RIDER TIMBOG SA BARIL

ISINELDA ng mga tauhan ng Manila Police District – Raxabago Police Station 1, ang isang 33-anyos lalaki dahil sa tawag ng isang concerned citizen na may dala umanong baril sa Tondo, Manila. Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Mevin Florida Jr., station commander, bandang alas-10:00 ng gabi noong Linggo nang arestuhin ng mga awtoridad ang suspek na si alyas “Melvin” na nakumpiskahan ng isang Girsan 9mm pistola na may 16 bala, sa Barangay 116 sa Tondo. Wala namang maipakitang Permit To Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR) ang suspek kaya…

Read More

BASAG NA BOTE IBINAON SA KAAWAY

SUGATAN ang isang 22-anyos na vendor makaraang saksakin ng basag na bote ng kanyang kaaway noong Linggo ng gabi sa 25th Street, Barangay 653, Port Area, Manila. Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Emmanuel “Mike”, Gomez, commander ng Manila Police District – Baseco Police Station 13, ang biktimang si Roman de Leon, binata, residente ng Barangay 649, Baseco Compound. Agad namang natimbog sa ikinasang “Oplan Galugad” ang suspek na kinilalang si Tony Pangilinan, 21, jobless, ng Port Area, Manila. Ayon sa ulat ng Port Area Police Community Precinct-4, bandang 12:00 ng…

Read More

PEDICAB DRIVER PATAY SA TRIKE DRIVER

PATAY ang isang 62-anyos na pedicab driver makaraang saksakin ng trike driver nang magtalo ang mga ito dahil sa pasahero sa Sampaloc, Manila nitong Lunes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Carlito Cansino habang agad natimbog namang ang suspek na si Alejandro Quequecan, nasa hustong gulang, ng naturang lugar. Base sa ulat na isinumite ni Det. Gary Reyes kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang alas-6:15 ng umaga nang mangyari ang insidente sa isang eskinita sa Barangay 433 sa Sampaloc, Manila. Ayon sa…

Read More

KAMARA SISILIPIN PROBLEMA SA RFID SA TOLLWAYS – TULFO

MAKIKIALAM na ang pamunuan ng Kamara de Representantes hinggil sa problema sa mga radio frequency identifications (RFIDs) sa mga tollways. Ito’y matapos hindi magustuhan ng House leadership ang buhul-buhol na traffic sa North Luzon Expressway (NLEX) noong Miyerkoles Santo bunsod ng problema sa mabagal o hindi mabasang RFIDs sa mga sasakyan. Ayon kay House Deputy Majority Leader Rep. Erwin Tulfo, nakatakdang pulungin ni House Speaker Martin Romualdez ang pamunuan ng NLEX, maging ng SLEX kasama ang Toll Regulatory Board (TRB). Aniya, nais malaman ni Romualdez kung may ginagawa na silang…

Read More

MALACAÑANG NAGTALAGA NG PANSAMANTALANG PNP CHIEF

ITINALAGA bilang pansamantalang pinuno ng Philippine National Police si PNP Deputy Chief for Administration, Lt. Gen. Emmanuel Peralta, ang number 2 man ng 225 thousand strong police force. Si Lt. General Peralta na miyembro ng Philippine Military Academy “Sambisig” Class of 1991, nagsilbing pinuno ng PNP directorial staff at naging hepe ng Police Regional Office 1 sa Ilocos Region, ay pansamantalang ihahali na nabakanteng pwesto ni Gen. Benjamin Acorda, na tuluyan nang nagwakas ang termino kahapon, Easter Sunday. Base sa lumabas na memorandum mula sa Office of the President, na…

Read More

VILLAR SUMUNGKIT NG UNAP AWARDS

Nasa larawan sina (L-R) President ITIP- Atty. Joey Lina; UNAP Global President -Roderick C. Cruz; Comm. Joseph Sevilla; UNAP National President-Dr. Ramona Ines Bustamante-Raneses; Sen Cynthia Villar; UNAP Regional Chapter President- Comm. Bai Norhata M. Alonto; at UNAP Luzon Chapter President- Atty. Alex Nepomoceno. TUMANGGAP ng Human Rights Awards for Poverty Alleviation si Senator Cynthia Villar mula sa United Nations Association of the Philippines (UNAP). Ang parangal ay para sa kanyang mga inisyatiba sa pagtanggal ng kahirapan at pagpapanatili ng isang malusog na kapaligiran. Ang natatanging parangal ay ibinigay sa…

Read More

ACT-AGRI KAAGAPAY UMAALALAY SA PILIPINO

MULING ipinamalas ng ACT-Agri-Kaagapay Organization sa pamumuno ni Ms. Virginia Ledesma Rodriguez ang malasakit at pagkalinga sa kapwa makaraang mamigay ng pagkain at mineral water nitong Semana Santa sa libu-libong Pilipino. Unang namigay ang grupo ni Ms. Rodriguez sa mga namamanata at nagsasagawa ng Visita Iglesia sa Simbahan ng Balut at Gagalangin sa Tondo noong Huwebes Santo habang sa Quiapo, Maynila at Payatas, Quezon City naman namigay noong Biyernes Santo. Kasama ang mga lokal na lider ng ACT-Agri-Kaagapay Organization sa pangunguna ni Ronald Castillo, sa kanilang pagtulong sa mga “less…

Read More

LAPID: OFWS, BUHAY NA BAYANI

NAMAHAGI si Supremo Senador Lito Lapid ng ayuda sa 640 pamilya ng overseas Filipino workers(OFWs) mula sa Metro Manila nitong March 18, 2024. Sa isinagawang payout ng DSWD at OFW partylist sa Ayala mall, Parañaque City, tumanggap ang mga benepisyaryo ng halagang 2-milyong piso mula sa programang Assistance to Individual in Crisis Situation(AICS). Sa kanyang talumpati, itinuring ni Sen. Lapid na mga buhay na bayani ang mga OFW na nagsasakripisyo sa ibang bansa para sa kanilang mga mahal sa buhay at nagpasalamat sa malaking ambag sa ekonomiya ng remittances ng…

Read More

3 KILO NG SHABU NASABAT SA PASAY

TINATAYANG umabot sa mahigit P20 milyong halaga ng ilegal na droga na nagmula sa Vancouver, Canada, ang nasamsam sa isinagawang anti-narcotics interdiction ng mga awtoridad sa Pasay City. Ayon sa ulat nitong Martes, hawak na ng Philippine Drug Enforcement Agency ang tatlong kilo ng hinihinalang shabu na tinangkang ilabas ng dinakip na suspek na kinilalang si Mohammad Tammy Bagatao, a.k.a. Joseph Manasseh Acogido, 51-anyos. Si Bagatao ay inaresto ng mga miyembro ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group at PDEA sa isinagawang interdiction operation sa Central Mail Exchange Center (CMEC),…

Read More