Problemado sa misis MISTER TUMALON SA DOLOMITE BEACH

HINDI na naisalba sa Ospital ng Maynila ang buhay ng isang hindi pa kilalang lalaki makaraang tumalon sa Dolomite Beach sa Manila Bay noong linggo ng umaga. Madaling araw nitong Miyerkoles nang bawian ng buhay ang biktima ayon kay Dr. William Azarcon. Base sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District- Homicide Section, noong Linggo, dakong 10:30 ng umaga, nang makatanggap sila ng tawag mula sa nasabing pagamutan hinggil sa nalunod na isang lalaki . Agad namang nagresponde si Police Senior Master Sergeant Boy Niño Baladjay…

Read More

Nagnakaw ng shabu sa ninja cop 2 PULIS IKINULONG SA SENADO

KULONG sa Senado ang dalawang pulis na sinasabing nagnakaw ng nakumpiskang ilegal na droga mula sa ninja cop. Ito ay makaraang i-cite for contempt nina Senador Ronald “Bato” dela Rosa at Senador Raffy Tulfo sina Sr. Master Sgt. Jerwin Rebosura at Master Sgt. Lorenzo Catarata. Naubusan ng pasensya ang mga senador sa patuloy na pagtanggi ng dalawa na sila ang kumuha ng 42 kilos ng shabu na bahagi ng 996 kilos na nakumpiska sa pagsalakay sa Wealth and Personal Development Lending Inc. sa Sta. Cruz, Manila na pag-aari ni Master Sgt. Rodolfo…

Read More

PONDO SA OIL SPILL CLEAN-UP SA MINDORO HUGUTIN SA BUWIS SA LANGIS

IMINUNGKAHI ni House Deputy Speaker Ralph Recto sa gobyerno na kunin sa buwis ng langis ang pondong gagamitin sa paglilinis sa oil spill sa Oriental Mindoro, at tulong sa mga apektadong mamamayan. “Ang katas ng buwis ng langis dapat gamiting panglinis ng tagas sa lumubog na barko,” ani Recto na nagsabing isang patak lang sa P380 billion na buwis sa langis, ang kailangan. Ayon sa mambabatas, nakakokolekta ng mahigit P1 billion kada araw ang gobyerno sa buwis sa langis at sapat na aniya ang halagang ito para malinis ang karagatan…

Read More

PAGDAMI NG BAGETS NA HIV POSITIVE IKINABAHALA

LABIS na ikinabahala sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagdami ng mga kabataang edad 19-anyos pababa na mga bagong biktima ng human immunodeficiency virus (HIV). Dahil dito, muling binuhay ni Anakalusugan Party-list Rep. Ray Reyes ang panukalang batas na isama na sa curriculum ang sexual education upang maituro sa mga kabataan ang kahalagahan ng HIV prevention. “We need to educate our youth on the importance of HIV prevention, safe sex practices, and the need for regular HIV testing,” ani Reyes. Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos iulat ng Department of Health…

Read More

1,500 KASO NG HIV NAITALA

UMABOT sa halos sa 1,500 kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) ang naitala ng Department of Health nitong nakalipas na Enero. Lumitaw sa ulat ng DOH, nasa 39 na ang namatay dahil sa impeksyon.  Ayon pa sa  DOH, ang sexual contact  ang pinakakaraniwang paraan ng transmission na may 1,431 kaso. Anim na indibidwal ang nagkaroon ng impeksyon sa HIV sa pamamagitan ng mother-to-child transmission at tatlong kaso sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga nahawaang karayom. Mayroong 14 kaso na walang data sa paraan ng transmission. Sinabi pa ng ahensya, ang mga…

Read More

8,000 KASO KADA ARAW SOLB SA PNP PAPERLESS BOOKING

pnp

PARA kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin, abot-kamay na ang resulta ng reporma at modernisasyon sa kapulisan sa tulong ng makabagong teknolohiya. Sa ginanap na lingguhang pulong balitaan, ibinida ni Azurin ang digital booking system ng PNP, na aniya’y hudyat ng mas epektibong pagtugon sa mga tawag ng saklolo at mailap na hustisya – maging ang solusyon sa tinatayang 8,000 kasong naitatala sa iba’t ibang panig ng bansa kada araw. Pagmamalaki ni Azurin, ang digital booking – na kilala rin sa tawag na e-booking, ay magbibigay-daan sa…

Read More

Top tourist destination isinara MOA NG DENR AT PRIVATE COMPANY PINABABAWI NG LGU

IPINASARA ng local officials ang top tourist destination sa lalawigan ng Nueva Ecija dahil umano sa paglabag sa iba’t ibang environmental laws. Kasabay nito, nanawagan ang local officials ng naturang lalawigan sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na bawiin ang kasunduang pinasok nito sa isang pribadong kumpanya na nag-o-operate ng Minalungao National Park. Sa tatlong pahinang apela sa DENR, sinabi ni General Tinio Municipal Mayor Isidro Pajarillaga na ang Ground-Air Logistics corporation (GALCO), na siyang nag-o-operate sa Minalungao National park, ay walang mga kaukulang business permits, kabilang na…

Read More

DIR. ALVINDIA NG PHILMECH BINIGYAN NG LINGKOD BAYAN AWARD

DAHIL sa kanyang dedikasyon sa trabaho, sipag at talino binigyan ng mataas na pagkilala ng Palasyo bilang Lingkod Bayan Award si PhilMech Director/Dr. Dionisio Alvindia. Mismong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang nag-abot ang Lingkod Bayan award kay Dir. Alvindia na isinagawa nitong nakalipas na March 8, 2023 sa Palasyo ng Malakanyang. Si Dir. Alvindia, isang plant pathologist at scientist ay nakapag-ambag ng malaki para maiangat ang buhay ng libo-libong magsasaka sa bansa kaya pinagkalooban ng Presidential Lingkod Bayan Awardee. Sa kanyang pananaliksik, masinop na pag-aaral at trabaho ay…

Read More

ILANG KALALAKIHAN LUMUSOB SA ACT-CIS OFFICE

NILUSOB ng hindi pa nakikilalang mga lalaki ang opisina ng ACT-CIS sa Quezon City. Nabatid na dakong alas-2:00 ng madaling araw noong Marso 9, nang bumaba sa sinasakyang pampasaherong jeepney ang ilang kalalakihan sa harap ng opisina ng ACT-CIS Party-list Office sa Quezon City. Base sa CCTV footage, dumating muna ang dalawang lalaking naka-motor. Kinatok nila nang kinatok ang gate ng opisina subalit hindi sila pinagbuksan ng guwardiya. Makalipas lang ng ilang minuto, dumating ang isang pampasaherong jeep lulan ang sandosenang kalalakihan. Inabot ng halos isang oras ang kalalakihan sa…

Read More