PUBLIKO HAHATOL SA TAGUMPAY NG BAGONG PILIPINAS – SOLONS

TALIWAS sa patutsada ng ilan na wala umanong saysay ang Bagong Pilipinas campaign, isa sa mga pangunahing programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang obserbasyon ng mga kinatawan ng Kamara de Representantes Ayon sa mga kongresista, ang dapat tanungin ng mga kritiko ay ang mga taong nakinabang sa bilyun-bilyong pisong halaga ng cash assistance at livelihood program na dala ng Bagong Pilipinas campaign. Sa pulong balitaan sa Kamara noong Huwebes, ipinagtanggol nina Deputy Majority Leaders Erwin Tulfo at Janette Garin, kasama si Anakalusugan Party-list Rep. Ray Reyes ang programa…

Read More

BILYONG PUHUNAN, SUPORTA SA WPS NAKUHA NI BBM SA GERMANY, CZECH VISIT

MATAGUMPAY ang biyahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Germany at Czech Republic na pakikinabangan ng Pilipinas. Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, nagpahayag ng suporta sa Pilipinas ang mga lider ng Germany at Czech Republic sa isyu ng West Philippine Sea at nangako ng bilyong dolyar na pamumuhunan matapos makausap si Pangulong Marcos. “The immensely beneficial outcomes of President Marcos’ trip to Germany and the Czech Republic starkly demonstrates the crucial rule of personal interaction between leaders of nations in enhancing bilateral relations and advancing national…

Read More

HIGIT 30K TAUHAN NG PCG KASADO NA SA SEMANA SANTA

KASADO na ang 30,500 tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) para magpatupad ng security measures sa mga daungan sa buong bansa upang masiguro ang kaligtasan ng mga biyahero sa panahon ng Semana Santa. Sinabi ni PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil Gavan, ilalagay sa heightened alert mula Marso hanggang Abril 3 ang organisasyon upang paigtingin ang seaborne patrols at safety measures sa lahat ng mga pantalan at waterways. Ang dagsa ng mga pasahero ay inaasahan sa iba’t ibang pantalan sa buong bansa dahil milyon-milyon ang bumibiyaheng pasahero na umuuwi sa kani-kanilang…

Read More

4 DURA-DURA/IPIT GANG MEMBERS NASILO SA MAYNILA

APAT na hinihinalang mga miyembro ng “Ipit gang” at Dura-dura gang” ang nadakip ng mga tauhan ng Theft and Robbery Section ng Manila Police District, sa inilatag na intelligence driven operation sa Light Rail Transit 1 noong Lunes at Martes ng hapon. Isinagawa ang operasyon sa pamumuno nina Police Lieutenant Orlando Mirando Jr., Major Rommel Anicete, hepe ng Criminal Investigation Section (CIS), at Executive Master Sargent Donald Panaligan ng Thief and Robbery Section. Nadakip sa operasyon noong Marso 11 ang mga suspek na sina alyas Erwin, 39, at “Bitoy”, 44-anyos,…

Read More

ZUMBA COMPETITION ITINAGUYOD NG VILLAR FOUNDATION

DAAN-DAANG kababaihan na may makukulay na kasuotan ang nagpamalas ng kanilang galing at nakamamanghang sayaw sa Zumba Competition. Kasama ang Villar Foundation, itinaguyod ni Senator Cynthia Villar ang Zumba Dance Competition 2024 na ginanap sa Villar Coliseum sa Talon 2, Las Pinas City. Ang ‘amazing event’ na nilahukan ng 83 Zumba groups mula sa 20 barangay ng siyudad ay naghihikayat ng mabuting kalusugan at pangangatawan ng kababaihan bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Women’s Month. (Danny Bacolod) 398

Read More

Flexible work arrangement isinulong KABABAIHAN BIGYAN NG TRABAHO – NOGRALES

ISINULONG ni Rizal, 4th District Representative Fidel Nograles ang pagkakaroon ng ‘flexible work arrangement’ para sa mga babae na gustong magtrabaho habang nasa bahay. Ayon kay Nograles, maraming babae ang nais magtrabaho at kumita habang nasa bahay upang matulungan ang kanilang mga asawa sa pagtataguyod ng kanilang pamilya. “Unpaid domestic and care work hinders women from fulfilling their potential and engaging in paid labor. Especially in a climate where it is increasingly becoming difficult for sole breadwinners to provide for their families, we must exert more effort so that women…

Read More

LGU OFFICIAL, 1 PA ARESTADO SA P6.8-M SHABU BUY-BUST

ARESTADO ang isang umano’y local government official at kasamahan nito sa isinagawang anti-narcotics operation ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Don Alejandro Roces Ave. sa Quezon City noong Miyerkoles ng gabi. Ayon sa PDEA, nakumpiska sa mga suspek ang isang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon makaraang kumagat sa kanilang pain. Inihayag ni PDEA agent Grace Cruz, team leader ng PDEA RO-NCR RSET1, bago ang nasabing buy-bust operation, isinailalim nila sa halos dalawang buwang surveillance operation ang dalawang drug personalities na umano’y magpinsan…

Read More

INVASION SCENARIO DRILL IKINASA NG ARMY

KASALUKUYANG nagsasagawa ng simulated invasion drill ang Philippine Army na nakapaloob sa kanilang “Combined Arms Training Exercises” (CATEX) Katihan. Ito ang pinakamalaking Combined Armed Training Exercise na ikinasa ng Philippine Army na sasalihan ng humigit kumulang sa 6,000 sundalo kaalinsabay ng pagdiriwang ng ika-127 anibersaryo. Ayon kay Philippine Army commander, Lt. Gen. Roy Galido, kinabibilangan ng large-scale formations na gagalaw mula Visayas at Mindanao patungo sa Luzon, ang nasabing malawakang pagsasanay ng mga sundalo. Paliwanag ni Gen. Galido sa isang pulong balitaan, sa pamamagitan nito ay sini-simulate ng Hukbong Katihan…

Read More

LUMANG GUSALI NG PGH NASUNOG

NASUNOG ang lumang gusali ng Philippine General Hospital ( PGH) sa Taft Avenue, Ermita Manila nitong Miyerkoles ng hapon. Ayon sa ulat, dakong alas-3:00 ng hapon nang magsimula ang sunog at habang isinusulat ang balitang ito ay patuloy pang naglalagablab. Bunsod nito, nagkaroon ng tensyon sa mga pasyenteng naroroon sa iba’t ibang bahagi ng pagamutan Idineklara ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection, ang sunog sa ikaapat na alarma. Nabatid na nagresponde na sa nasabing lugar ang mga bumbero at fire volunteers para tumulong na maapula ang apoy.…

Read More