UTCPI HUMIRIT NG TAAS-PASAHE SA MOTORCYCLE TAXI

ANG mga kinatawan ng United Transport Coalition Philippines, Inc. (UTCPI) sa pangunguna ni UTCPI President Lisza Buscaino-Redulla (ikalawa mula kanan) kasama si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Atty. Vigor Mendoza (ikatlo mula kaliwa). NAGPAHAYAG ng pangamba ang United Transport Coalition Philippines, Inc. (UTCPI) sa umano’y maagang pagpapatupad ng oil price adjustments na agad nagpapabigat sa mga driver at maliliit na operator. Ayon sa grupo, ang pagtataas ng presyo kahit hindi pa aktuwal na nararamdaman ang paggalaw ng gastos sa merkado ay nagdudulot ng hindi patas na pasanin…

Read More

P2.2-B LEARNING MATERIALS SA BARMM SINISILIP NG COA

SINISILIP ng Commission on Audit (COA) Special Audit Team ang umano’y malawakang iregularidad at posibleng paglabag sa batas sa pagbili ng learning materials na nagkakahalaga ng P2.2 bilyon ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Batay sa audit findings, isinagawa ang procurement sa ilalim ng pamumuno ni Education Minister Mohagher Iqbal, kung saan hinihinala ang iba’t ibang paglabag sa umiiral na procurement laws at regulasyon. Sa ulat, isinagawa ang special fraud audit sa utos ni COA Chairman Gamaliel Cordoba noong…

Read More

AGARAN AT KOMPREHENSIBONG AKSYON LABAN SA RABIES, PANAWAGAN NI VILLAR

NANAWAGAN si Senator Mark Villar na magkaroon ng isang holistiko at matibay na tugon sa pamamagitan ng lehislasyon laban sa krisis sa rabies sa bansa. Sa kanyang privilege speech kaugnay ng Rabies Awareness Month, binigyang-diin ng mambabatas ang pagtugon higit pa sa pagpapalaganap ng kaalaman, tungo sa kongkretong solusyong medikal at beterinaryo. Ibinahagi ni Villar ang nakapanlulumong kuwento ni Jamaica Seraspe, isang batang estudyante na pumanaw matapos makagat ng asong gala. Ayon sa senador, “kinakatawan niya ang isang kritikal na puwang sa pampublikong kalusugan kung saan ang agarang atensyong medikal…

Read More

BJMP: WALANG VIP TREATMENT KAY REVILLA SA QC JAIL

ITINANGGI ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang alegasyong may special treatment si dating Sen. Bong Revilla Jr. habang nakakulong sa Quezon City Jail Male Dormitory. Ayon kay QCJMD warden Maria Lourdes Pacion, walang basehan ang ulat na may hiwalay na air-conditioned cell at “unlimited dalaw” ang dating senador. Iginiit ng BJMP na si Revilla ay nananatili sa kanyang itinalagang selda at sumusunod sa parehong patakaran tulad ng ibang persons deprived of liberty (PDLs). Tiniyak din ni BJMP-NCR Director Baby Noel Montalvo ang zero tolerance policy laban sa…

Read More

PNP, ALL-OUT SA TRANSPORT STRIKE

NAGDEKLARA ng full alert ang Philippine National Police (PNP) kaugnay ng ikakasang nationwide transport strike ngayong Huwebes, Marso 19. Ayon kay PNP chief Jose Melencio Nartatez Jr., paiigtingin ang presensya ng pulis sa urban areas upang matiyak ang kaayusan. Nanawagan din siya sa mga organizer, kabilang ang PISTON, na disiplinahin ang kanilang mga miyembro upang maiwasan ang tensyon. Kasabay nito, handa ang gobyerno na magpatupad ng Libreng Sakay Program para tulungan ang mga commuter na maaapektuhan. (TOTO NABAJA) 255

Read More

DOH: SAMA-SAMA SA LABAN VS TB “Light Up PH” ilulunsad sa Marso 24

HINIKAYAT ng Department of Health (DOH) ang publiko na makiisa sa kampanya para tuluyang wakasan ang tuberculosis sa bansa. Panawagan ng ahensya sa mga komunidad at sektor na lumahok sa “Light Up PH para sa Pilipinas na tuberculosis-free,” kung saan sabay-sabay na magsisindi ng pulang ilaw sa Marso 24, alas-6 ng gabi. Layunin ng aktibidad na ipakita ang kolektibong determinasyon laban sa Tuberculosis, habang hinihikayat din ang paggamit ng energy-efficient lighting sa loob lamang ng limang minuto. (JULIET PACOT) 241

Read More

CONTINGENCY PLAN PARA SA OFWs, ITINUTULAK NI CAYETANO

MANILA — Itinutulak ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang pagbuo ng isang national contingency framework upang maprotektahan ang overseas Filipino workers (OFWs) sa gitna ng tumitinding global instability. Sa Senate Resolution No. 343, hinimok ni Cayetano ang Executive Branch na maglatag ng komprehensibong contingency plan para mapalakas ang kahandaan ng bansa sa malalaking krisis sa loob at labas ng Pilipinas. Ayon sa senador, direktang naaapektuhan ng mga armadong sigalot at pag-uga ng pandaigdigang ekonomiya ang kabuhayan at kaligtasan ng milyun-milyong OFWs, lalo na sa Middle East. Iginiit niya…

Read More

Matapos ang sunud-sunod na oil price hikes TNVS SECTOR NAKAHINGA SA TAAS-PASAHE NG LTFRB

MALUGOD na tinanggap ng mga transport community group ang desisyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na itaas ang base fares para sa transport network vehicle service (TNVS), na anila’y malaking tulong sa mga driver at operator na hirap sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at iba pang gastusin. Ayon sa TNVS sector, hindi na-update ang fare structure mula pa noong 2019 kahit sunud-sunod ang oil price hikes, bago pa man ang tensyon sa Middle East. Kaya naman ang fare adjustment ay itinuturing nilang pagkilala ng…

Read More

CERVICAL CANCER AWARENESS, INILUNSAD SA SENADO

INILUNSAD sa Senado ang Cervical Cancer Awareness Movement sa pangunguna ni Senadora Camille Villar, kasabay ng pagbibigay ng libreng HPV vaccine sa mga babaeng empleyado. Layunin ng programa na maprotektahan ang kalusugan ng kababaihan laban sa Cervical Cancer, lalo na sa gitna ng pagdiriwang ng National Women’s Month. Nagpasalamat si Villar sa mga katuwang na institusyon kabilang ang Las Piñas District Hospital at ang Senate Medical Team sa matagumpay na rollout ng programa. Umaasa ang senadora na maisasagawa ito taun-taon upang mas mapalawak pa ang proteksyon ng kababaihan laban sa…

Read More