NAGTATAKA si Senate Blue Ribbon Committee chairman Panfilo Lacson kung bakit determinado sina Senador Imee Marcos at Senador Rodante Marcoleta na na guluhin ang pagdinig kaugnay sa iregularidad sa flood control projects. Sinabi ni Lacson na kwestyonable sa kanya kung ano ang end game ng dalawang senador kaya’t patuloy sa paggambala sa kanilang imbestigasyon. Tinuligsa rin ni Lacson ang anya’y walang basehang mga kritisismo ni Marcos laban sa Blue Ribbon Committee, kahit hindi naman ito dumalo sa alinman sa mga pagdinig na kanyang pinamunuan. Pinabulaanan niya ang pahayag ni Marcos…
Read MoreCategory: METRO
DOJ PINABULAANANG UMATRAS NA ‘BGC BOYS’ SA FLOOD MESS CASE
PINABULAANAN ng Department of Justice (DOJ) na may natanggap itong affidavit mula kay First District Engineer Henry Alcantara na umano’y binabawi nito ang naunang salaysay kaugnay ng isyu ng kickback sa flood control projects. Ito ay kasunod ng mga ulat na naghain umano si Alcantara ng kontra-salaysay kung saan itinanggi niya ang pagtanggap ng kickback at ang pagkakadawit sa maanomalyang proyekto. Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, wala pa silang natatanggap o nare-review na anomang affidavit mula sa dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Iginiit…
Read MoreKAPALARAN NG ICI NAKABITIN
WALA pang update ang Malakanyang hinggil sa napaulat na planong pagbuwag sa Independent Commission for Infrastructure (ICI). Hinamon ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang mga nagpapakalat ng balita na malapit nang lusawin ang ICI na maglabas ng malinaw at matibay na ebidensya. “Sa amin po, wala pang update kung idi-dissolve ang ICI. Patuloy ang kanilang imbestigasyon at tuloy-tuloy ang kanilang trabaho,” ani Castro. Dagdag pa niya, kung may nagsasabi umanong gigibain na ang ICI, nararapat lamang na patunayan ito sa publiko. “Kung sino…
Read MoreGOV’T PROJECTS GAWING RANDOM ON-GROUND INSPECTION – ERWIN TULFO
MANILA, Philippines — Upang matiyak na hindi masasayang ang pera ng taumbayan, kailangang random na suriin sa mismong lugar ang mga proyekto ng gobyerno. Itinulak ni Senador Erwin T. Tulfo ang inisyatibong ito habang sinusuportahan ang pagbuo ng Joint Congressional Oversight Committee upang subaybayan ang pagpapatupad ng mga programa at proyekto na pinondohan sa ilalim ng 2026 General Appropriations Act (GAA). “Kung ako ang tatanungin, hindi lang ako magre-rely dun sa report ng secretary, ng mga director. Kailangan siguro talagang may tao tayo on the ground na na magsagawa ng…
Read MoreDISIPLINA SA MILITAR SANDIGAN NG REPUBLIKA – GOITIA
BINIGYANG-DIIN ni Dr. Jose Antonio Goitia, chairman Emeritus ng Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), na ang disiplina ang nagsisilbing sandigan ng bansa kasunod ng kontrobersyal na pagbawi ng suporta ng isang aktibong opisyal ng militar sa administrasyong Marcos. Ayon kay Goitia, ang ginawang hakbang ni Col. Audie A. Mongao, na nagpahayag ng pagbawi ng personal na suporta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Enero 9, ay hindi simpleng usapin ng malayang pagpapahayag kundi isang paglabag sa tungkulin at pananagutan ng isang naka-unipormeng lingkod-bayan. “Sa isang demokrasya, karapatan…
Read MoreSAKSI NGAYON PHOTOJOURNALIST, PUMANAW HABANG NAGKOKOBER NG TRASLACION
PUMANAW ang SAKSI Ngayon photojournalist na si Itoh Son matapos makaranas ng paninikip ng dibdib habang nagkokober ng Traslacion bandang alas-3 ng madaling araw nitong Enero 9. Ayon sa MDRRMO, isinugod si Son sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, kung saan na-revive pa siya ngunit kalaunan ay binawian din ng buhay, ayon sa kumpirmasyon ng pamilya. Binigyang-pugay ng pamunuan ng SAKSI Ngayon ang kanyang dedikasyon, tapang at propesyonalismo sa hanapbuhay. Samantala, base sa tala ng Philippine Red Cross, umabot sa 298 katao ang nabigyan ng medikal na tulong sa…
Read MoreDEPED NIREREPASO CLASSROOM OBSERVATION POLICY MATAPOS MASAWI ANG GURO
NIREREPASO na ng Department of Education (DepEd) ang classroom observation policy nito kasunod ng pagkamatay ng isang public school teacher habang isinasagawa ang class observation, sa gitna ng matagal nang reklamo ng mga guro ukol sa labis na pressure sa evaluation process. Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, nilinaw niyang hindi na sole basis ang classroom observation sa teacher performance evaluation. “Actually under review ‘yun kasi ‘yun yung reklamo ng mga teachers na minsan masyadong pressure yung environment,” pahayag ni Angara sa isang ambush interview sa San Francisco High School…
Read More₱143-M LUXURY CARS NA KONEKTADO KAY ZALDY CO, SINAMSAM NG BOC
WALONG mamahaling sasakyan na tinatayang nagkakahalaga ng ₱143 milyon ang kinumpiska ng Bureau of Customs (BOC) at iniuugnay umano kay dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co. Isinilbi ang warrant of seizure sa mga sasakyang nakaparada sa isang multi-level parking facility sa BGC, Taguig City, kasunod ng intelligence report ng Independent Commission for Infrastructure (ICI). Pinaghihinalaang iligal na na-import ang mga sasakyan at konektado sa mga alegasyon ng maanomalyang flood control projects. Siyam ang sakop ng warrant ngunit walo lamang ang kumpirmadong nasamsam. Pinangunahan ang operasyon ng BOC katuwang ang…
Read More₱104-M SUPERLOTTO, ₱10-M LOTTO JACKPOT NATUMBOK!
INSTANT milyonaryo ang tatlong masuwerteng mananaya ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) matapos matumbok ang dalawang major jackpot. Ayon kay PCSO Vice Chairman at General Manager Melquiades “Mel” Robles, dalawang mananaya ang maghahati sa ₱104,548,763.10 jackpot ng SuperLotto 6/49 na may winning combination na 09-11-12-24-26-30. Nabili ang mga tiket sa Caloocan City at Los Baños, Laguna. Samantala, nasolo ng isang mananaya ang ₱10,042,884.60 jackpot ng Lotto 6/42 na may kombinasyong 00-11-13-17-29-32, na binili sa Project 7, Quezon City. Binobola ang SuperLotto 6/49 tuwing Martes, Huwebes at Linggo, habang ang Lotto…
Read More