BUMBAY INAMBUSH SA NAVOTAS

SUGATAN ang isang Indian national makaraang dalawang beses na barilin ng hindi kilalang suspek na sakay ng motorsiklo sa Navotas City. Nakaratay sa Tondo Medical Center sanhi ng tama ng bala sa katawan si Kumar Sandeer, 35, ng Gen. T. De Leon, Valenzuela City, habang blangko pa ang pulisya kung sino ang suspek sa krimen. Ayon sa saksing si John Andrei Arag, 35, pedicab driver, ipinipedal niya ang kanyang pedicab habang nasa unahan ang dalawang motorsiklo sa stop light sa Lapu-Lapu corner Dalagang Bukid, Navotas City, dakong 9:50 ng umaga noong Disyembre,…

Read More

P20-M AGRICULTURAL PRODUCTS NASABAT

NASABAT ng Bureau of Customs ang tinatayang P20.2 milyong halaga ng smuggled na agricultural products sa Port of Subic, katuwang ang Department of Agriculture. Ayon kay Port of Subic District Collector Maritess Martin, naglabas ng Alert Orders noong Disyembre 1 laban sa mga shipment ng Veneta Consumer Goods Trading at Lalavy Aggregates Trading, mula sa China. Isinailalim sa physical examination ang mga container van noong Disyembre 6, sa presensya ng mga opisyal ng BOC at kinatawan ng DA sa pangunguna ni Asst. Secretary James Layug, Subic Bay Metropolitan Authority, Philippine Drug Enforcement…

Read More

DALAGITA PATAY SA TRIP NG KATROPA

BANGKAY na nang maiahon ang isang 12-anyos na dalagita makaraan umanong pabirong itinulak ng kaibigan sa Ilog Pasig sa Sta. Ana Ferry Station sa Maynila. Kinilala ang suspek na si alyas “Ghie” umano’y nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development ng Makati City. Base sa ulat ni Det. Sir Christian Joseph Pineda na isinumite kay Police Lieutenant Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang alas-3:00 ng hapon nang i-report noong Miyerkoles ng Philippine Coast Guard Sub-station ang pagkakadiskubre sa bangkay ng isang menor de…

Read More

MMDA CONSTABLE TIKLO SA EXTORTION

INIULAT ni Quezon City Police District (QCPD) Director Police Brigadier General Nicolas Torre III ang pagkakaaresto sa isang Metro Manila Development Authority (MMDA) traffic constable dahil sa kasong robbery extortion, sa operasyon ng pinagsamang mga tauhan ng Holy Spirit Police Station (PS-14) at MMDA kahapon ng umaga sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City. Kinilala ni P/Lt. Col. Alex Alberto, station commander ng PS-14, ang nadakip na MMDA traffic constable na si Raul Lapore y Biasong, 53-anyos, residente ng Brgy. Batasan Hills, Quezon City. Si Lapore ay nakatalaga sa MMDA sa…

Read More

Patungong United Kingdom PUPUSLIT NA 4 ARABO NAHARANG SA NAIA

NAPIGILAN ng Immigration officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tangka ng isang human trafficking syndicate na maipuslit ang isang pamilyang Arabo na may apat na miyembro, patungo sa United Kingdom. Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco, ang apat na pasahero ay kinabibilangan ng isang nanay, at kanyang tatlong mga anak na naharang sa NAIA Terminal 3 noong Nobyembre 23 matapos na magtangkang sumakay sa isang Cathay Pacific flight patungong Hong Kong at papunta sa kanilang pinal na destinasyon sa UK. Sinabi pa ni Tansingco, ang mga…

Read More

PDEA SDO CHIEF, 6 PA TIMBOG SA DRUG BUST

ARESTADO ang isang opisyal, limang agent ng Philippine Drug Enforcement Agency – Southern District Office at kanilang driver sa ikinasang drug bust operation ng pinagsanib na pwersa ng NCRPO Regional Drug Enforcement Unit, RSOG, PDEG SOU NCR, Southern Police District DEU at Taguig City Police Station DEU. Nabatid mula sa tanggapan ni Southern Police District chief, Police Brigadier General Kirby Kraft, dakong alas nuwebe ng gabi noong Martes nang masakote sa mismong opisina nila sa PDEA SDO Office sa A. Bonifacio St., Brgy. Upper Bicutan Taguig City, si Enrique Lucero y Guma,…

Read More

BIYAHE NG PNR NAANTALA SA LINDOL

PANSAMANTALANG natigil ang biyahe ng Philippine National Railways (PNR) matapos maramdaman ang pagyanig sa ilang bahagi ng bansa, Miyerkoles ng hapon. Ayon sa Department of Transportation (DOTr), bukod sa biyahe, natigil din ang transaksyon sa mga opisina matapos magkanya-kanyang labas ang mga empleyado nang maramdaman ang lindol. Payo ng DOTr, abangan ang kanilang anunsyo sa official Facebook page para sa karagdagang updates sa mga biyahe ng tren. Bukod sa mga opisina, natigil din ang klase sa ilang eskwelahan habang ang Arellano University sa Legarda, Manila ay nagsuspinde ng klase. Tumama…

Read More

5.0 MAGNITUDE LINDOL SA CAMNORTE RAMDAM SA NCR

NARAMDAMAN hanggang sa ilang parte ng Kamaynilaan ang pagyanig ng magnitude 5.3 na lindol sa Tinaga Island, Camarines Norte kahapon. Natigil ang mga aktibidad sa gusali ng Senado sa Pasay City kabilang ang pagdinig ng Commission on Appointments nang maramdaman ang lindol bandang ala-una ng hapon. Agad naglabasan ang mga kawani at mambabatas at nagsibalik lamang sa kani-kanilang tanggapan nang humupa ang pagyanig. Batay sa bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang lindol dakong ala-1:05 ng hapon na may  lalim na isang kilometro. Naitala ang episentro…

Read More

34 MISSING SABUNGERO ‘DI TIYAK NA BUHAY PA

AMINADO ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na wala pa rin silang nakukuhang proof of life sa 34 nawawalang sabungero sa gitna ng puspusang imbestigasyong isinasagawa ng PNP- Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa kaso. Ayon kay PNP Gen. Rodolfo Azurin Jr., hindi pa rin nila makumpirma sa ngayon kung nasaan ang mga sabungero kaya walang patunay na buhay pa ang mga ito. Sinabi pa ng PNP Chief na inaasahan na ng kanilang hanay ang “pinakamasamang” nangyari sa mga sabungero kasabay ng pagtiyak na hahabulin ng PNP ang…

Read More