TINAGURIANG “hari ng lansangan” ang pumapasadang mga electric trike sa kahabaan ng Taft Avenue vice versa sa Divisoria sa Manila. Ito ay dahil walang kakaba-kaba ang mga driver nito dahil hindi umano sila pinapansin ng mga traffic enforcer kahit lumabag ang mga ito sa batas trapiko. Isang miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang nakapanayam ng pahayagang ito at sinabing hindi nila saklaw ang e-trikes at wala silang kapangyarihan na sitahin ang mga driver nito. Isang pumapasada ang namataan na lumabag sa batas trapiko nang mag-step in on the line sa pedestrian…
Read MoreCategory: METRO
BJMP LIBRARY PROJECT APRUB KAY NOGRALES
NI JOEL O. AMONGO HINDI balakid ang kulungan para hindi makamit ang edukasyong susi sa magandang kinabukasan, ayon kay Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles, kasabay ng pagkilala sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nasa likod ng mga silid-aklatan sa iba’t ibang piitan. Ayon kay Nograles, ang pagtataguyod ng mga library sa mga pasilidad na pinangangasiwaan ng BJMP, ay patunay ng malasakit ng kawanihan sa mga presong patuloy na umaasang may naghihintay na magandang kinabukasan sa sandaling matapos ang kanilang pananatili sa tinawag niyang ‘bakasyunan.’ “I laud…
Read MoreHOLDAPER TIMBOG SA FOLLOW-UP
HINIHINALA ng mga awtoridad na nalansag na ang serye ng holdapan sa boundary ng Ermita at Quiapo, Manila makaraang mahulog sa batas ang isang umano’y holdaper sa isinagawang follow- up operation ng mga tauhan ng District Investigation Division (DID-2) ng Special Mayor’s Reaction Team, sa Quezon Bridge, Ermita, Manila noong Martes ng gabi. Kinilala ang suspek na si Runky Franco y Ofarel, 18, jobless, ng Chica Street, Quiapo. Base sa ulat ni Police Major Edward Samonte, hepe ng DID- 2 (SMaRT) ng Manila Police District, bandang alas-6:30 ng gabi nang holdapin ng…
Read MoreSa napatay na 3 kalalakihan sa Sultan Kudarat 8 PULIS KINASUHAN NG MURDER, ADMINISTRATIBO
NAHAHARAP sa kasong murder at administratibo ang walong miyembro ng Philippine National Police ( PNP) na umano’y sangkot sa pagpatay sa tatlong kalalakihan sa Lambayong, Sultan Kudarat. Ayon sa ulat ng National Bureau of Investigation – National Capital Region at NBI-Central Mindanao Regional Office sa Department of Justice (DOJ), kinilala ang mga sinampahan ng kaso na sina Police Major Jenahmeel Toñaco, Police Senior Master Sergeant Syril Mahaddi, Police Corporal Elpidio Garlit, Police Corporal Joffrey Apalla, Patrolman Nicol Dion Toreja, Patrolman Basser Mako, Pat. Mario Rombada Jr., at Pat. Roldan Claveria, pawang nakatalaga…
Read More4 SUNOG NAITALA SA MAYNILA SA FIRE PREVENTION MONTH
APAT na magkakasunod na sunog ang sumiklab sa magkakahiwalay na lugar sa lungsod ng Maynila, iniulat ng Bureau of Fire Protection (BFP). Unang iniulat ang sunog sa isang bahagi ng San Andres Bukid na kung saan inagaw pa ng ilang residente ang hose ng mga fire volunteer. Sumunod, bandang 12:45 noong Lunes ng hapon nang sumiklab ang sunog sa panulukan ng Tayuman at Almeda Streets sa boundary ng Sta. Cruz at Tondo kung saan tatlong aso ang natupok. Nitong Martes ng umaga nang sumiklab ang sunog sa isang pagawaan ng mga…
Read MoreKasama NCR mayors at congressmen MARCOS, DUTERTE PERFORMANCE SURVEY NG RPMD
INILABAS ng RPMD “Boses ng Bayan-NCR” ang survey na isinagawa noong Feb. 25- March 8 na nagpapakita na si President Bongbong Marcos ay nakatanggap ng 77% approval at 83% trust ratings. Si Vice President Sara Duterte ay mayroong 75% approval at 81% trust ratings. Mula Disyembre 2022 NCR poll, tumaas ng +4% at +5% ang performance scores ni PBBM at VP Duterte, ayon sa pagkakabanggit. Lumitaw rin sa independent, non-commissioned survey ng RPMD sa National Capital Region (NCR) na si Mayor Joy Belmonte ang may pinakamataas na performance rating sa…
Read MorePIYANSA SA SUSPEK SA BATOCABE SLAY PINAPAWALANG BISA NG CA
PINAWALANG bisa ng Court of Appeals (CA) ang dalawang kautusan ng isang mababang hukuman sa Legazpi City na nagpapahintulot na makapagpiyansa ang pangunahing suspek sa pagpatay kay Ako Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe, matapos matuklasang nagkaroon ang hukom ng grave abuse of discretion. Batay sa 10-pahinang desisyon ng CA 12th Division, tinukoy nito na nagkaroon ng grave abuse of discretion sa panig ni Legazpi City Regional Trial Court (RTC) Judge Maria Theresa San Juan-Loquillano nang pahintulutan nitong makapagpiyansa si Carlwyn Baldo, sa kabila ng mga iprinisintang ebidensiya at testigo ng…
Read MoreROMUALDEZ: ONE-STRIKE POLICY IPATUPAD VS “NINJA COPS”
IHIHIRIT ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na ipatupad sa buong bansa “One-strike policy” sa PNP o agarang pagsibak sa pwesto ng mga tinaguriang “Ninja Cops” na sangkot sa krimen lalo na sa “hulidap” pati na ang kanilang commander. Muling kakausapin ni Speaker Romualdez ang pamunuan ng PNP matapos madismaya sa pagkakasangkot umano sa “hulidap” ng 13 opisyal ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) National Capital Region (NCR) sa nagreklamong grupo ng Filipino-Chinese businessmen kamakailan. “Sila ang dapat na nagbibigay ng proteksyon sa mamamayan. Bakit sila pa ang inirereklamo…
Read MoreOIL SPILL SA MINDORO UMABOT NA SA ISLA VERDE SA BATANGAS CITY
UMABOT na sa baybayin ng Isla Verde sa Batangas City, ang oil spill sa Mindoro Oriental, ayon sa opisyal ng Philippine Coast Guard nitong Lunes. Ang pagkalat ng oil spill sa Verde Island passage na itinuturing na sentro ng marine shore fish biodiversity sa mundo, ang siyang ikinababahala ng mga awtoridad dahil sa posibleng maging pinsala nito sa mas maraming kabuhayan at sa kalikasan. Nauna nang sinabi ng University of the Philippines Marine Science Institute (UP-MSI) na dapat mapigil ang pag-agos ng langis bago matapos ang panahon ng Amihan na umiihip patungong south direction,…
Read More