MAG-ASAWA KAPWA PATAY SA AWAY SA PERA

CAVITE – Kapwa namatay ang mag-live-in partner nang pagsasaksakin ng lalaki ang ginang saka nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti matapos na magtalo dahil sa problema sa pera sa bayan ng Naic sa lalawigang ito, noong Huwebes ng umaga. Parehong isinugod sa San Lorenzo Ruiz Hospital ang mag-live-in partner na sina Te lmo Notaryo y Mojica, 51, at Michele Amulong y Panganiban, 47, kapwa residente ng Brgy. Palangue Central, Naic, Cavite subalit kapwa idineklarang dead on arrival. Ayon sa ulat ni Corporal Robinson Tercia ng Naic Police Station, dakong alas-5:00 ng umaga nang…

Read More

LALAKI ITINUMBA SA ONSEHAN SA DROGA?

DEAD on the spot ang isang 42-anyos na lalaki makaraang pagbabarilin sa Quiapo, Manila noong Huwebes. Kinilala ang biktimang si Muhamud Ibrahim Macud, may asawa, jobless, ng Arlegui Street, Quiapo. Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, commander ng Manila Police District-Barbosa Police Station 14, bandang alas-7:55 ng gabi nang mangyari ang insidente sa panulukan ng Norzagaray at Linao Streets sakop ng Barangay 384, Quiapo. Agad na kinordon ang lugar ng mga tauhan ni Mupas, bago ipinagbigay alam sa tanggapan ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng MPD-…

Read More

MASTERMIND, 3 PA TIMBOG SA ‘PLANADONG HOLDAP’

SA tulong ng mamamayan, nabuslo ang apat na indibidwal, kabilang ang isang babae na umano’y mastermind, sa panghoholdap sa panulukan ng Andalucia at Malabon St., Sta. Cruz, Manila. Nauna rito, patuloy ang 24/7 ‘sincere police presence’ ng mga tauhan ng Manila Police District – Sta. Cruz Police Station 3, kabilang si Police Major Arnold Echalar, hepe ng Alvarez PCP. Nakatanggap umano ng impormasyon ang mga awtoridad na may inilatag na “planadong” krimen ang mga suspek sa naturang lugar. Bunsod nito, agad na kumilos ang mga tauhan ng PCP katuwang ang…

Read More

WANTED PERSON NABINGWIT SA CAVITE

NABINGWIT ng mga operatiba ng Manila Police District ang isang most wanted person habang nagtatago sa Cavite City. Kinilala ang suspek na si Rodolfo Onaro Jr., wanted sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Rexson Layug, commander ng MPD-Meisic Police Station 11, bandang alas-2:50 ng hapon nang mamataan ang suspek sa Summerfield Subdivision, Trece Martires City, Cavite. Sa bisa ng warrant of arrest, binitbit ng mga tauhan ni Layug, kasama si Patrolman Dela Cruz ng Regional Mobile Force…

Read More

P9.9-M NATANGAY SA ABOGADO, BEBOT NABITAG SA SEXTORTION

NALAGLAG sa ikinasang bitag ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation – Anti-Organized and Transnational Crime Division (NBI-AOTCD) ang isang babae matapos umano nitong kikilan ng mahigit P9.9 milyon ang isang practicing lawyer na nakilala niya sa social media, makaraan silang magtalik. Kinilala ang suspek na si Marielle Cruz Padel, alias “Lyka Cruz Padel”,  nahaharap sa kasong estafa, falsification at robbery extortion. Ayon sa ulat, nagkakilala ang suspek at ang abogado sa pamamagitan ng social media at nagkasundo silang magtalik. Makalipas ang ilang araw, humingi ng pera ang suspek dahil…

Read More

PARA DUMAMI ANG TURISTA, eTRAVEL REQUIREMENT PINABABASURA

KUNG nais ng gobyerno na maparami ang mga dayuhang turista, kailangang tanggalin na ang umano’y nakapapagod na eTravel requirements para sa mga pasaherong pupunta sa Pilipinas. “A lot more people can be enticed to go to the Philippines, whether for pleasure or business, if we were to get rid of the E-Travel document that is so tedious,” ani Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte. Ayon sa mambabatas, bukod sa nakapapagod ay nauubos umano ang oras ng mga gustong pumunta sa Pilipinas dahil sa dami ng mga dokumentong kailangan nilang irehistro sa eTravel.…

Read More

Solusyon sa climate change QC MINECRAFT CHALLENGE INILUNSAD

BILANG bahagi ng whole-of-city approach para makabuo at mapanatili ang kinabukasan para sa lahat, ang Quezon City Government ay nakipag-partner sa C40 Cities and Minecraft Education para ilunsad ang isang Minecraft Education Challenge for QC-based schools and students kamakailan.     Ang QC Minecraft Challenge ay pinasimulan ng QC Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD) bilang bahagi ng Schools Reinventing Cities program.     Ito ay sa pamamagitan ng pagtutulungan sa pagitan ng C40’s Reinventing Cities and Minecraft Education. Ang programa ay magbibigay sa mga estudyante ng oportunidad para idisenyo ang…

Read More

RIOT NG KABATAAN NAPIGILAN, 1 HULI SA PEN GUN

UMULAN ng mga bato at bote sa pagitan ng dalawang grupo ng mga kabataan sa nangyaring riot ngunit agad nasawata ng mga tauhan ng Manila Police District at nadakip ang isang 22-anyos na lalaki na nakumpiskahan ng pen gun sa Mel Lopez Boulevard, Tondo, Manila, noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang nadakip na si Romeo Calisa, jobless, ng Barangay 105, Tondo. Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Rosalino Ibay Jr., commander ng MPD-Raxabago Police Station 1, bandang alas-6:40 ng gabi nang makatanggap ang kanyang opisina ng ulat na may…

Read More

BINGO NG BAYAN ‘FRONT’ NG JUETENG SA ORIENTAL MINDORO

(RONALD BULA) BINGO ng Bayan ang tawag ngayon sa bagong operasyon ng illegal numbers game na “jueteng” sa Oriental Mindoro, ayon sa mga source ng SAKSI NGAYON. Ang koleksyon ng mga taya para sa larong Bingo ng Bayan ay gumamit ng mga paraphernalia at mechanics ng PCSO. Sa halip umano na tumaya sa mga itinalagang PCSO outlet, ang Bingo ng Bayan ay gumagamit ng mga “cobrador” at “cabo” na gumagala sa mga pampublikong lugar sa labing apat na bayan at isang siyudad sa Oriental Mindoro upang mangolekta ng mga taya.…

Read More