WASAK ang kanang bahagi ng ulo at tapyas ang paa ng isang lalaki makaraang makaladkad ng dambuhalang tren ng Philippine National Railways (PNR) nitong Miyerkoles ng umaga sa A. Lorenzo Street na dating Batangas Street, Barangay 221, Zone 21 sa Tondo, Manila. Kinilala ang biktima sa pamamagitan ng Medical ID nito sa Tondo Medical Center na nakuha sa belt bag, na si Deus Simbol, nasa hustong gulang, at residente ng Llana St., Tondo, Manila. Base sa ulat ni Police Major Jaime Gonzales, hepe ng Investigation Section ng Manila District Traffic…
Read MoreCategory: METRO
PUGANTENG GRECO TIMBOG SA NAIA
INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Cypriot national na wanted ng mga awtoridad sa Greece, bunsod ng pagkakasangkot sa iba’t ibang financial fraud sa kanilang bansa. Kinilala ang suspek na si Renos Neofytou, 59, nahuli noong Sabado sa NAIA Terminal 3, bago makasakay sa Air Asia flight papuntang Kuala Lumpur, Malaysia. Batay sa impormasyo na nakalap ng BI, si Neofytou ay na-convict ng korte sa Greece at hinatulang makulong. Ayon sa pahayag ng Interpol’s National Central Bureau (NCB) sa…
Read MoreP10-M KETAMINE NASABAT SA MALAYSIAN-CHINESE NAT’L
TINATAYANG P10 milyong halaga ng ketamine, isang uri ng ilegal na droga, ang nasabat ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency mula sa isang Malaysian-Chinese national sa Pasig City. Nakapiit na sa jail facility ng PDEA RO-III ang Malaysian-Chinese national na kinilalang si Thai Lian Shiong, 24, naninirahan sa The Currency Residence, sa Julia Vargas Avenue, Ortigas, Pasig City. Sasampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Section 4 (Importation of Dangerous Drugs) ng Republic Act 9165, matapos na dakpin sa isinagawang controlled delivery operation ng mga awtoridad. Ayon sa ulat na isinumite ng mga operatiba…
Read MoreP1.7-M DROGA BISTADO SA NAIA
ANG inakalang antik na teleponong ibiniyahe pa mula sa bansang Pransya, may nakakubli palang droga. Sa kalatas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kumpiskado ang nasa 255 gramo ng shabu na itinago sa lumang teleponong laman ng bagahe mula sa Pransya. Pagtataya ng PDEA, aabot sa P1.7 milyon ang drogang pinadala ng isang Bleu Griotte ng Les Lyon (France) para sa consignee na kinilala sa pangalang Angeline Claire Nacua ng Makati City. Ayon naman sa Bureau of Customs (BOC) nadiskubre ang kontrabandong nakalagak sa bodega sa loob ng Ninoy Aquino…
Read MoreREPORMA SA PHILMECH IKAKASA NI ALVINDIA
NANGAKO ang pinuno ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) na si Dr. Dionisio G. Alvindia na magpapatupad ng mga pagbabago sa ahensya sa hangaring matigil ang katiwalian at mapabuti ang paghahatid nito ng serbisyo publiko. Ang pahayag ay ginawa ni Alvindia upang ipagtanggol ang hakbang na i-reshuffle ang walong tauhan ng PhilMech na iniimbestigahan dahil sa umano’y kaugnayan sa mga ilegal na aktibidad sa loob ng ahensya. Nangako rin si Alvindia na magiging mas transparent sa paggastos nila ng pondo at pagbibigay ng iba’t ibang uri ng…
Read MoreDOKTOR NASALISIHAN SA OSPITAL, 2 TIMBOG
TIMBOG ang dalawang lalaki sa mga operatiba ng District Investigation Division, Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ng Manila Police District, sa isinagawang follow-up operation sa magkahiwalay na lugar makaraang masalisihan ang isang 28-anyos na doktor sa UST Hospital sa Sampaloc, Manila. Unang nadakip ang suspek na si Adrian Sabido, alyas “Ryan”, 39, cellphone technician, ng Bicol Street, Payatas, Quezon City. Inginuso ni alyas “Ryan” ang kasabwat na si Joemar Teodoro, 31, residente ng Brgy.128 sa Balut, Tondo, na nagresulta rin sa pagkakaaresto sa huli. Ayon sa ulat ni Police Major…
Read MoreP107-M FARM MACHINERY PARA SA MAGSASAKA MULA SA PHILMECH
IPINAMAHAGI ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) sa mga magsasaka sa Nueva Ecija ang P107 milyon halaga ng iba’t ibang uri ng farm machinery. Ayon kay PhilMech Director Dionisio Alvindia, ang 2023 machinery distribution ay sa ilalim ng RCEF Mechanization Program ng pamahalaan. Sinabi ni Dir. Alvindia na may kabuuang 59 qualified Farmers’ Cooperatives and Associations (FCAs) at Local Government Units (LGUs) ang napagkalooban ng mga nasabing makinarya na tiyak na magpapagaan at magpapabilis ng trabaho sa pagsasaka sa bansa. Kabilang sa mga makinarya na ipinamahagi noong…
Read MorePAGBIBITIW NG 3 PNP HENERAL AT 7 KORONEL INAABANGAN SA PAGTATAPOS NG DEADLINE
NGAYONG Martes, Enero 31 ang ultimatum na ibinigay ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa pagsusumite ng courtesy resignation sa hanay ng heneral at koronel bilang unang hakbang sa napipintong paglilinis ng Philippine National Police (PNP). Sa kabuuan, tatlong heneral at pitong full colonels ang hindi pa nagbitiw sa kani-kanilang pwesto kahapon, ayon mismo kay PNP chief Rodolfo Azurin. Gayunpaman, nilinaw ni Azurin na magsumite man o hindi ang nalalabing 10 opisyal, obligadong isama ang kanilang pangalan sa talaan para sa pag-arangkada ng imbestigasyong pangangasiwaan ng komiteng kinabibilangan…
Read MorePRUTAS AT KARNE KUMPISKADO SA NAIA, BIYAHERO DISMAYADO
ILANG linggo matapos mabulilyaso ang 10 flight attendants ng Philippine Airlines dahil sa pasalubong na mga sibuyas at prutas, tatlong biyahero naman mula mga bansang Canada at China ang posibleng maharap sa kaso bunsod ng bitbit na karne at prutas na pasalubong sa mga kaanak na bibisitahin. Sa imbentaryo ng Bureau of Plant Industries (BPI), kumpiskado mula sa mga biyahero ang dalawang kilong broccoli, apat na kilo ng pinatuyong kabute, tatlong kilong dragon fruits, apat at kalahating kilo ng mansanas, tatlo’t kalahating kilo ng longan, isa’t kalahating kilo ng kahel…
Read More