BAHAY SA MUNTI SUNOG, 10 PATAY

SAMPU katao, kabilang ang isang limang-buwang gulang na sanggol, ang nasawi matapos lamunin ng apoy ang tinitirhan bahay kahapon ng umaga sa lungsod ng Muntinlupa. Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), bandang alas 9:00 ng umaga nang mag-umpisang masunog ang isang bahay sa kahabaan ng Larva Street, Bruger Subdivision sa Barangay Putatan ng nasabing lungsod. Wala pang pagkakakilanlan ang mga nasawi ayon kay Muntinlupa City Fire Marshal Fire Superintendent Eugene Briones bagamat kumbinsido ang lupon ng pamatay sunog na magkakaanak ang mga nasawi., batay na rin sa panayam…

Read More

3 TIMBOG SA ANTI-DRUG OPS SA INTRAMUROS

MAHIGIT 100 gramo ng umano’y shabu na tinatayang P680,000 ang halaga, ang nakumpiska mula sa tatlong suspek na target sa buy-bust operation sa Intramuros, Manila noong Sabado ng gabi. Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Odin/Boss”, 33; alyas “Alex” 50, at alyas “Ian”, 20, pawang mga residente ng Intramuros. Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Leandro Gutierrez, commander ng Manila Police District – Ermita Police Station, bandang alas-8:00 ng gabi nang ilatag ng kanyang mga tauhan sa pangunguna ni Police Major Prudencio Saballo Jr., ng Station Drug Enforcement…

Read More

SEN. MARCOS NAMAHAGI NG ‘PAMASKONG HANDOG’

NAMAHAGI ng tulong na may temang “Pamaskong Handog” si Senadora Imee R. Marcos sa mga kapuspalad na pamilya sa Baseco Compound, Port Area, Manila noong Sabado ng umaga. Inasistehan ang senadora ni Manila Mayor Maria Shiela “Honey” Lacuna-Pangan kasama si Vice Mayor Yul Servo Nieto sa pamamahagi ng tulong na pagsasaluhan sa Pasko. Bandang alas-5:00 ng hapon, nakaposisyon na si Police Lieutenant Colonel Rodel Borbe, commander ng Manila Police District – Baseco Police Station 13, at mga tauhan nito sa pagdating ng senadora para sa aktibidad na isinagawa sa covered court ng Barangay 649,…

Read More

CPP-NPA-NDF BABAGSAK NA SA PAGKAMATAY NI JOMA – DND

BUNSOD ng pagkamatay ni Jose Maria Sison, pinaniniwalaang gumuho na ang ‘hierarchy’ ng Communist Party of the Philippine – New People’s Army – National Democratic Front of the Philippine (CPP-NPA-NDF), na itinatag nito para marahas na ilagay ang sarili sa kapangyarihan. Ito ang inilabas na pahayag ng Department of National Defense kaugnay sa pagkamatay ng 83-anyos na CPP-NPA founder na si Ka Joma Sison noong Biyernes ng gabi sa The Netherlands. “His death deprived the Filipino people of the opportunity to bring this fugitive to justice under our country’s laws,…

Read More

Sa nasunog na pabrika ng goma sa Valenzuela MGA RESIDENTE PINAG-IINGAT SA RESPIRATORY DISEASES

PINAYUHAN ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang mga residenteng naapektuhan ng halos dalawang araw na sunog sa Titan Rubber sa Barangay Veinte Reales na ingatan ang kanilang kalusugan. Ayon sa City Hall, kung narakaranas ng pangangati ng lalamunan, pag-ubo, hirap sa paghinga, at iba pang sintomas na maaaring dulot ng pagkalanghap ng usok,  huwag mag-atubiling pumunta sa pinakamalapit na health station upang mabigyan ng karampatang lunas. Noong Disyembre 14 nang nagsimulang masunog ang nasabing pabrika ng goma sa C. Santiago St. sa nasabing barangay ng siyudad. Dakong alas-3:25 ng hapon,…

Read More

ANGKAS PATAY, DRIVER SUGATAN SA DUMP TRUCK

CAVITE – Patay ang isang babaeng angkas habang sugatan ang driver nang bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang poste ng kuryente makaraang masagi ng dump truck sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon. Isinugod sa San Lorenzo Ruiz Hospital sina Diosdado Dignos y Magno, 37, may live-in partner, isang aircon technician at driver ng motorsiklong Rusi, at Florame Destacamento y Villamor, 31, may live-in partner, kapwa ng Barangay Molino, Naic, Cavite, ngunit hindi umabot nang buhay ang huli. Kinilala naman ang driver ng dump truck…

Read More

LAS PINAS PAROL-MAKING WINNERS

PINARANGALAN nina Sen. Cynthia A. Villar at House Deputy Speaker Camille Villar ang mga nanalo sa taunang parol-making contest sa idinaos na 17th Las Piñas Parol Festival nitong Biyernes, December 16, 2022 na ginanap sa Villar SIPAG Complex sa naturang lungsod. Nasungkit ni Richard Loverez ang first prize at tumanggap ng P20,000 cash prize habang si Alicia Flores ay nakakuha ng P15,000 at si Luzviminda Gallardo, P10,000, bilang second at third placers, ayon sa pagkakasunod. Ang Parol Festival ay taunang kompetisyon sa mga gumagawa at kasapi ng Samahan ng Magpaparol…

Read More

2 SWAK SA SELDA SA ‘ONLINE PAPUTOK’

SWAK sa selda ang dalawang indibidwal makaraang madakip sa inilatag na entrapment operation ng mga tauhan ng Manila Anti-Cybercrime Team (MDACT) dahil sa binebentang paputok sa pamamagitan ng social media, sa Barangay San Roque, Navotas City , noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang mga suspek na sina “Joshua”, 20, at “Jeffrey”, 25, kapwa ng Brgy. San Roque, Navotas City. Batay sa ulat ni Police Major Reynaldo Salim, team leader ng MDACT, bandang alas-10:50 ng gabi, isinagawa ang entrapment operation sa Gold Rock, Brgy. San Roque, Navotas City, katuwang  ang mga…

Read More

LALAKI TIKLO SA BOGA, DROGA

ARESTADO ang isang lalaki nang makumpiskahan ng baril at P57,000 halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation sa Malabon City noong Huwebes ng madaling araw. Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation ang suspek na si Rowie Sta. Rosa, 31, ng Brgy. Longos, ng lungsod. Dakong 2:40 ng madaling araw nang isagawa ng operasyon sa Hiwas St. corner Labahita St., Brgy. Longos matapos may magngusong nagtutulak umano si Sta. Rosa, at nang tanggapin niya ang P500 marked money…

Read More