P7.6-M SHABU NAKUMPISKA SA NEGOSYANTE SA QUEZON

QUEZON – Tinatayang P7.6 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa anti-illegal drugs operation sa Lucena City nitong Lunes ng madaling araw. Naaresto rin ang isang negosyanteng buy and sell agent ng mga motorsiklo na siyang target ng operasyon. Ayon sa report ng Quezon Police Provincial Office, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng PDEU-Quezon, PIU-Quezon, PDEA 4A-Quezon at Lucena SDEU, ang buy-bust operation sa isang bakanteng lote sa loob ng Immaculada Subd., Purok Narra, Barangay Isabang, Lucena City malapit sa bahay ng suspek. Sa pamamagitan ng isang…

Read More

KUMPANYANG SANGKOT SA OIL SPILL DAPAT MAGBIGAY NG AYUDA – SOLON

HINIMOK ni ACT-CIS Cong. Edvic Yap ang kumpanya ng lumubog na MT Princess Empress na magbigay rin ng ayuda sa mga naapektuhan ng oil spill sa Mindoro. Ayon kay Cong. Yap, “napapansin ko na pawang gobyerno lang ang nagbibigay ng ayuda sa mga biktima ng oil spill at walang pakunswelo man lang ang kumpanya ng barko”. “Kahit man lang tig-two kilos na lang ng bigas, siguro makakatulong na sa mga biktima ito,” ani Yap. Dagdag pa ng mambabatas, “karamihan pa naman sa mga apektado ay pangingisda ang hanapbuhay. I am…

Read More

Banta ni Romualdez KULONG SA MAGSISINUNGALING SA CONGRESSIONAL INQUIRY

TINIYAK ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na diretso sa bilangguan ang mga magsisinungaling sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House committee on agriculture and food ngayong Martes kung saan inaasahang makikilala ang mga nasa likod ng kartel ng sibuyas at iba pang mga produktong pang-agrikultural na nagpapahirap sa bansa. “Inuulit ko, sa kulungan kayo dadamputin kung hindi kayo magsasabi ng totoo,” babala ni Romualdez. Sinabi ni Romualdez,  malinaw ang misyon ng mga kongresista sa pangunguna ni Quezon Rep. Mark Enverga sa pagsasagawa ng imbestigasyon para maibaba ang presyo ng sibuyas…

Read More

MWP SA MURDER TIKLO SA QC

TIMBOG ang isang 50-anyos na tricycle driver na suspek sa pagpatay, sa ikinasang “One Time Big Time” operation ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District, sa pinaglulunggaan nito sa Quezon City. Kinilala ni MPD Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon ang suspek na si Arnold Laon, may asawa, ng Parola Compound, Brgy. 20, Tondo. Base sa ulat ni Police Major Rommel Purisima, hepe ng DSOU, bandang alas-4:30 ng hapon nang matunton ang suspek sa Commonwealth Avenue, Quezon City. Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of…

Read More

SOLAR-POWERED TOLL PLAZA DINAGDAGAN SA NLEX-SCTEX

UPANG mapataas ang kanilang sustainability effort ay dinagdagan ng NLEX Corporation ang mga ikinabit na solar panel sa 36 pang toll plaza ng NLEX-SCTEX. Sa kasalukuyan, ang kumpanya ay nagkabit ng monocrystalline solar panels sa 21 NLEX toll plaza at 15 toll plaza naman sa SCTEX, na gagamit ng elektrisidad mula sa sikat ng araw na magko-convert sa kuryente sa pamamagitan ng photovoltaic cells o solar cells. Kabilang sa mga lugar na lalagyan ng solar panel ang mga toll plaza sa Mindanao, Karuhatan, Paso de Blas, Marilao, Ciudad de Victoria/Philippine…

Read More

13 PNP-CIDG OPERATIVES SINIBAK SA HULIDAP

SINIBAK ng pamunuan ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group ang labing-tatlong tauhan nito bunsod ng reklamo sa kanilang isinagawang police operation kamakailan. Inakusahan ang 13 ng hulidap matapos nilang arestuhin umano ang ilang Chinese nationals dahil sa paglalaro ng mahjong sa Parañaque noong Marso 13. Kinumpirma kahapon ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director P/BGen. Romeo Caramat Jr., na sinibak niya sa puwesto ang 10 Police Non-Commissioned Officers at tatlong Police Commissioned Officers ng CIDG. Kasama rin sa inalis sa pwesto si CIDG-NCR Chief Police Col. Hansel Marantan…

Read More

SEGURIDAD NI TEVES SINIGURO NI ROMUALDEZ

“UMUWI ka na, kami ang bahala sa iyong kaligtasan.” Ito ang tiniyak kahapon ni House Speaker Martin Romualdez kay Negros Oriental Cong. Arnulfo Teves kasunod ng patuloy na pagtanggi nitong umuwi na sa bansa dahil sa pangamba para sa kanyang kaligtasan. Ayon kay Speaker Romualdez, nang makausap niya sa telepono si Teves ay pinaalalahanan niya ito na walang mangyayari kung hindi niya haharapin ang mga alegasyong ibinabato sa kanya kaugnay ng pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo kamakailan. Sinabihan umano niya si Teves na liliit lamang ang kanyang mundo…

Read More

ONLINE REGISTRATION ITITIGIL NG COMELEC SA 2025 ELECTIONS

IPINANUKALA ng pamunuan ng Commission on Election (COMELEC) na hindi na magpatupad sa susunod na taon ng online registration para sa mga bagong botante para sa May 2025 elections. Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, kung magpapatuloy sa Pebrero ng susunod na taon ang preparasyon para sa 2025 elections, nais umano nitong  maging tapat ang automated at online system ng registration ngunit maaaring hindi posible. Binase ni Garcia ang panukala sa Senate committee hearing hinggil sa Republic Act 8189 na nagsasaad na ang mga indibidwal na gustong magparehistro ay dapat pa ring personal na…

Read More

P1,320 MINIMUM WAGE SA NCR, HIRIT SA KAMARA

MAGIGING P1,320 ang minimum wage sa National Capital Region (NCR) kapag naipasa ang panukalang inakda ng Makabayan bloc para sa dagdag na sahod ng mga manggagawa sa buong bansa. Ito ang paglilinaw ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas sa press conference ng Makabayan bloc kahapon, kaugnay ng House Bill (HB) 7658 na kanilang inihain noong Miyerkoles. “Eto pong bill na ito, P750 po on top of the minimum wage na meron (ngayon),” ani Brosas at idinagdag nito na “So ibig sabihin kung sa BARMM (Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao), P350…

Read More