AGWAT SA FARM GATE AT RETAIL PRICE NG BASIC GOODS SUSURIIN NG KAMARA

PAMUMUNUAN ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang isang agarang imbestigasyon, in aid of legislation, kaugnay ng lumalaking agwat ng farmgate at retail prices ng bigas at iba pang basic goods, sa pagbabalik ng sesyon ng Kamara sa Lunes. Kasunod na rin ito ng pakikipagpulong nina Speaker Romualdez at Deputy Majority Leader Erwin Tulfo sa mga kinatawan ng producers, retailers, at grocery stores noong Martes, kung saan itinanggi ng mga ito na nagpatupad sila ng substantial price changes. “I would ask Chairman Mark Enverga of the Committee on Agriculture…

Read More

TULAK SWAK SA SELDA SA P176-K SHABU

NABINGWIT sa anti-criminality campaign ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District-Meisic Police Station 11, ang isang 33-anyos na umano’y tulak ng ilegal na droga sa buy-bust operation sa Barangay 286, Binondo, Manila nitong Huwebes ng madaling araw. Kinilala ang target ng operasyon na si Godofredo Tampos Jr., alyas “Greg”, binata, ng Tondo, Manila Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander, bandang alas-2:41 ng madaling araw nang ikasa ng mga operatiba ng SDEU, sa tulong ng mga tauhan ni PLt. Col. Mupas ang buy-bust…

Read More

HIGIT 2M DAYUHAN BUMISITA SA PINAS NGAYONG ABRIL – DOT

MAHIGIT dalawang milyong international visitors ang tinanggap ng Pilipinas ngayong buwan, ayon sa Department of Tourism (DOT). Ang tourism receipt ng bansa mula Enero 1 hanggang Marso 31,2024 ay umabot din sa tinatayang P157.62 bilyon, na isinasalin sa tinatayang 120.70 porsiyentong recovery rate mula sa P130.59 bilyong kita na nakuha mula sa parehong panahon noong 2019 o ang milestone year para sa turismo ng Pilipinas bago ang global lockdown at tumigil ang industriya. Base sa monitoring data ng departamento, noong Abril 24, 2024, kabuuang 2,010,522 international visitors ang pumasok sa…

Read More

Habang may PHL-US Balikatan CHINA BEHAVE MUNA SA WPS

UMAASA ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na magtitino at walang gagawing na mapanghamong aksyon ang China sa kasagsagan ng ilulunsad na joint maritime na nakapaloob sa Balikatan Exercises 39-2024 sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos. Ayon kay Navy spokesman for WPS Commodore Roy Vincent Trinidad, naniniwala silang hindi magsasagawa ng anomang ilegal na aktibidad ang China habang isinasagawa ang pagsasanay. “It is an activity between the US and the Philippine, historically the illegal, unprovoked, uncalled for actions of China will only be to the Philippines,” pahayag ni…

Read More

ABOT-KAYANG PABAHAY SA MAHIHIRAP SA QC HANGAD NI MAYOR BELMONTE

ISUSULONG ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagtatayo ng abot-kayang pabahay sa loob ng lungsod para sa informal sector families’ (ISF) dahil naniniwala siya na ang informal workers ay may malaking bahagi ng lakas paggawa na nakakatulong sa paglago at pag-unlad ng kanilang lungsod at ng pambansang ekonomiya. Inihayag ni Mayor Belmonte ang kanyang plano nang dumulog sa kanyang tanggapan ang ilang lider maralita sa pamumuno ni Amihan Dipasupil, presidente ng Samahang Nagkakaisang Magkakapitbahay ng 145 Calamba Street Inc. (SNMCI). Humingi ng tulong ang grupo para sa pagkakaroon ng…

Read More

ACT-AGRI KAAGAPAY, PBBM MAGKASAMANG NAMAHAGI NG TULONG

KASAMA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ACT-Agri Kaagapay Organization sa pamamahagi ng financial assistance at iba pang serbisyo sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng El Nino phenomenon sa San Jose, Occidental Mindoro. Ang Pangulo, kasama sina Occidental Mindoro Gov. Eduardo Gadiano, San Jose Mayor Rey Ladaga at Act Agri-Kaagapay president Virginia Ledesma Rodriguez ay nagtungo sa Bgy. San Jose kung saan mahigit 1,500 benepisyaryo ang nabigyan ng financial aid, habang ang mga magsasaka ay nabiyayaan naman ng fuel subsidy. Bukod sa pamamahagi ng ayuda sa mga magsasaka…

Read More

3 SASAKYAN NABAGSAKAN NG 4.2 TONELADANG BAKAL

TATLONG sasakyan ang nayupi nang mabagsakan ng 4.2 toneladang bakal makaraang mapatid ang kable ng crane sa isang construction site sa Aguilar Street sa panulukan ng Recto Avenue sa Maynila. Ayon kay Chairman Winsen Yu ng Barangay 294, isang trabahador sa construction site ang nasugatan sa insidente na nangyari dakong alas-6 ng umaga nitong Miyerkoles. Kabilang aniya sa nabagsakan at tinamaan ng mga bakal ang isang kotse, dalawang motor, mga bisikleta gayundin ang isang karinderya sa lugar. Natapyasan din ang isang gusali na katabi ng itinatayong high rise building o…

Read More

AUSSIE-AMERICAN SEX OFFENDER NAHARANG SA NAIA

NAHARANG ng Bureau of Immigration na makapasok sa bansa ang isang Australian-American national na wanted sa mga awtoridad sa Amerika dahil sa ilang sex offense. Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang 54-anyos na si Robert David Fenton ay pinaalis lulan ng flight papuntang Los Angeles noong Abril 23 matapos tanggihan ang pagpasok nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1. Ayon kay Tansingco, kasama ang pangalan ni Fenton sa Interpol derogatory system na nagsasaad na ito ay napapailalim sa red notice dahil sa pagiging wanted sa mga sex…

Read More

FAILURE OF INTELLIGENCE? MADULAS LANG TALAGA SI QUIBOLOY – PNP

NILINAW ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na tuloy-tuloy ang isinasagawang law enforcement operation ng mga awtoridad laban sa puganteng lider ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Pastor Apollo Quiboloy, ang self-declared appointed son of God. Ito ang naging reaksyon ng PNP sa naging pahayag ni Senator Risa Hontiveros na may ‘failure of intelligence’ sa hanay ng pambansang pulisya kaya hindi matukoy ang kinaroroonan ni Quiboloy. Ayon kay PNP Public Information Office chief, Col. Jean Fajardo, tuloy-tuloy ang ginagawa nilang validation sa mga impormasyong natatanggap nila hinggil…

Read More