SA hangaring tiyakin ang mabilis at maayos na prosesong kalakip ng inaasahang pagdagsa ng mga turista kaugnay ng nalalapit na kapaskuhan, hindi bababa sa 150 personnel ang itatalaga ng Bureau of Immigration (BI) sa mga pangunahing paliparan kabilang ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa lungsod ng Pasay. Sa kalatas ng kawanihan, inihayag ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang paspasang pagrerebisa ng mga aplikasyon para sa 150 posisyon bilang immigration officer para sa pagsusuri at pagproseso ng mga dokumento ng mga byahero. Bukod sa mga immigration officers, nagbukas rin aniya…
Read MoreCategory: METRO
TROSOHAN, MINAHAN SA SIERRA MADRE TATALUPAN NG KONGRESO
TARGET ng Kamara de Representante ng isang malalimang imbestigasyon kaugnay ng mga napaulat na malawakang operasyon ng mga ilegal na pagtotroso at walang habas na pagmimina sa kabundukan ng Sierra Madre. Sa House Resolution 430 na inihain mismo ni House committee chairman at Cavite Rep. Elpidio Barzaga, hihimayin ang mga alegasyon kaugnay ng di umano’y patuloy na pagwasak sa 2.8-milyong ektarya ng kabundukang panangga sa malakas na hampas ng hangin at pumipigil sa pagragasa ng tubig patungo sa kapatagan. “There is an urgent need to determine whether human activity such…
Read MorePASAHERO SA NAIA TIMBOG SA BARIL, COCAINE
DINAMPOT ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group (AVSEGROUP) ang dalawang pasahero matapos mahulihan ng .38 at .22 kalibre ng baril habang pasakay sa kanilang flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 4 papuntang Cagayan De Oro at Bacolod. Ayon sa report, bukod sa mga baril, nakuha rin sa mga ito ang 50 pirasong live ammunition na itinago sa loob ng underwear upang makalusot sa mga awtoridad. Nadiskubre ang mga baril pagdaan sa X-ray baggage security screening officer ng Office of the Transportation Security sa NAIA…
Read MoreBA.5 OMICRON CASES, MAHIGIT 1K NA
UMABOT na sa 1,200 na bagong BA.5 Omicron subvariant cases ang natukoy sa bansa batay sa pinakahuling sequencing results mula Setyembre 24 hanggang 26. Ayon sa Department of Health (DOH) sa press briefing, 1,199 na kaso ang lokal at ang isa ay mula sa isang Pinoy na bumalik mula sa ibang bansa. Ayon kay DOH OIC Maria Rosario Vergeire, nasa 41% ang BA.5 Omicron subvariants ang natukoy sa bansa. Samantala, hindi bababa sa 33 BA.4 Omicron subvariant ang nakita rin, sa bilang na ito, 31 ang nagmula sa Soccsksargen at dalawa mula sa…
Read MoreLingig, Surigao Del Sur mayor at team, namangha ‘BEST PRACTICES’ NG LAS PIÑAS LGU HINANGAAN
NAGPAABOT ng taos-pusong pasasalamat ang Las Piñas City Government kay Lingig, Surigao del Sur Mayor Elmer Evangelio at mga miyembro ng kanyang administrasyon dahil sa pagpili sa lungsod bilang halimbawa at pag-adopt sa pinakamagagandang gawaing ipinatutupad para sa isang progresibong siyudad. Kasama ni Mayor Evangelio ang kanyang department heads sa pagbisita sa Las Piñas na labis na namangha sa mainit na pagtanggap at mabuting pakikitungo sa kanila ni City Mayor Imelda Aguilar at Vice-Mayor April Aguilar. Sa isinagawang ‘benchmarking’ o pamantayan ng pagsusukat at paghahambing sa The Excelsior Hotel nitong…
Read MoreAPPOINTMENT NG KALIHIM NG DAR, DENR AT DOT LUSOT NA SA CA
LUSOT na sa Commission on Appointments ang ad interim appointments ng mga kalihim ng tatlong ahensya ng gobyerno. Sa katauhan ito nina Department of Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III, Department of Environment and Natural Resources Secretary Ma. Antonia Yulo Loyzaga at Department of Tourism Secretary Cristina Garcia Frasco. Kabilang sa mga natanong kay Estella ang posisyon nito sa isyu ng conversion ng mga lupa sa commercial use. Ayon sa kalihim, wala siyang pagtutol dito pero nilinaw na ang utos sa kanya ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos ay tiyaking hindi…
Read MoreMANILEÑO WAGI SA TUGON NG MPD KONTRA BAGYO
SA kabila ng pinakamataas na antas ng babalang kalakip sa pagpasok ng bagyong Karding sa National Capital Region (NCR), hindi naman gaanong naging sakit ng ulo sa hanay ng mga residente ng lungsod ng Maynila ang tagpo sa mga lansangan. Sa kalatas ni Manila Police District (MPD) public information chief Major Philip Ines, tinokahan ni MPD Director Brig. Gen. Andre Dizon ang mga hepe ng 14 na presinto para tiyakin ang kaligtasan ng mamamayan, seguridad sa mga lansangan, mabilis na paglikas ng mga pamilyang nasa peligro at kaayusan sa mga…
Read MoreLINGGUHANG PAGTAAS NG COVID-19, DUMOBLE SA NCR
TULOY-TULOY ang pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) makaraang makapagtala ng 1,600 bagong impeksyon noong Linggo, Setyembre 25, ayon sa OCTA Research Group. Ang naturang numero ay mas mataas sa peak na 1,502 kaso noong Agosto 7, saad pa ni OCTA fellow Dr. Guido David. Tumaas din ang ‘one-week growth rate’ sa Metro Manila sa 25% noong Setyembre 25 na halos doble ng 13% noong Setyembre 18. Maging ang ‘reproduction number’ ay tumaas din sa 1.30 nitong Setyembre 22 mula sa 1.21 noong Setyembre…
Read MorePNP KINALAMPAG SA TALAMAK NA PERYAHAN NG BAYAN
KINALAMPAG ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., na ipatigil ang operasyon ng Peryahan ng Bayan o PnB at arestuhin ang mga sangkot sa naturang ilegal na aktibidad. Sa liham ni PCSO General Manager Mel Robles sa PNP na may petsang 29 August 2022, hiniling niyang sugpuin ang operasyon ng PnB numbers game na kumakalat umano sa buong bansa bagaman malaon na itong pinatigil ng PCSO, alinsunod sa Board Resolution No. 51, Series of 2016. Napag-alaman na ang Peryahan ng…
Read More