IGINIIT ni Senador Raffy Tulfo sa gobyerno na sampahan ng kasong kriminal ang Gulf Synergy Employment Inc. at mga empleyado nito na responsable sa pagkamatay ng Filipino domestic helper na si Jovelyn Tang Andres. Ayon kay Tulfo, Chairperson ng Senate Committee on Migrant Workers, pumalpak ang Gulf Synergy sa tungkulin nitong subaybayan at tiyakin ang kaligtasan ni Andres, na nakaranas ng pang-aabuso sa Saudi Arabia bago namatay. “Mayroong nabuwis na buhay dahil sa Gulf Synergy Employment, Inc. Hindi lang suspensyon, kailangan masampahan din ng kasong kriminal ang mga taong naging…
Read MoreCategory: METRO
LOLA KRITIKAL SA BUNDOL
INOOBSERBAHAN sa Philippine General Hospital ang kalagayan ng isang 67-anyos na lola makaraang mabundol ng isang pick-up vehicle sa panulukan ng MH Del Pilar St. at Pedro Gil St. sa Ermita, Manila noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang biktimang si alyas “Lola Dulce”, liaison officer at residente ng Western Bicutan, Taguig City. Samantala, nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in physical injuries ang suspek na si Mark Jay Nidoy, 40, company driver, ng Pagdaraoan, San Fernando, La Union, nasa kustodiya na ng Manila District Enforcement Unit. Batay sa ulat na…
Read MoreNangmolestiya ng nene ENFORCER ARESTADO HABANG NAGMAMANDO NG TRAPIKO
INARESTO sa bisa ng warrant of arrest ang isang traffic enforcer na umano’y nangmolestiya ng isang nene, habang nagmamando ng trapiko noong Huwebes ng hapon sa Navotas City. Kinilala ang arestado na si Jaidelito Robles, 45, residente ng Kapalaran 1, Brgy. San Roque, ng lungsod. Dinamba si Robles ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) at Sub-Station 3 ng Navotas Police sa joint manhunt operation dakong alas-2:15 ng hapon sa kanto ng M. Naval at P. Gabriel Streets, Brgy. Sipac-Almacen, Navotas City. HInuli ang suspek sa bisa ng warrant of…
Read MoreKapag bumigay ang Bustom Dam DELUBYO SA BULACAN PINANGANGAMBAHAN
LIBU-LIBO katao ang pinangangambahang magbuwis ng buhay, habang 80 barangay at mahigit sa 15 ektaryang sakahan ang mapipinsala at malulubog sa baha sa Bulacan sa oras na tuluyang bumigay ang depektibong rubber gates ng Angat Afterbay Regulation Dam o Bustos Dam. Kaugnay nito, nagbigay ng ultimatum si Governor Daniel Fernando ng 10-araw sa mga kontratista ng nasirang rubber bladder ng Bustos Dam upang aksyunan ang kanyang demand letter at kung hindi ay sasampahan niya ang mga ito ng kasong sibil at kriminal. “We must act now. We demand the immediate removal and replacement of all six gates under…
Read More‘SAFE’ SA DIVISORIA
SA gitna ng inaasahang pagdagsa ng mga mamimili sa Divisoria ngayong ‘ber’ months, nagtayo ng bagong outpost ang pulisya sa gitna ng island sa Claro M. Recto Avenue at Juan Luna Street, Tondo, Manila. Layunin nitong masiguro ang kaligtasan ng mga mamimili at maging ng mga vendor sa Divisoria na dinarayo dahil sa mga murang bilihin dito. Itinayo ang outpost sa inisyatibo ni Police Lieutenant Colonel Harry Ruiz Lorenzo lll na ang magsisilbing hepe ng Delpan Mobile Post ay si Police Senior Master Sergeant Gerardo Tubera. Alas-8 ng umaga nitong…
Read MoreDATING AKTOR HULI SA DROGA
INARESTO sa bisa ng warrant of arrest ang 36-anyos na dating talent ng ABS-CBN dahil sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga. Sa ulat kay Manila Police Director, Brigadier General Andre Perez Dizon, alas-2 ng hapon nang madakip sa San Andres St., Malate ang suspek na si Christiand Orleind Calderon, may screen name na Chris Bugoy at nakilala sa TV series na Be Careful With my Heart ng Kapamilya Channel. Nabatid na nang mawalan ng raket sa showbiz ay luminya sa online selling ang dating aktor na residente ng…
Read More3 SUGATAN SA PAMAMARIL SA MALABON
SUGATAN ang tatlong magkakabarkada matapos pagbabarilin ng dalawang lalaking matagal na umano nilang kaalitan sa Malabon City noong Miyerkoles ng gabi. Kaagad na isinugod sa pagamutan ang mga biktimang sina Alfredo Garing, 58; Diosdado Lorenzo, 58, at Dennis Llenado, 32-anyos. Ayon kay Malabon Police chief, P/Col. Albert Barot, pinapanood ni Garing ang paglalaro ng chess ng mga kaibigan sa Blk. 4, Kadima dakong alas-11:30 ng gabi nang biglang dumating ang mga suspek na sina Alfredo Cruz, 37, at Marlon Garganta, 38, at pinagbabaril ang mga biktima. Sa kabila ng mga…
Read More2 MOST WANTED TIMBOG SA MPD
ARESTADO ang dalawang most wanted person sa isinagawang Simultaneous Anti-Crime Law Enforcement Operation (SACLEO) ng Manila Police District, sa direktiba ni MPD Director, Police Brigadier General Andre Perez Dizon, sa Tondo at Malate, Manila. Unang iniulat ang pag-aresto kay alyas “Michael”, 40, top 7 most wanted person, traffic enforcer, sa Wagas St., Tondo dahil sa kasong carnapping. Ayon kay Police Lieutenant Colonel Paul Jady Doles, commander ng Sampaloc Police, bandang alas-5:00 ng hapon noong Miyerkoles nang arestuhin ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge…
Read More9 KULONG SA P.4-M NAKAW NA KABLE
MAGKAKASUNOD na ibinalibag sa selda ang siyam na lalaking nabulagang nagnanakaw ng halos P.4 milyong halaga ng kable ng telepono sa Valenzuela City. Kinasuhan ng theft sina Teddy Arevalo, 28; John Mike Pelayo, 25; Joven Aballa, 30; Rogelio Madriaga III, 23; Jeferson Abayon, 25; Edwin Dela Trinidad, 35; Noel Apan Jr., 28; pawang ng Quezon City; Jeffrey Palco, 22, ng Laguna, at Rolando Dela Cruz, 43, ng Batangas. Lagpas alas-2:00 ng madaling araw noong Setyembre 28 nang maispatan sa McArthur Highway, Barangay Karuhatan, ng lungsod ng nagpapatrolyang mga pulis ang…
Read More