BSKE SA MALLS POSIBLE

IMINUNGKAHI ng Commission on Election (COMELEC) ang pagdaraos ng Barangay and Sangguniang Kabataan Election sa loob ng malls sa bansa. Ayon kay Comelec spokesperson si Rex Lauchengco sa media forum sa “Balitaan sa Tinapayan” sa Dapitan Street, Sampaloc, Manila, maayos nilang naisagawa ang voter’s registration nang walang naging aberya sa ilalim ng “Register Anywhere Program”, kaya naniniwala ang ahensiya na kaya rin nilang magsagawa ng halalan sa mga mall sa mismong araw ng botohan. Gayunman, masusing pinag-aaralan ng COMELEC kung saan sa mga mall maaaring idaos ang pilot testing ng…

Read More

Bago idaos ang eleksyon HAMON SA BRGY. OFFICIALS SUMALANG SA DRUG TEST

HINAMON ni Manila Police District (MPD) Director, Police Brigadier General Andre “The game changer” Dizon ang lahat ng barangay officials na sumailalim sa drug test bago ang gaganaping Barangay and Sangguniang Kabataang Elections (BSKE) sa Okrubre, 2023. Ayon sa heneral sa ginanap na media forum sa Balitaan sa Tinapayan, sa panulukan ng Dapitan at Don Quijote Streets sa Sampaloc, Manila, ito ay upang maiwasan ang agam-agam at pag-alinlangan na ang barangay officials ay sangkot sa ilegal na droga. “Tsina-challenge po natin sila na magpa-drug test upang mapatunayan na minsan hindi sila…

Read More

ACCREDITATION NG NEW FOREIGN RECRUITMENT AGENCIES SA KUWAIT SUSPENDIDO

SUSPENDIDO ang akreditasyon ng bagong foreign recruitment agencies sa bansang Kuwait. Ito ang kinumpirma ni Department of Migrant Workers (DMW) spokesperson Toby Nebrida. Subalit nilinaw nito na ang suspensyon ay walang kaugnayan sa kaso ng pinatay na domestic worker na si Jullibee Ranara. Ayon sa ahensya,  kailangan nitong suriin at i-evaluate ang lahat ng nakabinbing  recruitment applications at ang hakbang ay nagkataong nasabay sa Ranara case. Dagdag pa ni Nebrida na mananatili ang operasyon ng accredited recruitment agencies. Nauna nang ibinasura ni DMW Secretary Susan Ople ang panawagan para sa deployment…

Read More

4 PANG EDCA SITES IDADAGDAG SA BANSA

NAGKASUNDO ang Estados Unidos at Pilipinas sa pagtatatag ng apat na karagdagang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa bansa, sa inilabas na joint statement ng Pilipinas at United States kaugnay sa pagbisita ni US Defense Secretary Lloyd J Austin III. Sa ginanap na pulong balitaan sa lobby ng Department of National Defense sa Camp Emilio Aguinaldo sa Quezon City ay kinumpirma ni Austin na pumayag na si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., para sa karagdagang apat na EDCA Sites. Hindi naman tinukoy ni Defense Secretary Carlito Galvez kung saan…

Read More

150 MOUNTAIN BIKES NG MPD BINASBASAN

BINASBASAN ni Manila Police District Chaplain Rev. Fr. Joey Escobar ang 150 mountain bikes sa quadrangle ng MPD- Headquarters sa United Nations Avenue, Ermita, Manila kasama si PBGen. Andre P. Dizon. (Photo by: JON-JON REYES) BINASBASAN ni Manila Police District Chaplain Rev. Fr. Joey Escobar ang 150 mountain bikes sa compound ng Manila Police District Headquarters sa United Nation Avenue, Ermita, Manila noong Miyerkoles ng hapon. Ayon kay Police Major Philipp Ines ng Public Information Office (PIO), ang pagbabasbas sa mga mountain bike ay sinaksihan nina MPD Director Police Brigadier General Andre…

Read More

6 TIMBOG SA ‘RECTO UNIVERSITY’

NABITAG ng mga tauhan ng District  Special Operation (DSOU) ng Manila Police District ang anim na indibidwal sa inilatag na entrapment operation sa puwestong gumagawa ng pekeng public documents sa Claro M. Recto Avenue, Barangay 310, Zone 30, Sta. Cruz , Manila. Kinilala ang mga arestado na sina alyas “Neil”, 50; “Orlando”, 52; Christian, 28; “Bernabe”, 39; Dinalyn, 40; at “Alicia”, 30-anyos. Ayon kay Police Major Rommel Purisima, hepe ng DSOU, inilatag ang entrapment operation makaraang magsagawa ng surveillance operation sa nasabing lugar. Bandang alas-6:10 ng gabi, nagpanggap ang isang…

Read More

BI NAGBABALA VS IMMIGRATION SERVICES SCAM SA SOCIAL MEDIA

NAGPALABAS ng babala si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco sa publiko hinggil sa bagong scammers na nag-aalok ng immigration services sa social media. Ang babala ay inilabas matapos na si Movement for Restoration of Peace and Order (MRPO) Chairperson Ka Kuen Chua ay magpatotoo sa pagdinig ng Senate Public Order and Dangerous Drugs Committee, na may mga nag-aalok sa social media na naniningil ng P1 million hanggang P5 million para mawala ang immigration blacklists. “We have observed that this scam proliferates not only on Facebook, but also in…

Read More

TUMAWID SA KALSADA PATAY SA 2 SASAKYAN

patay

CAVITE – Patay ang isang binatang magsasaka matapos na mabangga ng isang motorsiklo at nagulungan pa ng isang sasakyan habang tumatawid sa kalsada sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi. Naisugod pa sa Ospital ng Tagaytay ang biktimang si Michael Cuyos y Sirbise, 36, ng Brgy. Malabag, Silang, Cavite ngunit binawian ng buhay. Nilalapatan naman ng lunas sa Silang Specialist Medical Center ang driver ng motorsiklong Honda na si Dhong Bundac Buncag, 42, may asawa, ng  Baguio City, Benguet, dahil sa sugat sa katawan. Ayon sa ulat,…

Read More

US SEC. AUSTIN NASA PINAS PARA SA RP-US JOINT EXERCISE

TULAD ng inaasahan, dumating na sa Pilipinas si United States Defense Secretary Lloyd Austin para makipagpulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Defense Sec. Carlito Galvez at maging sa Armed Forces of the Philippines kaugnay ng napabalitang sabayang pagpapatrolya sa karagatang inaangkin ng bansang China. Unang tinungo ni Austin na nasa Pilipinas sa ikalawang pagkakataon, ang katimugang bahagi ng bansa para sa isang talakayan kasama si AFP chief of staff Gen. Andres Centino at AFP Western Command chief Lt. Gen. Roy Galido. Nananatiling tikom naman ang AFP at US Embassy sa…

Read More