SALVAGE VICTIM ITINAPON SA TULAY

BATANGAS – Isa na namang bangkay na hinihinalang biktima ng summary execution, ang nadiskubre malapit sa isang tulay sa Brgy. Sabang, sa bayan ng Ibaan sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon. Ayon sa report ng Ibaan Police, alas-4:00 ng hapon nang makita ng mga residente ang bangkay ng hindi pa kilalang lalaki habang nakahandusay, hindi kalayuan sa Sabang bridge. Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, napag-alaman na nakagapos ang mga paa at kamay nito ng nylon cord at nakabalot ng masking tape ang mukha at ulo. Nakasuot ito ng gray t-shirt…

Read More

TOP 1 MOST WANTED SA RAPE ARESTADO

WALANG inirekomendang pyansa para sa 43-anyos na lalaki na inakusahan ng panggagahasa, makaraang madakip sa bisa ng warrant of arrest sa kanilang bahay sa Cristobal Street, Sampaloc, Manila noong Martes ng gabi. Kinilala ang suspek na si Christopher Balais, 43, alyas “Bochoy”, sinasabing top 1 most wanted person. Ayon sa ulat ni Police Lt. Col. Wilson Villaruel, commander ng Manila Police District – Sampaloc Police Station 4, inaresto ng mga awtoridad ang suspek sa pangunguna nina Police Executive Master Sergeant Luis Coderas ng Intelligence and Warrant Section, sa bisa ng…

Read More

2 TIMBOG SA DAMO SA MAYNILA

DALAWANG hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang nadakip makaraang makumpiskahan ng mga tauhan ng Manila Police District ng umano’y marijuana sa magkahiwalay na lugar sa Sampaloc, Manila. Unang binitbit ng mga operatiba ng MPD-Barbosa Police Station 14 , si Mark Adonis y Delos Santos, 27, binata, jobless, ng Barangay 410 , Sampaloc. Si Adonis ay nadakip dakong alas-10:45 ng gabi noong Martes ng mga tauhan ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, Station commander, sa ikinasang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation sa area ng Legarda Street. Nakumpiska sa suspek ang…

Read More

TULFO PAPALIT SA NAGBITIW NA KONGRESISTA

HINDI man lumusot sa Commission on Appointments, mananatili pa rin sa pamahalaan si dating Department of Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo. Ang bagong destinasyon ng beteranong peryodista – Kamara de Representantes. Maugong na usap-usapan sa Kamara ang ‘di umano’y napipintong pagpasok ni Tulfo bilang party-list representative sa ilalim ng ACT-CIS matapos magbitiw si ACT-CIS third nominee Jeffrey Soriano. Batay sa umiiral na panuntunan ng batas na lumikha ng party-list system, pwedeng pumalit si Tulfo sa pwestong iniwan ni Soriano. Sa talaan ng Commission on Elections (Comelec), 4th nominee…

Read More

2 HUMAN TRAFFICKINGVICTIMS, HINARANG SA NAIA

HINARANG ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dalawang babae na hinihinalang mga biktima ng human trafficking. Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang dalawang babae ay hinarang sa NAIA noong nakaraang Pebreo 4 at 5. Ang nasabing mga pasahero ay isinailalim sa secondary inspection at nadiskubre sa kanila ang mga dokumentong pawang peke. Ayon sa BI’s Travel Control and Enforcement Unit, ang isang pasahero ay naharang noong Pebrero 4 habang pasakay sa Emirates flight patungong Saudi Arabia, nang matuklsan nagsinungaling sa…

Read More

NAKUMPISKANG DROGA PINAIIMBENTARYO

NAIS ni House committee on dangerous drugs chairman Rep. Robert Ace Barbers na ipaimbentaryo ang mga drogang nakumpiska ng mga ito upang malaman kung nakupitan ito at ibinalik sa kalsada. Ginawa ni Barbers ang kautusan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP) at maging sa National Bureau of Investigation (NBI) matapos lumabas sa pagdinig ng komite noong Martes na droga ang ibinabayad sa mga asset at informant sa nakaraan. “As of now, we have no clear knowledge or understanding on the disposition of previously seized drugs that…

Read More

Rep. Romualdez sa law enforcement agencies PAGTUGIS SA HOARDERS AT SMUGGLERS PAIGTINGIN

HINIMOK ni House Speaker Martin Romualdez ang law enforcement agencies na higit pang paigtingin ang pagtugis sa mga hoarder at smuggler ng agricultural products, partikular na ng bawang at sibuyas, sa bansa. Sa isang pahayag, ikinatuwa ng lider ng Kongreso ang pagiging epektibo ng mga raid na ginagawa ng law enforcement agencies sa mga warehouse at container van na hinihinalang naglalaman ng mga smuggled na produkto. Ayon sa mambabatas mula sa Leyte, lumilitaw na itinatago lang ng mga “tusong negosyante” ang mga agricultural products para manipulahin ang presyo. Dagdag pa…

Read More

PEKENG YOSI, NADISKUBRE SA TRAFFIC VIOLATION

DAHIL sa isang simpleng paglabag sa batas trapiko, nadiskubre ng mga operatiba ng District Investigation Division, Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ang pekeng 18 kahon ng sigarilyo na tinatayang P1,440,000 ang halaga, sa loob ng closed van sa MTPB – Central impounding area sa Quezon Boulevard, Sta. Cruz, Manila. Binitbit ng mga awtoridad ang driver ng closed van na si alyas “Johndreyl”, 31, at pahinanteng si alyas “Sixto”, 40-anyos. Base sa ulat ni Police Major Edward Samonte, hepe ng DID-SMaRT, bandang 1:45 ng hapon noong Martes nang sitahin ng mga…

Read More

HONORARIUM NG POLL WORKERS NAIS ITAAS

HINILING ng Commission on Elections (Comelec) na itaas ang honorarium ng poll workers ng hanggang P10,000. Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, nararapatan nang taasan ang honorarium para sa poll workers, simula sa nalalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa Oktubre 30. Ayon sa opisyal, gagawa ang Comelec ng paraan upang maging P10,000, P9,000, P8,000 ang matatanggap ng poll workers sa araw ng halalan. Paliwanag ni Garcia, ang planong madagdagan ang honorarium ng mga manggagawa sa halalan ay dahil manual na idaraos ang botohan. Ang karaniwang natatanggap ng…

Read More