KINATIGAN ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang posisyon ng 17 alkalde ng Metro Manila, kaugnay ng isinusulong na single-ticketing system para sa mga paglabag sa batas trapiko National Capital Region. Bukod sa single ticketing, nagpahayag din ng suporta si DILG Secretary Benhur Abalos sa moratorium sa pangungumpiska sa lisensya sa mga motorista sa pagpasok ng unang tatlong buwan ng susunod na taon. Sa isang pulong na nilahukan ng Metro Manila Council, Metro Manila Development Authority (MMDA) at ang Land Transportation Office (LTO), napagkasunduan ng mga alkalde na…
Read MoreCategory: METRO
Sa nakaraang 11 araw 1 PATAY KADA ARAW SA COVID SA VALENZUELA
ISANG COVID-19 patient ang namamatay sa Valenzuela City kada araw simula nang pumasok ang Disyembre, ayon sa pinakabagong ulat ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU). Dakong 11:59 ng gabi noong Nobyembre 30 ay 991 pa lamang ang COVID death toll sa lungsod, ngunit pagsapit ng 11:59 ng gabi noong Disyembre 11 ay 1,002 na ang pandemic fatalities sa lungsod. Mula naman sa 47,889 ay sumipa sa 48,087 ang cumulative confirmed cases o 158 ang nahawa, habang lumamang lang ng isa ang bilang ng gumaling na 159, na mula 46,797…
Read MoreUNANG ARAW NG PAGBABALIK NG VOTER REGISTRATION, MAAYOS
IBINIDA ng Commission on Elections (COMELEC) na naging maayos ang unang araw ng pagpapatuloy ng voters registration sa bansa. “I just came from Valenzuela City and the registration processes there are very smooth. In fact, we already have a success story. One of our kababayan is going abroad, her flight is at 2 p.m. She was able to register in less than 10 minutes,” pahayag ni Comelec spokesperson Rex Laudiangco Ayon pa dito, nakatutulong sa mabilis na proseso ng voters registration ang pagbabawas ng mga kopya ng application form na isusumite mula…
Read MorePABRIKA NG STRAW NASUNOG, 8 SUGATAN
WALO katao ang sugatan sa nasunog na pagawaan ng straw sa Caloocan City noong Sabado ng umaga, Disyembre 10, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP). Dagdag ng BFP, ang mga sugatan ay mga manggagawa ng Sunshine Wealth sa Tandang Sora St., Brgy. 136, Bagong Barrio, Caloocan City. Inaalam pa ang kanilang mga pangalan. Ayon sa nakalap na impormasyon, nag-ugat ang sunog sa isang kuwartong tinutuluyan ng mga trabahador, kung saan isang charger ang iniwang nakasaksak sa outlet ng kuryente. Nagsimula ang sunog dakong 9:00 ng umaga at idineklarang under-control dakong 10:18…
Read MoreMODERNIZATION PROGRAM NG CUSTOMS SUSURIIN
SISIMULAN ni Senador Sherwin Gatchalian ang pagbusisi sa ipinatutupad na modernization program ng Bureau of Customs (BOC) sa gitna na rin ng sinasabing pagdagsa ng smuggled products ngayong Kapaskuhan. Ito ay sa pamamagitan ng ocular inspection at walk-through sa modernization program ng ahensya sa Port Area, Manila kasama ang mga opisyal at miyembro ng Senate Tax Study and Research Office (STSRO). “Napansin natin na patuloy pa rin ang pagpasok ng mga smuggled goods at kailangang matugunan ang problemang ito lalo na ngayong magpapasko at dagsa ang mga mamimili,” giit ni…
Read MoreMWP SA MURDER TIMBOG SA BAHAY
NAGWAKAS ang halos 20-taong pagtatago ng isang kabilang sa most wanted persons ng Navotas City nang ingusong kampanteng tumatambay sa kanilang bahay. Swak sa hoyo ang suspek na si Noli Villanueva, 49, ng Brgy. San Roque, ng lungsod. Napag-alaman, may nagnguso sa Navotas Police na muling namataan si Villanueva sa kanilang bahay. Bunsod nito, agad sinalakay ng mga parak dakong alas-3:15 ng gabi ang bahay ng suspek noong Huwebes na nagresulta sa pagkakaaresto kay Villanueva. Sinakote ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Benjamin T.…
Read MoreMAGDYOWA TIKLO SA BOGA, DROGA
ARESTADO ang isang mangingisda at ang kanyang dyowa nang makumpiskahan ng baril at P100,000 halaga ng umano’y shabu sa Navotas City. Ibinalibag sa magkahiwalay na selda sina Jefferson Legaspi, alyas “Jeff,” 39, mangingisda, at Belinda Acuña alyas “Bebe,” 30, kapwa ng Brgy. Tangos North. Dakong alas-11:30 ng gabi noong Huwebes nang isagawa ang operasyon sa Judge Roldan St., Brgy. San Roque matapos makatanggap ng tip hinggil sa pagbebenta ng umano’y shabu ni Legaspi. Nang tanggapin ni Legaspi ang P500 marked money mula sa undercover cop kapalit ng shabu ay dinampot…
Read More2 alalay nadamay 2 BIR EMPLOYEES TIMBOG SA KOTONG
NALAMBAT sa entrapment operation ang dalawang empleyado ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at kanilang dalawang kasabwat dahil sa umano’y pangongotong sa isang negosyante sa Caloocan City. Dinakip ang mga suspek na sina April Claudine Dela Cruz, 30, Data Controller II, Assessment Division, BIR District 5, Caloocan; Joyet Alvero, 55, Admin Assistant Officer, BIR District 5; Jennifer Roldan, 49, freelance liaison officer, at Ariel Roble, 46, freelance bookkeeper. Kinasuhan ng robbery extortion at paglabag sa Section 17 ng RA 6713 o Code of Ethical Standards for Public Officials and Employees…
Read MoreP9.12-M MARIJUANA NASAMSAM SA 3 HVIs
KALABOSO ang tatlong suspek na nakatala bilang regional high value individuals makaraang makumpiskahan ng P9.12 milyon halaga ng marijuana sa Pasig City. Ayon sa ulat ni P/Col. Wilson Asueta, District Director ng Eastern Police District, kay NCRPO Regional Director P/BGen. Jonnel Estomo, kinilala ang mga nadakip na sina Bjoryaniel Cruz y Labis l, 21; Kent Louie Cruz Cordano, 38, at Lexi Cruz Labis, 40-anyos. Ayon sa ulat, dakong alas-6:30 ng umaga noong Disyembre 1, nang madakip sa joint operation ng mga operatiba ang tatlong suspek sa #24 Blumentritt St., Brgy.…
Read More