ARESTADO ang dalawang hinihinalang gun runners sa inilatag na entrapment operation kaugnay ng “Oplan Paglalansag Omega” at “Salikup lV”, ng mga operatiba ng Manila Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa panulukan ng Herbosa at Mata Streets sa Tondo, Manila noong Sabado ng gabi. Kinilala ang dalawang suspek na sina Joseph Ching, 23, at Patrick Miranda, 29, kapwa miyembro ng Salvador criminal group at residente ng Dagupan, Tondo. Base sa ulat ni Police Lieutenant Benedick Poblete, hepe ng Manila CIDG, bandang alas-9:10 ng gabi nang ikasa ang buy-bust operation sa nasabing…
Read MoreCategory: METRO
PCG HINDI GAGAMIT NG MILITARY GRADE LASERS
MARIIN ang paninindigan ng Philippine Coast Guard (PCG) na hindi sila magkakabit ng “military-grade laser light” sa kanilang mga barko kahit na ginamitan na sila nito ng Chinese Coast Guard (CCG) sa bisinidad ng Ayungin Shoal. “Hindi plano ng Coast Guard gumamit ng laser technology as part of our weaponry for Philippine Coast Guard vessels,” saad ni Commodore Jay Tarriela, PCG spokesperson sa West Philippine Sea. Ngunit inamin ni Tarriela na kailangan nang rebisahin ang mga procedure nila kung paano tutugon sa mga kahalintulad na insidente ng pagbabanta ng ibang coast…
Read More6 DAYUHAN IPATATAPON NG BI
NAKATAKDANG ipinatapon ng Bureau of Immigration (BI) palabas ng bansa ang apat na dayuhan na nahuli kamakailan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bunsod sa paggamit ng mga spurious o bogus na mga dokumento. Ayon sa report, na-intercept ang mga ito sa magkakahiwalay na petsa bago makasakay sa kani-kanilang mga flight palabas ng bansa. Batay sa impormasyon, unang na-intercept ang Indian national na si Harpreet Singh Ahitan, habang pasakay noong Pebrero 3 sa kanyang Kuala Lumpur flight papuntang Malaysia. Kasunod na naharang si Zhang yang, isang Chinese national, bago mag-boarding…
Read MoreOTS SCREENING OFFICER SUSPENDIDO SA EXTORTION
ISINAILALIM sa preventive suspension ang isang Security Screening Officer (SSO) ng Office of the Transportation Security (OTS), matapos mang-extort umano ng halagang 20,000 yen katumbas ng P8,000 mula sa isang Japanese national. Ayon kay OTS Administrator Mao Aplasca, nangyari ang insidente sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 noong Pebrero 22 habang nagpapatupad ng kanyang tungkulin ang suspek. Kinuha umano nito ang 20,000 Yen sa bagahe ng Japanese, at hindi naisauli sa kabila ng pakiusap ng Hapon sa kanya. Kasalukuyang sumasailalim sa masusing imbestigasyon ang suspek, at kasabay nito ang…
Read MorePLANO NG BUCOR SA MASUNGI, ‘DI MAKATOTOHANAN
HINDI makatotohanan ang plano ng Bureau of Correction (BuCor) na magtayo ng kanilang headquarter sa Masungi Georeserve dahil parang pagtatayo ito ng palasyo sa buhangin. Ito ang pahayag ni Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel at kapag itinuloy ng Bucor ang kanilang plano ay magsasayang lang ang mga ito ng pera ng bayan bukod sa sisirain lang ng mga ito ang environmental reserve na ito sa Tanay, Rizal. “The area is also poorly suited for a government site. The grounds are made of karst limestone which is far from being able to hold…
Read More60 PARTNERS NAG-‘I DO’ SA PASAY KASALANG BAYAN
UMABOT sa halos 60 pareha ang nagsabi ng “I do” sa Pasay City sa “Kasalang Bayan” ngayong love month. Nabatid na 57 pareha ang dumalo para magsabi ng “I do” at nagpalitan ng vows sa mass wedding na inisponsor ni Pasay City Mayor Imelda “Emi” Calixto-Rubiano sa Pasay Astrodome noong Sabado, Pebrero 25. Dumating ang mga pareha mula sa first and second district ng lungsod, sa Astrodome bago sumapit ang alas-7:00 ng umaga. Sa pamamagitan ng inisyatiba nina Mayor Emi, Cong. Tony Calixto, Vice Mayor Ding Santos, Councilors Mark Calixto,…
Read MoreIrerekomenda ni Romualdez kay PBBM ONE-STRIKE POLICY SA PALPAK NA TAX COLLECTORS
IREREKOMENDA ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapatupad ng one-strike policy sa mga kolektor ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) na mabibigong maabot ang kanilang target na makolekta. “I will recommend to President Marcos a one-strike policy against collectors who will miss their target revenues,” ani Speaker Romualdez. Sinabi ni Speaker Romualdez na mahalaga ang maabot ang target na makolektang buwis upang mapondohan ang mga programa ng gobyerno gaya ng pagbibigay ng subsidiya sa mga nangangailangang sektor, tulong…
Read MoreSPEAKER ROMUALDEZ MAGPAPATAWAG NG URGENT PNP-DILG MEET PARA TUGUNAN ANG HIGH PROFILE CRIMES
MAGPAPATAWAG si House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ng isang emergency meeting ngayong Lunes, kasama ang Philippine National Police (PNP) at Department of Interior and Local Government (DILG), upang talakayin ang sunud-sunod na high-profile crimes sa bansa. “Nakakabahala na dahil parang halos every week may malaking balita tungkol sa mga napapatay sa kalye,” ayon kay Speaker Romualdez. “Gusto natin malaman sa PNP at DILG kung ano ang mga hakbang na ginagawa nila upang pigilan ang mga ganitong uri ng karumal-dumal na krimen,” aniya. “The way it looks, mukhang pulitika ang…
Read MorePONDO SA IN-SERVICE TRAINING NG TEACHERS, DODOBLEHIN
UPANG mapaigting pa ang kakayahan ng public school teachers, dodoblehin ng Kongreso ang pondo para lalong gumaling ang mga ito sa larangan ng English, Math at Science. Ito ang nabatid mula kay Quezon City Rep. Marvin Rillo na sinabing target na itaas sa P1.5 billion ang taunang pondo para sa ‘in-service skills retooling” ng public school teachers sa nabanggit na mga asignatura sa susunod na taon. “In the national budget, Congress has been allocating only an average of P746 million per year for the in-service training of our teachers. We should…
Read More