JOBLESS TIMBOG SA 5 COUNTS NG RAPE

ARESTADO sa mga tauhan ng District Police Intelligence Unit (DPIOU) ng Manila Police District, ang isang 24-anyos na jobless na wanted sa kasong 5 counts ng rape at 2 counts ng acts of lasciviousness, sa North Olympus Subdivision, Novaliches Quezon City noong Lunes ng hapon.

Kinilala ang suspek na si alyas “Don”, 24, residente ng Brgy. DoΓ±a Imelda, Quezon City.

Ayon kay Police Major Kevin Rey Bautista, hepe ng DPIOU, bandang alas-12:55 ng hapon nang mamataan ang suspek sa harap ng isang subdivision sa Brgy. DoΓ±a Imelda, Quezon City at agad inaresto.

Ang suspek ay top 4 most wanted person sa regional level. (RENE CRISOSTOMO)

252

Related posts

Leave a Comment