HINARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang umano’y isang Australian hacker, upang maiwasang magkalat sa Pilipinas ng kanyang modus. Kinilala ng mga tauhan ng BI’s Border Control and Enforcement Unit (BCIU) ang suspek na si Risteski Borche, 40-anyos, at sakay ng Cebu Pacific flight mula sa Sydney. Ayon sa report, si Risteski ay nasa ilalim ng Interpol alert bunsod ng pagiging wanted kaugnay sa paglabag ng Art. 251 ng Criminal Code ng Republic of Macedonia, Australian. Ang nasabing kaso ay may katapat na…
Read MoreCategory: METRO
PAGGAMIT NG FIRECRACKERS HINIGPITAN SA QC
PARA maiwasan ang pinsalang dulot ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon, ipina-regulate ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang paggawa, pagbebenta at paggamit ng mga paputok sa buong lungsod, at pinapayagan lamang ang fireworks display sa mga pampublikong lugar na inaprubahan ng pamahalaang lungsod. Bunsod nito, ang mga pribadong sambahayan ay ipinagbabawal na gumamit ng paputok at magsagawa ng sariling fireworks display at idinagdag na ang mga aprubadong paputok at pyrotechnics lamang ang pinapayagang gamitin sa mga pampublikong lugar. Nabatid sa paliwanag sa kanyang desisyon na mag-isyu ng Executive…
Read MoreMGA PASAHERO DAGSA SA MGA PANTALAN
PATULOY ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan sa bansa para sa Christmas season. Ayon sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG) sa inilabas na bagong update, para sa “OPLAN BIYAHENG AYOS: PASKO 2022”, simula nitong Huwebes ay nakapagtala ng kabuuang 26,713 outbound passengers at 21,569 inbound passengers sa lahat ng mga pantalan sa Pilipinas. Umabot naman sa 2,080 deployed frontline personnel sa 15 PCG Districts ang nakapag-inspeksyon ng 225 vessels at 242 motorbancas. Nanatiling nasa heightened alert ang PCG district stations at substations upang mapamahalaan ang pagdagsa ng mga pasahero…
Read MoreP3K KAPALIT NG ‘BAWAL NA HALIK’, TECHNICIAN TIMBOG
SINUBUKAN ng isang 24-anyos na aircon technician na painan ang isang 12-anyos na dalagita ng halagang P3,000 kapalit ng pagpapahalik nito sa kaselanan ngunit tumanggi at nagsumbong ang biktima na nagresulta upang arestuhin ang suspek ng mga awtoridad sa Sta. Cruz, Manila noong Martes ng umaga. Nanginginig sa takot na nagsumbong ang biktimang si “Lucy” sa kanyang ina na agad namang kinompronta ang suspek na kinilalang si Niño Boco ng Barangay 355 sa Sta. Cruz, Manila. Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Ramon Czar Solas, commander ng Manila Police…
Read MorePULIS NA MATUTULOG SA PANSITAN, BINALAAN
BINALAAN ni Manila Police District Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon ang kanyang mga tauhan na huwag tutulog-tulog sa oras ng kanilang duty ngayong Christmas Season Ayon sa heneral, kapag nahuling natutulog sa oras ng trabaho, papatawan ang pulis ng karapat-dapat na parusa, lalo na ang mga nakatalaga sa gabi dahil malaking responsibilidad ito, sapagkat sila lamang ang inaasahan ng ating mga kababayan. Ayon kay Police Major Philipp Ines, hepe ng Public Information office (PIO) ng MPD, halos wala nang pahinga ang kanilang District Director masigurado lamang ang seguridad sa Kamaynilaan, kung…
Read MorePaalala ng PNP ngayong Kapaskuhan KULONG AT MULTA SA LASING O NAKADROGANG TSUPER
PINAALALAHANAN ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang mga driver na huwag magmaneho nang lasing upang makaiwas sa sakuna o maharap sa humigit kumulang sa 500 libong multa. Ayon kay PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr., sa ilalim ng umiiral na Republic Act 10568 o ang Anti-Drunk and Drugged Driving Act, ang parusa sa sinomang mapatutunayan na nagmamaneho nang lasing o nasa impluwensya ng ilegal na droga ay maaaring makulong o pagmultahin ng humigit kumulang kalahating milyong piso (P500,000) depende sa bigat ng pagkakasala. Kaugnay nito, inatasan ni…
Read More91% ADULT PINOYS TIWALA KAY SEC. TULFO
NASA 91% ng adult Pinoys ang nagpahayag ng tiwala sa kakayahan ni Secretary Erwin Tulfo upang pamunuan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ito ay batay sa inilabas na pinakahuling resulta ng Tugon ng Masa (TNM) National Survey, na isang independiyente at non-commissioned, na regular na isinasagawa ng OCTA Research Group bilang serbisyo-publiko. Batay sa resulta ng naturang survey, nakakuha si Tulfo, bilang DSWD Secretary, ng trust rating na 96% sa Mindanao; 92% sa Visayas; 91% sa National Capital Region (NCR) at 89% naman sa Balanced Luzon. Base…
Read MoreTOKHANG 2.0 NAGBABADYA
POSIBLE umanong ibalik ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang Oplan Tokhang na ipinatupad noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay PNP spokesperson PCol. Jean Fajardo, masusing pag-aaralan ng PNP ang mungkahing pagbabalik ng Oplan Tokhang sa bansa. Kasunod ito ng mga suhestiyon ng ilang mambabatas sa layuning mas paigtingin pa ang kampanya ng pulisya kontra ilegal na droga matapos ang umano’y muling paglaganap nito sa bansa. Kasamang pag-aaralan ng mga awtoridad ang magaganda at best practices ng campaign against illegal drugs ng nakalipas na administrasyon saka…
Read MoreMga estudyante binunutan ng baril PULIS MAYNILA SINIBAK
MASUSING imbestigasyon ang isinasagawa ng Manila Police District hinggil sa umano’y inasal ng isa sa mga tauhan ng MPD-Sampaloc Police Station sa mga estudyante ng University of Sto. Tomas noong Linggo ng gabi. Bukod sa pansamantalang sinuspinde, dinis-armahan ng service firearms si Police Corporal Marvin Castro. Base sa ulat ni MPD Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon, pauwi na sa kani-kanilang bahay ang mga estudyante na mga miyembro ng Junior Judo Team ng UST, mula sa isang selebrasyon ng kanilang pagkapanalo sa kompetisyon. Tiyempo namang nasa lugar si Castro para…
Read More