUDA INILABAS NI ISKO
INANUNSYO ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso nitong Lunes ng umaga, Marso 16, ang pagpapalabas ng P1.76 bilyon na tulong pinansyal, insentibo at bahagi ng kita upang pasiglahin ang lokal na ekonomiya habang tumataas ang presyo ng langis sa buong mundo dahil sa nagpapatuloy na armadong sigalot sa Middle East. Ayon kay Domagoso, ang pondong nagmula sa General Fund at Trust Fund ng lungsod ay inilalabas upang agad na umikot ang pera sa ekonomiya sa pamamagitan ng mas mabilis na pamamahagi ng ayuda sa mga residente, estudyante, empleyado ng…
Read MoreDILG PLANONG GUMAMIT NG DRONES KONTRA ILEGAL NA DROGA
PLANONG bumili ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng long-range drones na gagamitin sa pagpapatrolya sa karagatan ng bansa bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga. Sa isang briefing sa Calapan City sa Oriental Mindoro, sinabi ni SILG Jonvic Remulla na mas epektibo at mas mura ang paggamit ng drones kumpara sa tradisyunal na helicopter at speedboat sa pagharang sa mga hinihinalang drug shipment. Ayon kay Remulla, may kakayahan ang mga drone na makipag-ugnayan sa mga barko sa pamamagitan ng radyo. Kapag hindi…
Read MoreEepal sa fuel subsidy mananagot NAKA-MOTORSIKLO ‘DI DAPAT MAIWAN SA OIL TAX RELIEF – ERWIN TULFO
KASUNOD ng pag-certify ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang “urgent” sa panukalang suspensyon ng excise tax sa petrolyo, nanawagan si Senator Erwin Tulfo na gawing inklusibo ang nasabing polisiya para hindi maiwan ang nasa 8.5 milyong Pinoy na gumagamit ng motorsiklo araw-araw. Sa pagdinig ng Senate Ways and Means Committee noong Marso 11, nagbabala si Tulfo laban sa paglimita ng tax relief sa diesel lamang. “Huwag nating iwanan ang mga naka-motorsiklo. Gasolina ang gamit nila, kaya hindi natin pwedeng limitahan lang sa diesel ang suspensyon ng excise tax,” giit…
Read MoreDESISYON NG SC SA PANUNTUNAN NG DOJ NAGPALAKAS SA KASO NI MANAS
INANUNSYO ng Korte Suprema noong Marso 11, 2026, na pinagtibay nito ang isang panuntunan ng Department of Justice (DOJ) na nagtaas sa antas ng ebidensyang kailangan bago maisampa ang kasong kriminal sa hukuman. Sa desisyon, idineklara ng SC ang bisa ng Department Circular No. 20, na inilabas noong panahon ng dating Kalihim ng Katarungan at ngayon ay Ombudsman Boying Remulla, na nagtataas ng pamantayan sa preliminary investigation mula sa probable cause lamang patungo sa prima facie evidence na may reasonable certainty of conviction. Dahil sa desisyon ng Korte Suprema, lalong…
Read More