ITINANGHAL na bangkay ang isang senior citizen makaraang romansahin sa gulpi ng kalugar makaraang magtalo sa Navotas City. Kinilala ang biktimang si Valentin Lamigas, 62, ng Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS), Dagat-Dagatan, habang tinutugis ng mga pulis ang suspek na si Verel Del Rosario, nasa hustong gulang, ng nasabi ring lugar. Ayon sa ulat, bandang 12:30 ng madaling araw noong Miyerkoles nang magtalo ang dalawa sa bahay ng biktima hanggang sa kulatain ni Del Rosario si Lamigas. Natuklasan naman ng kanyang anak na si Ronaldo Lamigas, 32, ang ama…
Read MoreCategory: METRO
SHEAR LINE DEATH TOLL 25, MISSING 26
SUMAMPA na sa 25 ang iniulat na namatay bunsod ng pag-ulan at pagbaha sa ilang lugar sa Visayas-Mindanao na dulot ng shear line noong Christmas weekend. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council at Office of the Civil Defense, 16 sa iniulat na mga namatay ay mula sa Northern Mindanao, lima ang naitala sa Bicol Region, habang ang Eastern Visayas at Zamboanga Peninsula ay nagtala ng tig-dalawang namatay. Dagdag pa rito, may 26 pang katao na karamihan ay mga mangingisda, ang nananatiling nawawala pagkatapos ng malawakang pagbaha bukod sa…
Read More10 KATAO HULI SA P.3-M SHABU
INANUNSYO ni Quezon City Police Director, P/BGen. Nicolas D. Torre III, ang pagkakaaresto sa 10 drug suspects na nakumpiskahan ng P355,640 halaga ng umano’y shabu sa magkakahiwalay na buy-bust operations na isinagawa ng iba’t ibang Station Drug Enforcement Units (SDEUs) ng QCPD noong Disyembre 27, Martes. Sa buy-bust operation ng Payatas Bagong Silangan Police Station (PS-13) sa ilalim ng pamumuno ni P/Lt. Col. Roldante Sarmiento, ang mga suspek na sina Darnel Dasalia Edrozo, 52, at Ma. Magdalena Sudara Salonga, 37, ay naaresto dakong alas-5:00 ng hapon sa isang bahay sa…
Read More6 TIMBOG SA ANTI-DRUG OPS SA MAYNILA
ANIM na hinihinalang drug personalities ang nadakip sa ikinasang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng mga tauhan ng Malate Police Station at District Drug Enforcement Group sa Malate at Tondo, Manila noong Martes. Ikinasa ang dalawang operasyon ayon sa direktiba ni Manila Police District director, Police Brigadier General Andre Perez Dizon. Unang nagsagawa ng anti-drug operation ang mga tauhan ni Police Lieutenant Colonel Salvador Tangdol, commander ng Malate Police Station 9, sa Noli Agno Street sa Malate. Isang “Alondra”, 23-anyos, dalaga, ang nahulihan ng anim na plastic sachet na…
Read MoreLIBRENG SAKAY SA LRT 2 SA RIZAL DAY
LIBRENG sakay sa mga mananakay ng Light Rail Transit 2 (LRT- 2) ang alok ng pamunuan sa araw ng paggunita sa pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal sa Biyernes, Disyembre 30. Base sa naging pahayag ng LRTA – 2, ang libreng sakay ay mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga, at dakong alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi Ang mga unang tren ay aalis mula sa Claro M. Recto Station at Antipolo Station sa ganap na alas-5:00 ng umaga, at ang huling tren mula sa Antipolo Station ay aalis ng alas-9:00…
Read More‘Wag sanang mapako INTERNET SA REMOTE AREAS PANGAKO NI PBBM
IPAGPAPATULOY ng gobyernong Marcos ang paglalagay ng internet connections sa malalayong lugar. Ito ang pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mamamayang Pilipino dahil ang access sa web ay itinuturing nitong “post-pandemic must-have.” Binigyang diin ng Pangulo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malawak na Internet connections matapos siyang makiisa sa Zoom call sa pagitan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at mga stakeholders ng departamento. “Gusto kong subukan kung talagang yung sinasabi sa akin ni Sec. Ivan (John Uy) e talagang gumagana,” ang pahayag ni Pangulong Marcos. “Mukha…
Read MoreBIYUDA PATAY SA SAKAL NG SEKYU
CAVITE – Dinampot ng mga awtoridad ang isang security guard na inakusahan ng pananakal na nagresulta sa kamatayan ng isang biyuda sa Bacoor City, sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon. Nasa kustodiya na ng pulisya si John Martir, 51-anyos, binata, ng Brgy. Molino 4, Bacoor City, suspek sa pagkamatay ng biktimang si Ma. Nerresa Hemilla y Clavel, nasa hustong edad, ng nasabi ring barangay. Ayon sa ulat, dakong alas-2:30 ng hapon nang i-report ni Mary Jane Hemilla y Clavel, anak ng biktima, na dinala ng suspek ang ginang sa…
Read MoreSEXUALLY TRANSMITTED INFECTIONS SA QC TUMAAS
NAGTALA ang lungsod ng Quezon ng pagtaas sa kaso ng STI o sexually transmitted infections. Sa ulat, tumaas ng 56 porsiyento ang bilang ng STI sa lungsod ngayong taon. Nagtala ang QC Service Delivery Network ng 2,538 na kaso ng STI mula Enero hanggang Nobyembre kumpara sa 1,625 noong 2021. Lumabas din sa datos na sa 28,736 sumailalim sa boluntaryong pagpapayo at pagsusuri sa HIV sa walong klinika sa lungsod, 738 o 3 porsiyento ang nagpositibo sa human immunodeficiency virus (HIV). Limampu’t isang porsyento o 373 sa mga ito ay…
Read More100 PATROL BIKES IPINAMAHAGI SA MPD COPS
KASABAY ng pagkakaloob ng 100 patrol bikes ng mga miyembro ng Association of Police Officers Lateral Entry (APOLE), nagpaalala ang tinaguriang ‘The game changer’ na si Manila Police Director Brig. General Andre Perez Dizon sa kanyang mga tauhan na pairalin ang disiplina sa sarili sa pagdiriwang at pagsalubong sa Bagong Taon. Bandang alas-9:00 ng umaga nang basbasan ang 100 bisikleta kasunod ang mensahe ng heneral na dapat umanong isipin ng kanyang mga tauhan kung gaano kahirap pumasok sa serbisyo at kung gaano kahalaga ang pinasok nilang propesyon. “Sa bawat isa sa kanila, sila ay…
Read More