ACT AGRI-KAAGAPAY NAKIISA SA PARADA NG KALAYAAN 2024

LUMAHOK ang Act Agri-Kaagapay, isang non-government organization na nagsusulong ng kapakanan ng maliliit na magsasaka, mangingisda, at Indigenous peoples (IPs), sa idinaos na “Parada ng Kalayaan 2024” sa Luneta Grandstand, bilang bahagi ng pagdiriwang ng 126th anibersaryo ng proklamasyon ng Araw ng Kalayaan kahapon.

Ang Act-Agri Kaagapay na may kabuuang 800,000 miyembro sa buong bansa ay sumusuporta sa iba’t ibang agricultural programs ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., upang palakasin ang agricultural production sa pamamagitan ng organikong pagsasaka, modernong mga kagamitan sa pagsasaka at mas mababang presyo ng lahat ng agricultural products.

Mismong si Act Agri-Kaagapay founder at president Virginia Ledesma Rodriguez, ang nanguna sa makulay na parada sa Luneta.

Si Ms. Rodriguez ay walang sawang bumibisita sa malalayong lalawigan at mga komunidad upang tumulong na mapataas ang kita ng maliliit na magsasaka at mabigyan ng pagkakakitaan ang kababaihan, sa pamamagitan nang paglikha ng mga programang pangkabuhayan, gaya ng “Gunting at Suklay” at produksyon ng organikong pataba.

Si Ms. Rodriguez ay isang civic leader na nagsusulong ng konstruksyon ng mas maraming farm to market road para mas madali at direktang maipagbili ng mga magsasaka ang kanilang mga produkto sa mamamayan.

Malaking tulong ito upang mapababa ang presyo ng agricultural products para sa consumers, dahil hindi na kinakailangan pang dumaan sa mga middleman.

Bilang bahagi ng selebrasyon, nagpaabot si Rodriguez ng labis na pasasalamat at katuwaan dahil iilan lamang ang nabigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng Independence Day celebration ng Malacañang.

Ang Act Agri-Kaagapay ay isang NGO na binubuo ng mga eksperto mula sa academe, scientists, seasoned farmers, local leaders, former government officials, at stakeholders na naglalayong isulong ang inklusibong paglago ng pagsasaka sa pamamagitan ng modernisasyon at industriyalisasyon.

Maaaring makita ang iba pang aktibidad ng ACT-Agri Kaagapay sa Facebook page na Queen Vi Rodriguez.

262

Related posts

Leave a Comment