IDINEKLARANG dead on arrival ang isang 32-anyos na hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang pumalag sa operasyon ng mga miyembro ng Station Drug Enforcement Unit ng Manila Police District- Baseco Police Station 13. Kinilala ang napatay na si Kelvie Panansang alyas “Tago”, tubong Sta. Cruz, Canaman, Camarines Sur, at residente ng Baseco Compound, Port Area, Manila Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Rodel Borbe, station commander, bandang alas-6:30 ng umaga noong Sabado nang mangyari ang insidente sa pagitan ng kanyang mga tauhan na sina Police Staff Sergeant Joren…
Read MoreCategory: METRO
PAG-RELEASE NG P1K SA INDIGENT SENIORS PENSION IKINATUWA NG SOLON
IKINALUGOD ni Senior Citizen Party-list Representative Rodolfo ‘Ompong’ Ordanes na simula ngayon buwan ay maibibigay na ang karagdagang P500 sa buwanang social pension ng mahihirap na senior citizens. Reaksyon ito ni Ordanes sa inanunsyo ni Sen. Sonny Angara na inendorso nila sa Senado ang P50 bilyong pondo para sa dagdag-pensyon ng tinatayang 4.1 milyong senior citizens. Ayon sa namumuno sa Senate Committee on Finance, nakapaloob sa P5.268 billion 2023 national budget ang karagdagang pensyon. Magugunita na isinulong ni Ordanes, bilang chairman ng House Special Committee on Senior Citizens, sa Mababang…
Read MoreBARKADA KONTRA DROGA INILUNSAD SA MAYNILA
PINANGUNAHAN ng tinaguriang “The game changer” ang paglulunsad ng “Barkada Kontra Droga” sa isang pampublikong paaralan sa San Andres Bukid, Manila noong Sabado ng umaga. Mismong si Manila Police District Director Police Brigadier General “The game changer” Andre Perez Dizon, ang nanguna sa paglulunsad ng programa sa Aurora Quezon Elementary School sa San Andres Bukid. Namagitan sa aktibidad ang Department of Education (DepEd) MADAO, PDEA at BKD Student Presidents at ang teacher advisers ng 35 public schools sa Lungsod ng Maynila, Bukod dito, naroroon din si Police Lieutenant Colonel Orlando Mirando Jr., commander ng…
Read MoreMAHIGIT 1K DAYUHAN IPINA-DEPORT NG BI
UMABOT sa 1,300 mga dayuhan ang ipina-deport ng pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) noong nakaraang taon, ito’y batay sa talaan ng ahensiyang ito. Nangunguna sa deportees ang 1,104 Chinese nationals, sumunod ang 87 South Korean nationals, kasunod ang 39 Vietnamese, 19 Americans at 12 Nigerians nationals. Ayon sa nakalap na impormasyon mula sa bakuran ng immigration, karamihan sa mga ito ay lumabag sa kondisyon na ipinagkaloob ng BI sa kanilang paninirahan sa bansa. Kabilang sa paglabag ang pagiging ‘overstaying’, o hindi pagre-renew ng kanilang mga visa at pagiging arogante…
Read MoreCAAP NAGPASAKLOLO SA HONG KONG SA MISSING CESSNA 206
HUMINGI ng saklolo ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa Hong Kong Mission Control Center (HKMCC) para sa paghahanap sa Cessna 206 na pinaniniwalaang bumagsak sa bulubunduking bahagi ng lalawigan ng Isabela. Ayon kay CAAP spokesperson Eric Apolonio, ang Hongkong ay mayroon Search and Rescue Satellite-Aided Tracking (SATSAT) System na maaaring makapag-review o kaya ay mag-evaluate sa paghahanap sa kinaroroonan ng Cessna 206. Aniya, ang kanilang Area Control Center Radar at Clark Radar ng Communication Navigation Surveillance /Air Traffic Management System, ay walang kakayahan na maka-pick up sa…
Read MoreKASONG MURDER VS DURANTE, 9 PA
Ni JESS KABEL RUIZ ISANG araw matapos sibakin sa pwesto, tuluyan nang sinampahan ng kasong kriminal si dating Presidential Security Group chief, Brig. Gen. Jesus Durante kaugnay ng pagpatay sa negosyanteng modelo sa lungsod ng Davao noong Disyembre 29 ng nakalipas na taon. Ayon kay Major Eudisan Gultiano na tumatayong tagapagsalita ng Police Regional Office -11, kabilang sa inihaing asunto laban kay Durante at siyam na iba pa, ang murder, obstruction of justice at pagnanakaw sa biktimang si Yvonnette Plaza “We confirm na yesterday ng umaga ay na-file na namin…
Read MoreDUGYOT NA PUNERARYA SA MAYNILA PINADLAK
TULUYANG ikinandado ang isang punerarya dahil sa mga reklamo kaugnay ng kawalan nito ng kalinisan na ikinababahala ng mga naninirahan sa paligid nito sa Tondo, Manila. Siniguro ng mga tauhan ni Police Lieutenant Colonel Rosalino Ibay Jr., MPD- Station 1 Commander na hindi magbubukas muli ang Elesium Funeral Chapel na matatagpuan sa panulukan ng Maliklik Extension at Juan Luna Street, Gagalangin, Tondo hangga’t hindi ito sumusunod sa tamang patakaran. Nabatid na nauna nang iniutos ng Bureau of Permits and License Division ang pag-padlock sa punerarya ngunit muli itong nagbukas kaya…
Read MoreKANO SINAGIP NG COAST GUARD SA PACIFIC OCEAN
SINAGIP ng mga tauhan sa Philippine Coast Guard (PCG) ang isang US citizen nang magkaaberya ang sasakyang pandagat nito sa Pacific Ocean, sakop ng Surigao Del Norte. Sakay ng isang watercraft sa Pacific Ocean, 140 milya ang layo mula sa Daku Island, General Luna, Surigao del Norte, nang masira umano ang propeller ng sasakyang pandagat na “MI AMOR” habang naglalayag ito mula Palau patungo sa Pilipinas. Dahil dito, nakipag-ugnayan ang U.S. Coast Guard Sector-Guam sa PCG-manned Maritime Rescue Coordinating Center-Manila para sa kaukulang tulong. Agad namang nagpadala si PCG Commandant, Coast Guard…
Read MorePHILPOST NAGBABALA VS PACKAGE SCAM
NAGBABALA ang Philippine Post Office sa publiko hinggil sa umano’y mapanlinlang na tawag mula sa mga indibidwal na nagpapanggap na bahagi ng postal corporation. Ipinahayag ng PhilPost sa kanilang public advisory na hindi ito tumatawag sa mga kliyente para sa anomang transaksyong pinansyal. Dahil dito, mahigpit ang pag-iingat ng PhilPost sa mga scammer na ginagamit ang kanilang mga kasanayan sa computer, upang i-configure ang mga tawag at ipakita na ito ay mga lehitimong tawag mula sa Customer Service Hotline ng postal corporation, (02) 8288-7678. “This official number, however, is being used…
Read More