NASAKOTE sa Valenzuela City ang isang lalaking wanted sa child abuse sa Sorsogon City at halos anim na taong nagtago, matapos inguso sa isang message sending application sa social media. Dinakip ng mga awtoridad si Christian Gargallo, 30, sa Centrum Plastic, Lamesa St., Barangay Ugong, Valenzuela City noong Martes, Disyembre 13, 2022. Ayon sa pulisya, noong Lunes, Disyembre 12, nakatanggap sila ng mensahe sa social media na nagtatago sa Valenzuela si Gargallo at ibinigay rin ang lokasyon kung saan ito naglulungga kaya’t agad silang sumalakay at hinuli ang suspek. Dinakip…
Read MoreCategory: METRO
BOCAUE PUBLIC HOSPITAL BUKAS NA
PINANGUNAHAN ni Department of Health Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire kasama sina Senador Joel Villanueva, Senador Bong Go, Gob. Daniel Fernando, Mayor Jon-Jon Villanueva, Vice Mayor Sherwin Tugna, Congressman Boy Cruz at Cong. Bro. Eddie Villanueva ang inagurasyon ng Joni Villanueva General Hospital na matatagpuan sa Igulot, Bocaue, Bulacan nitong Lunes, Disyembre 12, 2022. (Photo: PIA) PORMAL nang pinasinayaan ang kauna-unahang pampublikong ospital na matatagpuan sa Barangay Igulot, sa bayan ng Bocaue, Bulacan malapit sa Ciudad De Victoria NLEX entry-exit toll, na dinaluhan ng matataas na opisyal at kawani ng…
Read MoreTOP 10 DISTRICT REPRESENTATIVES SA NCR INILABAS NG RPMD
MATAPOS ang komprehensibong national assessment ng mga nangungunang opisyal ng gobyerno at gabinete sa mga tuntunin ng kanilang overall performance, inilabas naman ng RP- Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) ang pambansang survey nito para sa lahat ng miyembro ng House of Representatives – District Representatives sa kanilang overall performance para sa buong taong 2022. Sa National Capital Region, ang Top District Representatives ay sina Cong. Toby Tiangco ng Navotas City (Lone District) ang may pinakamataas na job performance rating na 93 percent. Pumangalawa naman si Cong. Oca Malapitan ng…
Read MoreLaban sa indiscriminate firing NO MERCY POLICY PAIIRALIN NG PNP
HINDI lang pasaway na pulis kundi maging ang kanilang opisyal ay mananagot kapag nagpaputok ng baril ngayong kapaskuhan at sa pagsalubong ng bagong taon. No mercy! Ang babala ni Philippine National Police chief Police General Rodolfo Azurin Jr. sa kanyang mga tauhan. Ayon sa heneral, bukod sa mga pulis na nagkasala ay garantisadong papananagutin din sa ilalim ng batas ang kanilang immediate superior kaya inatasan niya ang mga ito na bantayan ang kanilang mga tauhan. Gayunman, tiwala umano ang PNP Chief na hindi aabusuhin ng mga pulis ang paggamit ng…
Read MoreNakapatay sa traffic enforcer TRIGGER HAPPY COP SIBAK
WALANG dulot na maganda ang pagiging mapusok. Ito marahil ang napagtanto ng isang pulis-Maynila matapos maglabas ng kapasyahan ang Quezon City People’s Law Enforcement Board (PLEB) kaugnay ng pamamaslang sa isang traffic enforcer noong nakalipas na Oktubre. Sa anim na pahinang kalatas, tinuluyan ng PLEB si Police Lieutenant Felixberto Tiquil kaugnay na isinampang kaso ng Grave Misconduct at Conduct Unbecoming of a Police Officer, nina Paul Timothy Delos Reyes (saksi) at Charilyn Pagsibigan na live-in partner ni Edgar Abad Follero na binaril at napatay sa pag-aakala na karnaper ng motor…
Read More2 KALSADA SA QC IPAPANGALAN KAY SEN. MIRIAM DEFENSOR
ISANG panukalang batas ang inihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para ipangalan kay yumaong dating Sen. Miriam Defensor-Santiago ang dalawang kalsada sa Quezon City. Sa House Bill (BH) 6576 na inakda nina Isabela Rep. Antonio “Tonypet” Albano, Quezon Reps. Arjoy Atayde at Marvin Rillo, nais ng mga ito na palitan ang pangalan ng Agham Road at BIR Road sa Quezon City at gawing “Senator Miriam Defensor-Santiago Avenue.” Ayon sa tatlong mambabatas, isang “fitting recognition” sa mga nagawa at kontribusyon ng dating senadora sa sambayanang Pilipino noong nabubuhay pa ito, ang pagpapangalan…
Read MoreCRIME RATE BUMABA NGAYON 2022 – PNP
ITO ang inihayag ni Philippine National Police chief Police General Rodolfo Azurin Jr., kasunod ng ginanap nilang year-end command conference sa Camp Crame sa Quezon City Ayon kay General Azurin, mas mababa ang antas ng krimen sa bansa ngayong 2022 kumpara noong nakaraang taon. At idinagdag ng heneral na mas mababa ang crime trend ngayong Disyembre kumpara sa nakalipas na mga buwan. Resulta umano ito nang naging hakbang ng PNP na itaas sa 85 porsyento ang deployment ng mga pulis ngayong Christmas season sa pangunahing mga establisyemento, sa mga simbahan, malls, sa…
Read MoreTUMANGAY NG CELLPHONE NATUNTON SA GPS
CAVITE – Arestado ang isang lalaki matapos natunton sa pamamagitan ng Global Positioning System (GPS) mula sa cellphone na kanyang ibinulsa sa isang birthday celebration sa General Trias City sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi. Inaresto ang suspek na kinilalang si Ronelon Jaro y Castillo, 51, ng Brgy. Pasong Kawayan 2, Gen. Trias City, Cavite matapos ireklamo ni Jerry Viniegra y Asistores, 44, ng Brgy Bacao 1, Gen. Trias City, Cavite. Ayon sa ulat ng pulisya, naimbitahan ang biktima ng kanyang kapitbahay na pumunta sa kaarawan nito kung saan nag-inuman sila…
Read MoreTANKER AT KOTSE NAGSALPUKAN; TITSER PATAY, 3 SUGATAN
BATAAN – Nalagutan ng hininga ang isang babaeng guro habang tatlo pa ang nasugatan matapos na salpukin ng isang fuel tanker truck ang isang kotse sa Roman Hi-way, Barangay Dona, sa bayan ng Orani sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi. Kinilala ng Orani Police ang namatay na si Aileen Dulay, 31, residente ng bayan ng Mariveles, at isa sa mga sakay ng kotse. Dead on the spot ang biktima dahil sa grabeng pinsalang sa iba’tibang bahagi ng katawan. Sugatan naman ang tatlo pa nitong kasama na pawang isinugod sa Jose Payumo Memorial Hospital ng nagrespondeng rescue team ng Metro…
Read More