LOLO PATAY SA BUGBOG NG APO

PATAY ang isang 81-anyos na lalaki makaraang bugbugin ng apo hanggang sa tumama ang ulo sa pader sa kanilang bahay sa Barangay 770, Sta. Ana, Manila noong Lunes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Jesus Rivera, lolo ng suspek na si Reymart Tanghal alyas “Batotoy”, 27, na mabilis na tumakas makaraan ang insidente. Base sa ulat na isinumite ni Det. Arvy Macarasig kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-8:30 ng gabi nang mangyari ang insidente sa naturang lugar. Ayon sa testigo na kapitbahay ng…

Read More

LALAKI BINIRA DAHIL SA DROGA

NAMATAY noon din ang isang hindi pa kilalang lalaki makaraang patraydor na barilin sa likurang bahagi ng ulo sa Gasangan Street, Barangay 649, Baseco Compound, Port Area, Manila nitong madaling araw ng Martes. Kinilala ang biktimang si alyas “Ronald”, nasa 25 hanggang 30-anyos ang edad at nasa 5’7″ ang taas. Batay sa ulat na isinumite ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, batay sa pahayag ng isang testigo, bandang alas-4:00 ng madaling araw nang barilin ang biktima ng suspek na si John-John Pascua, 28, at kasabwat…

Read More

RAPE SUSPECT NASILO SA ANTIPOLO

NASILO sa Antipolo City ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng Manila Police District – Malate Police Station 9, ang isang 42 anyos na construction worker na may kasong rape at act of lasciviousness sa Pasig City, noong Biyernes ng madaling araw. Kinilala ang suspek na si Alvin Magno, binata ng Victorino Extension, Pasig City. Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Nelson Cortez, station commander, bandang ala-1:00 ng madaling araw nang madakip ang suspek makaraang matunton sa Antipolo City. Halos anim na taon umanong nagtago ang suspek…

Read More

BATA NALUNOD SA BIRTHDAY OUTING SA ILOG

QUEZON – Nauwi sa trahedya ang pagdiriwang ng kaarawan ng isang birthday celebrator nang malunod sa ilog ang isang batang lalaki na anak ng isa sa mga bisita sa Barangay Magsaysay, sa bayan ng Infanta sa lalawigan noong Linggo ng umaga. Kinilala ng Infanta Police ang biktimang si Reymark Aga Ruzol. Ayon sa report, nagtungo sa gilid ng Agos River ang pamilya ng biktima upang makisaya sa birthday party at outing ng kanilang kaibigan. Huling nakita ang biktima na naglalaro kasama ng iba pang mga bata sa mababaw na bahagi…

Read More

Hamon ni Defense Sec. Teodoro sa China SOVEREIGNTY CLAIM SA WPS ILATAG SA ARBITRATION

HINAMON ni Department of National Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. ang China na ilatag ang sovereignty claim nito sa arbitration sa gitna ng sunod-sunod na pangha-harass ng China Coast Guard at China Militia sa West Philippine Sea. Kahapon, kinumpirma ni National Security Adviser Eduardo Año na may tatlong Philippine Navy personnel na sakay ng civilian chartered boat ng Navy para magsagawa ng resupply mission sa BRP Sierra Madre na nakasadsad sa may Ayungin Shoal, ang malubhang nasugatan. Kasunod ng panibagong pambu-bully na naranasan ng mga sundalong Pinoy, nagbanta pa…

Read More

2 DRUG PERSONALITIES HULI SA P1-M DAMO

TINATAYANG umabot sa mahigit P1 milyong halaga ng pinatuyong marijuana ang nakumpiska sa dalawang drug personality kasunod ng ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency nitong nakalipas na Linggo sa Brgy. Poblacion, Aguila, Pangasinan. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, isang buy-bust operation ang inilatag ng kanyang mga tauhan mula sa PDEA Regional Office 2. Sa isinagawang anti-narcotics operation, katuwang ang PDEA RO IV-A, RSET, kasama ang PDEA Pangasinan PO, matagumpay na naaresto ang dalawang suspek na kinilalang…

Read More

RIDER NA PULIS PATAY SA TRAILER TRUCK

DEAD on arrival sa pagamutan ang isang 42-anyos na pulis makaraang masagasaan ng trailer truck habang nagmamaneho ng motorsiklo sa westbound lane ng Ramon Magsaysay Boulevard sa Sampaloc, Manila noong Linggo ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Arnel Robiro, may asawa, ng Health Service sa Camp Crame at residente ng Sta. Maria, Bulacan. Batay sa ulat na isinumite ni Police Staff Sergeant Genesis Flagne kay Police Major Anthony Olgado, hepe ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), bandang alas-2:15 ng madaling araw nang mabundol ng trailer truck ang biktima…

Read More

Hindi nasibak lahat MAY CHINESE AUXILIARIES PA SA PCG – SOLON

POSIBLENG may natitira pang Chinese nationals sa Auxiliary Force Corps ng Philippine Coast Guard (PCG). Duda ito ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers kaya hiniling nito sa PCG na i-terminate o alisin ang lahat ng Chinese nationals na posibleng nabigyan ng National Security Clearance para maging miyembro ng AFC. “Apparently, doon sa binanggit ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, patuloy pa rin ang investigation nila. Maaaring may mga naiiwan doon na Auxiliary members na hindi Filipino or Chinese ang kanilang nationality,” ani Barbers sa isang panayam. Noong…

Read More

NAG-RECRUIT SA 36 CHINESE SA PCG PINATUTUKOY

PANAHON na para hubaran ng maskara ang “makabagong makapili” na nag-recruit sa 36 Chinese nationals sa Philippine Coast Guard Auxiliary Force Corps (PCGAFC) dahil inilagay ng mga ito sa panganib ang seguridad ng bansa. “Nuong panahon ng Hapon sa Pilipinas, meron tayong mga Makapili. Ngayon, meron na rin umano tayong mga Makabagong Makapili na nagsisilbi sa interes ng China sa ating bansa. Panahon na para imbestigahan at kilalanin ang umano’y mga walang konsensya at taksil sa bayan na mga ito,” pahayag ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers. Ang…

Read More