KAMARA NAGLULUKSA SA PAGPANAW NI REP. BARZAGA JR.

NAGLULUKSA ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pagpanaw ni Dasmariñas City Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga Jr. “We are deeply saddened by Cong. Pidi’s passing. The House of Representatives has just lost a great legal thinker and a smart number-cruncher,” ani House Speaker Ferdinand Martin Romualdez. Ayon sa pahayag ng pamilyang Barzaga, pumanaw ang 74-anyos na mambabatas sa California, USA noong Sabado (oras sa Pilipinas). Nabatid na naka-medical leave ang mambabatas dahil nagpapagamot ito sa Amerika subalit hindi nilinaw kung ano ang sakit nito. Naulila ni Barzaga, chairman ng House Committee…

Read More

TB TEST IPASASAMA NINA SPEAKER ROMUALDEZ, REP. YEDDA SA LIBRENG KONSULTA NG PHILHEALTH

HIHILINGIN nina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at Tingog Party-list Rep. Yedda K. Romualdez sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na isama sa libreng diagnostic package nito ang pre-requisite tests para sa mga pinaghihinalaang nahawa ng tuberculosis. Ginawa ng dalawa ang pahayag sa isang health caravan na inorganisa ni Rep. Yedda at House Deputy Majority Leader at Iloilo 1st District Rep. Janette Garin kung saan nasa 1,000 magsasaka at mangingisda sa Iloilo City ang binigyan ng mga gamot, check-up at laboratory test gaya ng basic x-ray, bloodwork at iba pa.…

Read More

MARITIME SECURITY PAHUHUSAYIN NG UGNAYAN NG PHL AT US

INIHAYAG ng opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG) sa courtesy visit ni Ambassador to the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Yohannes Abraham, sa punong-tanggapan ng PCG sa Maynila noong Biyernes, Abril 26, na ang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at United States (US) ay lalong magpapahusay sa kanilang pagtutulungan sa maritime security. Ipinahayag ni Vice Admiral Rolando Lizor Punzalan Jr., PCG deputy commandant for operations, ang koneksyon ng Pilipinas sa US Coast Guard at United States ay lumago nang higit pa sa pagbibigay ng technical at operational training para…

Read More

COMELEC NAKAPAGTALA NG MAHIGIT 2M NEW VOTERS

KABILANG sa mahigit dalawang milyong aplikasyon na natanggap ng Commission on Elections para sa voter registration ang mga bagong botante na humiling ng reactivation o paglilipat ng voter registration. Ayon kay Comelec Election and Barangay Affairs Department-Precinct Division chief, Atty. Jennifer Felipe., ito ay mula nang magsimula ang voter registration noong nakaraang Pebrero. Hinimok naman ng Comelec ang mga botante na huwag nang hintayin ang last-minute at magparehistro na bago ang deadline sa Setyembre 30. Kaugnay nito, ang pilot internet voting para sa overseas Filipinos para sa 2025 elections ay…

Read More

8 HUMAN TRAFFICKING VICTIMS NASAGIP

SA KABILA ng krisis sa Israel, nasagip ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang walong biktima ng human trafficking na ni-recruit upang magtrabaho sa nasabing bansa. Ayon sa Bureau of Immigrations (BI) Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES), ang babaeng trafficker kasama ang mga biktima ay tinangkang sumakay ng Emirates Airlines flight sa Clark International Airport (CIA) Terminal 2, na nagpanggap na kasama sa pilgrimage sa nasabing bansa.. Ngunit sa bandang huli ay inamin ng mga biktima na magtatrabaho sila bilang hospital at hotel cleaners sa pagdating…

Read More

TAGUIG MUSIC FESTIVAL UMARANGKADA

INILUNSAD ang Taguig Music Festival 2024 sa Lakeshore TLC Concert Grounds sa Lower Bicutan, lungsod ng Taguig na pinangunahan ni Mayor Lani Cayetano bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-437 Foundling Anniversary ng lungsod. Inihandog ng lungsod ang dalawang araw na concert mula April 26 at 27 na kinapapalooban ng mga kinikilalang OPM Bands at promising talents. Tiyak na masisiyahan ang mga concertgoers dahil sa live performances ng The Itchyworms Mayonnaise, Brisom, Keiko, Dilaw, Autotelic, Whirlpool Street, No Lore, Ombre, Michael Yths at Diz sa unang araw. Sa pangalawang araw naman…

Read More

4 SENIOR OFFICERS APEKTADO NG PNP REORGANIZATION

APAT na ranking police officers ang napabilang sa pinakahuling reorganisasyon sa hanay ng Philippine National Police (PNP). Sa ibinabang kautusan ni PNP chief, General Rommel Francisco Marbil, simula kahapon nagsimula nang manungkulan bilang direktor ng Directorate for Personnel and Records Management si PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) Director Major General Sidney Hernia. Hinalinhan niya si Major General Belli Tamayo na sumapit na sa mandatory retirement age na 56-anyos noong Abril 18, 2024. Pamumunuan naman ni Brig. Gen. Ronnie Francis Cariaga ang ACG kapalit ni Hernia, habang si Brig. Gen. Aligre Martinez…

Read More

Top Performing Cabinet Officials ng Marcos admin —RPMD

INILABAS ng RP Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) ang “Voices of the People” 1st quarter 2024 nationwide job performance assessment ng mga cabinet officials sa administrasyong Marcos. Ang pagsusuri ay isinagawa mula Marso 18–24, 2024, na may 10,000 respondent na lumahok sa face-to-face interviews. Ang pagtatasa ay nagbigay-diin sa kahanga-hangang mga pagganap ng ilang miyembro ng gabinete, lalo na si Sec. Benhur Abalos Jr. ng Department of the Interior and Local Government (DILG), na lumitaw bilang top performer. Si Sec. Abalos, na may pananagutan sa mga inisyatibo upang mapanatili…

Read More

US WALA PANG EXTRADITION REQUEST PARA KAY QUIBOLOY

WALA pa ring natatanggap na extradition request ang Embahada ng Pilipinas sa Estados Unidos para sa kontrobersyal na Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader na si Pastor Apollo Quiboloy. Si Quiboloy ay idineklarang “wanted” ng US Federal Bureau of Investigation para sa kasong sex trafficking. Sinabi ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, maaaring magpalabas ang Estados Unidos ng nasabing kautusan laban sa Pastor ngunit sa ngayon ay wala pa ito. “We were informed that there was potentially a request for his extradition but so far there has…

Read More