NAHAHARAP sa kasong murder at frustrated homicide ang isang dating sa sundalo dahil sa pamamaril sa isang resto bar na ikinamatay ng isang barangay kagawad at ikinasugat ng isang waitress sa J. Nakpil Street, Ermita, Manila noong Huwebes ng gabi. Ayon kay Police Captain Wilbert Aticao, hepe ng Remedios PCP sakop ng Manila Police District – Station 5, kahit naka-clamp ang gulong ng kotse ng suspek na si Rolly Algarne y Ibañez, residente ng North Caloocan, pinilit pa rin nitong pinaharurot ang kanyang sasakyan ngunit nasundan nina Police Staff Sergeant Arnel…
Read MoreCategory: METRO
Para sa proteksyon ng Pinoy AI DEVELOPMENT AUTHORITY ITATATAG
UPANG maiwasang magamit ng mga kriminal ang AI o Artificial Intelligence, kailangang paghandaan na ito ng gobyerno ng Pilipinas upang maproteksyunan ang mga tao. Ginawa ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang pahayag dahil nauuso na ngayon ang AI na posibleng gamitin uli ng cyber criminals para makapambiktima tulad nang mauso ang social media platforms tulad ng Facebook. “Noong nauso ang Internet at naglabasan ang iba’t ibang social media platforms tulad ng Facebook, Instagram, at iba pa, ginamit din ito ng mga masasamang loob para lumikha ng iba’t…
Read More5 POLICE ESCORT NI DEGAMO PAGPAPALIWANAGIN NI SPEAKER ROMUALDEZ
NAKATAKDANG pagpaliwanagin ni House Speaker Martin Romualdez ang limang pulis escort ng pinaslang na si Negros Oriental Governor Roel Degamo matapos na makatanggap ng impormasyong hindi sila nag-report sa trabaho nang mangyari ang pagpatay sa naturang opisyal. Nabatid na pinagre-report na ni Speaker Romualdez ang mga naturang police escort sa Kamara. “Mga security sila ng opisyal tapos hindi sila papasok gayong alam nila na may banta sa buhay ni Gob. Degamo dahil sa away pulitika sa lugar,” nagngingitngit sa galit pang pahayag ng lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. “Alam…
Read MoreMARITIME DOMAIN AWARENESS FLIGHT ISINAGAWA SA WEST PH SEA
NAGSAGAWA ng Maritime Domain Awareness (MDA) flight sa Pag-asa Island, Ayungin Shoal at Sabina Shoal ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) kung saan namataan ang foreign flagged vessels kabilang ang Chinese Maritime Militia (CMM), People’s Liberation Army (PLA) Navy, at Chinese Coast Guard (CCG) vessels. Binanggit ng PCG na nabawasan ang bilang ng hinihinalang CMM vessels sa Pag-asa Island na mula sa 42 noong nakaraang linggo ay naging 15 na lamang nitong Marso 9. Ayon sa PCG, ang PLA Navy Jiangdao Class warship at CCG vessel 5203 ay…
Read More6 PANG ‘PERSONS OF INTEREST’ SA SALILIG HAZING SUSUKO
ANIM pa umanong ‘persons of interest’ sa hazing na nagresulta sa pagkamatay ng chemical engineering student na si John Matthew Salilig, ang nagbabalak na sumuko, ayon sa ulat ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla. “Yun ang balita namin, may anim pa na gustong sumuko sa hazing cases,” saad ni Remulla sa panayam ng mga mamamahayag. Tiniyak ni Remulla na maayos na pinamamahalaan ng mga prosecutor ng gobyerno ang imbestigasyon sa kaso hanggang sa mapanagot ang lahat ng mga taong may kaugnayan sa pagkamatay ni Salilig, isang chemical engineering student ng…
Read MoreLEAVE EXTENSION NI TEVES IBINASURA NI SPEAKER ROMUALDEZ
KINUMPIRMA mismo ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na hindi niya pinagbigyan ang kahilingan ni Negros Oriental Rep. Arnie Teves na mabigyan siya ng isang linggong leave extension kasunod nang pag-expired ng kanyang travel authority noong Marso 9. Napaulat na si Teves, na ang pangalan ay nakakaladkad sa brutal na pagpatay kay Negros Oriental Gov. Ruel Degamo at siyam na iba pa noong nakaraang linggo, ay nasa Estados Unidos. “Rep. Arnie Teves has asked for a leave extension but I advised him to come back the country as soon as…
Read MoreMISSING CESSNA PLANE SA ISABELA NAKITA NA
KUMPIRMADONG patay lahat ang anim na sakay ng Cessna plane na nawala noong Enero 24, 2023 matapos matagpuan ng composite search and rescue team ang wreckage nito. “The missing Cessna has just been found,” pahayag ng Isabela Provincial Disaster Risk Reduction Management Office. Natagpuan ang single engine plane kahapon sa bulubunduking barangay sa Isabela, ayon kay Attorney Constante “Watu” Foronda, head ng Isabela PDRRMO. Sa inisyal na impormasyon, ang eroplano ay natagpuang nakasabit sa mga puno sa gilid ng bundok. Ayon kay Engineer Ezikiel G Chavez, ng local Office of…
Read MoreKAGAWAD PATAY, WAITRESS SUGATAN SA EX-ARMY
HINDI umabot nang buhay sa Ospital ng Maynila ang isang barangay kagawad habang nasa malubhang kalagayan ang isang waitress makaraan umanong mamaril ang isang dating sundalo sa loob ng isang resto bar sa J. Nakpil Street, Ermita, Manila nitong Huwebes ng umaga. Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Leandro Gutierrez, commander ng Manila Police District-Ermita Police Station 5, ang namatay na biktimang si Jesus Carmona, manager ng resto bar at barangay kagawad ng Parola Compound sa Tondo. Patuloy namang inoobserbahan sa nasabing pagamutan si Donna Sabenencio, 29, residente ng Tondo, Manila. Samantala, agad…
Read MoreDEGAMO SLAY CASE, IIMBESTIGAHAN SA KAMARA
LIMANG congressman ang naghain ng resolusyon para paimbestigahan sa kaukulang mga komite sa Kamara ang hinggil sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo noong Marso 4. Sa House Resolution (HB) 825, nais nina Zambales Rep. Jefferson Khonghun, La Union Rep. Francisco Paolo Ortega, Misamis Occidental Rep. Sancho Fernando Oaminal, Sorsogon Rep. Marie Bernadette Escudero, at Quirino Rep. Midy Cua na alamin ang dahilan ng pagpatay kay Degamo. Magugunitang pinasok ng armadong kalalakihan ang compound ng bahay ng mga Degamo sa Paloma, Negros Oriental at pinagbabaril si Degamo na ikinamatay…
Read More