PABRIKA NG GOMA, 2 ARAW NASUNOG

HALOS dalawang araw nasunog ang isang pabrika ng goma sa Valenzuela City, kaya’t inabot pa ng isang sunog kinabukasan sa isa namang residential area sa lungsod na nauna pang naapula. Ayon sa Valenzuela Central Fire Station, noong Disyembre 14, dakong alas-tres ng hapon nang magsimulang masunog ang isang industrial area sa C. Santiago St., Viente Reales sa siyudad na umabot ng fourth alarm. Idineklara itong fire-under control kinabukasan dakong 11:45 ng gabi at tuluyang naapula ang sunog na tumupok sa tinatayang P45 milyong halaga ng mga ari-arian. Inabutan pa ito…

Read More

2 CAMEROONIANS TIKLO SA FAKE US$500K

NALAGLAG sa pain ng Makati City Police k nitong Biyernes ng umaga sa isang resort sa Taguig City ang dalawang foreign nationals na sangkot sa pagpapakalat ng pekeng dolyar sa south Metro Manila. Ayon kay Makati City Chief of Police P/Col. Robert R. Baesa, dalawang linggong minanmanan ng kanyang mga tauhan ang mga suspek na sina Marco Pierre Verrati at Jeff Jerry, kapwa Cameroonian nationals, upang makatiyak na sangkot at nag-o-operate ang mga ito sa pagpapalsipika ng US dollar money. Nagsagawa ang mga operatiba ng test buy at nakabili kina…

Read More

RPMD: SINGSON, MARCOS, DE VENECIA TOP PERFORMERS SA ILOCOS

MATAPOS ang komprehensibong national assessment ng mga nangungunang opisyal ng gobyerno at gabinete sa mga tuntunin ng kanilang overall performance, ginawa ng RP- Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) ang pambansang survey nito para sa lahat ng miyembro ng House of Representatives – District Representatives sa kanilang overall performance para sa taong 2022. Statistically tied, sina Deputy Speaker Kristine Meehan-Singson at Senior Deputy Majority Leader Ferdinand “Sandro” Marcos na may pinakamataas na performance rating sa Ilocos Region sa 93%. Si Singson ay kinatawan sa 2nd district ng Ilocos Sur, habang…

Read More

MANDURUKOT WALANG LUSOT SA MPD-SPECIAL MAYOR’S REACTION TEAM)

NASUKOL ng mga operatiba ng District Investigation Division, Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ng Manila Police District sa kanilang follow-up operation ang 24-anyos na suspek sa pagnanakaw ng cellphone ng isang estudyante sa lungsod ng Maynila. Natiyempuhan sa harap ng isang resort sa Valenzuela City ang suspek na kinilala lamang alyas “Mark”, isang electrician. Bago ito, biniktima umano ng suspek ang isang estudyante ng Lyceum of the Philippines. Ayon kay Police Major Edward Samonte, hepe ng DID – SMaRT, naglalakad ang 20-anyos na babaeng biktima kasama ang kaibigan sa panulukan…

Read More

TRIKE TINUMBOK NG MOTORSIKLO, 5 SUGATAN

SUGATAN ang dalawang driver at tatlong pasahero makaraang tumbukin ng motorsiklo ang isang tricycle sa southbound lane ng Mel Lopez Boulevard, malapit sa panulukan ng Zaragosa Street sa Tondo, Manila. Isinugod sa magkahiwalay na pagamutan ang tricycle driver na si Emil, 39, at si Cezar Jr., 25-anyos, rider ng motorsiklo. Gayundin ang tatlong pasahero ng tricycle na sina Ariel, 57; Jevette , 27,  at Irish,18-anyos. Batay sa ulat ni Police Major Jaime  Gonzales, hepe ng Vehicular Traffic Investigation Section (VTIS) ng Manila District Traffic Enforcement Unit, bandang 11:00 ng umaga nang makarating…

Read More

P6.34-M ILLEGAL DRUGS NAI-TURNOVER SA PDEA

HAWAK na ng Philippine Drug Enforcement Agency ang P6.348 milyong halaga ng ilegal na droga na nai-turn over sa ahensya ng Bureau of Customs-Port of Clark at BOC-NAIA. Ang nasabing ilegal na droga na dumating sa Port of Clark mula Lagos, Nigeria, ay unang idineklara na air filter, fuel filter at oil filter para sa mga sasakyan. Subalit nang isailalim ang kargamento sa physical examination at pagsusuri ng PDEA K-9, nalaman na shabu pala ang laman ng kargamento. Itinago ito sa dalawang car oil filters at nasa 360 gramo ang bigat. Agad naglabas si Customs…

Read More

Kapalit ng 2 taong serbisyo TUITION SA NURSING COURSES SAGOT NG GOBYERNO

UPANG masolusyunan ang kakulangan sa mga nurse, ipinanukala ng isang mambabatas sa Kamara na magtayo ng “nursing scholarship” ng mga kuwalipikadong estudyante kapalit ng dalawang taong serbisyo sa kanilang probinsya o bayan. Sa ilalim ng House Bill (HB) 6631 o “Nursing Scholarship and Return Service Program Act” na inakda ni Anakalusugan Party-list Rep. Ray Florence Reyes, sinabi nito na kailangang mamuhunan na ang bansa sa kursong ito upang mapigilan ang shortage. “Yearly, we lose hundreds of nurses who seek greener pastures elsewhere. This mass exodus of health workers greatly affects our health system causing it…

Read More

Sa pagsisimula ng Simbang Gabi PNP NASA FULL ALERT STATUS NA

SIMULA ngayong araw, naka-full alert ang buong puwersa ng Philippine National Police para sa pagsisimula ng Simbang Gabi. Ayon kay PNP Chief Pol. Gen. Rodolfo Azurin Jr., aabot sa 192,000 o katumbas ng 85% na bilang ng mga pulis ang nakatakdang ipakalat sa iba’t ibang lugar sa bansa para masiguro ang seguridad ngayong holiday season. Ani Azurin, maaga silang nagdaos ng Christmas party para paghandaan ang christmas break. Inihayag ni Gen. Azurin, naglabas siya ng direktiba sa mga pulis para dagdagan ang kanilang presensya sa mga simbahan. Ayon naman kay…

Read More

LALAKI TIMBOG SA TANGKANG PAGDUKOT SA 3 BATA SA QC

NASAGIP ang tatlong bata mula sa 26-anyos na binata na nagtangkang dumukot sa kanila sa Quezon City, Martes ng hapon. Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Talipapa Police Station 3, bandang 2:45 ng hapon nitong Martes nang maaresto ang suspek na si Prince Tamayo Bulawan, 26, sa San Beda Libis, Brgy. Bahay Toro sa  nasabing lungsod. Sa imbestigasyon ni PCpl Kimmy A Talang, inalok ng suspek ng pagkain ang tatlong bata na edad 9, 12 at 13 saka pumara ng  taxi sa Congressional Ave. Hindi naman sila isinakay…

Read More