NABINGWIT ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District – Baseco Police Station 13, ang tatlong indibidwal sa ikinasang buy-bust operation sa Blk.11 Extension, Baseco Compound, Port Area, Manila nitong Huwebes ng madaling araw. Kinilala ang mga suspek na sina Junjun Manampad, 21; Loreto Cilo Jr., 30, at Jelly Delos Santos, dalaga. Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Emmanuel “Mike” Gomez, station commander, bandang alas-1:15 ng madaling araw nang ikasa ang operasyon matapos inguso ng isang impormante ang hinggil sa talamak umanong bentahan ng…
Read MoreCategory: METRO
9 INMATES NAKAPUGA SA MAYNILA
SIYAM na inmates ang nakatakas mula sa selda ng Manila Police District – Raxabago Police Station 1, makaraang lagariin umano ang rehas na bakal sa nasabing himpilan ng pulisya sa Tondo, Manila nitong Miyerkoles ng madaling araw. Gayunman, agad nadakip ang limang preso habang patuloy pang tinutugis ang apat sa mga ito. Bunsod nito, sinibak sa pwesto dahil sa command responsibility, si Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, commander ng MPD Station 1, gayundin ang deputy chief, desk officer at jail officer. Base sa ulat ng pulisya, pasado ala-1:00 ng madaling…
Read MoreP155-M KINITA NG ONLINE SCAMMERS – DILG
INIHAYAG ni Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr., sa loob lamang ng walong buwan, mula Enero hanggang Agosto, ay kumita ang online scam artists ng mahigit P155 million. Ibinulgar ni SILG Abalos na tinatayang nasa 8,000 ang online scam victims sa buong bansa at nasa P155 million ang naloko o ninakaw sa kanila ng iba’t ibang con artists na gumagamit ng iba’t ibang modus operandi. Inihayag ni Abalos, nakuha niya ang hawak na datos mula mismo sa Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG), na walang tigil sa…
Read MoreCALAX Opens Silang (Aguinaldo) Interchange
Cavite, Philippines – In a significant move, MPCALA Holdings Inc. (MHI), the concessionaire for the Cavite-Laguna Expressway (CALAX), announces the highly anticipated opening of the Silang (Aguinaldo) Interchange. This 3.9-kilometer, 2×2 lane subsection of the expressway is set to improve travel convenience for motorists across the region. Starting from 12:00 AM on November 8, 2023, motorists can seamlessly navigate this new subsection at no cost, providing free passage until further notice. Motorists will only be charged up to the Silang East Interchange toll fee, marking a customer-centric approach to travel…
Read MoreP100K IPINATONG SA ULO NG KILLER NI JUMALON
BUKOD sa alok na P100,000 para sa sinomang makapagbibigay ng impormasyon para sa pagkakakilanlan at ikadarakip ng mga suspek na responsable sa paglikida kay radio announcer Juan Jumalon alyas “Johnny Walker” ng 94.7 Calamba Gold FM, nakikiusap din ang Philippine National Police (PNP) sa sinomang may nalalaman sa mga nasa likod ng krimen. Ayon kay PNP chief, P/Gen. Benjamin Acorda Jr., tiyak na bibilis ang imbestigasyon ng pulisya at agad na mareresolba ang kaso ng pagpatay sa radio broadcaster kung makikiisa at tutulong ang publiko. Kaugnay nito, tinitiyak ng pinuno…
Read MoreMga ambulansya ng ICRC humingi ng proteksyon ILANG PINOY ‘DI PA RIN MAKALUSOT SA RAFAH
PATULOY na umano ang ginagawang pag-uusap ng iba’t ibang bansa para sa muling pagbubukas ng Rafah border kasunod ng pag-atake ng militanteng Hamas, para makalikas ang naipit na foreigners kabilang ang ilang Pilipino. Ayon sa ulat, muling naudlot sa ikalawang pagkakataon ang pagtawid ng foreigners kabilang na ang mga Pinoy, mula sa Gaza patungong Egypt dahil sa patuloy na pag-atake ng Hamas sa Israel. Ayon sa report na ibinahagi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo Jose de Vega, nasa 20 Pinoy ang naudlot sa paglikas dahil sa pag-atake…
Read MoreDAGDAG PROTEKSYON SA MGA MAMAMAHAYAG, IGINIIT
BINIGYANG-DIIN ni Senador Mark Villar ang pangangailangang dagdagan ang proteksyon sa mga Filipino journalist sa pamamagitan kasunod ng panibagong kaso ng pagpatay sa mamamahayag sa Misamis Occidental. Isinusulong ni Villar ang Senate Bill 2335 o ang proposed Journalist Protection Act bilang pagkilala sa panganib sa buhay ng mga mamamahayag. Kasabay nito nagpahayag ng pakikiramay ang senador sa mga naiwang pamilya at kaibigan ni Juan Jumalon. Iginiit ni Villar na hindi dapat nararanasan ng ating mga kababayan ang pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay na gumaganap lamang sa kanilang tungkulin.…
Read MoreTATAK PINOY ACT, LUSOT NA SA SENADO
INAPRUBAHAN na ng Senado sa third and final reading ang proposed Tatak Pinoy Strategy Act. Sa botong 23-0, inaprubahan sa 3rd and final reading ang Senate Bill 2426 o ang panukalang naglalayong itaas ang global competitiveness ng mga produkto ng pilipinas, lalo na ang mga gawa ng maliliit na negosyo. Nakasaad sa panukala na bibigyang prayoridad sa government procurement ang mga domestic products. Sakaling maisabatas, imamandato ang pagbuo ng konseho na siyang mangangasiwa sa mga inisyatibo ng gobyerno na tulungan ang mga lokal na negosyo para mabawasan ang pag-asa ng…
Read MoreCHR-DOLE MOA, PROTEKSYON SA WORKERS’ RIGHTS – NOGRALES
WELCOME sa chairman ng House Labor and Employment Committee ang isang memorandum of agreement na naghahanap ng mga paraan para pagyamanin ang pakikipagtulungan para sa promosyon at proteksyon sa mga karapatan ng mga manggagawa. “The MOA between the Commission on Human Rights and Department of Labor and Employment is a welcome development in the government’s efforts to uphold workers’ rights. I hope that through this MOA we can make significant headway in ensuring that our workers are protected against abuse,” ani Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles. Ang kasunduan ng…
Read More