NAKATAKDANG i-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang kabuuang 372 foreign nationals sa magkakaibang batches. Ayon kay Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, inaayos na ng BI ang pagpapa-deport sa 331 Chinese nationals at 41 iba pang nationals na nahuli sa magkakahiwalay na operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) sa Pasig City at Angeles City noong Setyembre. Idinagdag pa niya na 43 ng kabuuang nahuli ay itinurn-over sa BI, habang ang iba pang natitira ay nasa kustodiya ng mga umaresto sa kanila. Ibinahagi rin niya…
Read MoreCategory: METRO
DRUG TEST BAGO RAKET SA MGA ARTISTA
ITINUTULAK ng chairman ng House committee on dangerous drugs na isailalim sa mandatory drug test ang mga aktor, aktres at iba pang celebrities bago sila bigyan raket. Ginawa ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang mungkahi matapos mahuli ang aktor na si Dominic Roco at 4 kasama nito sa buy-bust operation ng Quezon City Police District (QCPD) noong Sabado ng madaling araw. Si Roco na anak ng multi-awarded actor na si Bembol Roco ay nakumpiskahan umano ng P112,000 halaga ng shabu, P14,000 halaga ng marijuana, weighing scale, at…
Read MoreWANTED SA RAPE SA CEBU NATUNTON SA RIZAL
SWAK sa selda ang isang lalaki makaraang madakip ng mga operatiba ng Special Mayor’s Reaction Team ng District Investigation Division ng Manila Police District, dahil sa tatlong kaso ng sexual assault, nang matunton sa pinagtataguan nito sa Taytay, Rizal noong Sabado ng umaga. Kinilala ang suspek na si alyas “John”, nasa hustong gulang at top 2 most wanted person sa Cebu City. Ayon sa ulat ni P/Lieutenant Colonel Rosalino Ibay Jr., bandang alas-7:00 ng umaga nang matunton ang suspek sa Tikling Road, Taytay, Rizal. Inaresto ng mga awtoridad ang suspek sa…
Read MoreCARNAPPER NA RAPIST NABITAG NG NPD
NAGWAKAS sa karsel ang halos tatlong taong pagtatago ng isang suspek sa rape sa lalawigan ng Leyte at kasapi umano ng isang carnapping group, matapos masakote ng mga operatiba ng Northern Police District. Arestado ang suspek na si Alberto Panisan y Abrahan, 47, istambay, huling nanirahan sa Brgy. Valencia, Quezon City. Si Panisan ay sinasabing miyembro ng Limos carnapping syndicate na nag-o-operate sa Metro Manila, at ikaanim sa most wanted persons ng Police Regional Office 8. Ang suspek ay may warrant of arrest para sa kasong rape na inisyu ni Presiding…
Read More8 SWAK SA SELDA SA ONLINE SABONG
WALONG indibidwal ang isinadlak sa selda ng District Special Operation Unit ng Manila Police District, makaraang madiskubre ang ilegal na online sabong sa loob mismo ng Asuncion Public Market sa Tondo, Manila noong Sabado ng gabi. Pawang nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 (illegal gambling) na inamiyendahan sa Republic Act 9287. Base sa ulat ni Police Major Rommel Purisima, hepe ng DSOU ng MPD, bandang alas-11:00 ng gabi nang salakayin nila ang loob ng palengke sa panulukan ng Asuncion at Zaragoza Streets sa Barangay 1, Zone 1…
Read MorePulis pala ang binentahan GUNRUNNER SA CALOOCAN ARESTADO
IBINALIBAG sa selda ang isang hinihinalang gun runner makaraang bentahan ng baril ang isang undercover cop sa Caloocan City noong Biyernes ng gabi. Kinilala ang suspek na si Nico Bonabon, 30, ng Brgy. Minuyan, Norzagaray, Bulacan, dinakip dakong alas-6:30 ng gabi sa buy-bust operation sa C3 Road, Brgy. 21, Caloocan City. Nakuha sa suspek ang P500 marked money na ginamit ng poseur buyer sa pagbili ng isang cal. 22 revolver na may anim na bala. Ayon sa pulisya, katutukoy pa lamang nila sa pangkat ni Bonabon at sa mga ilegal…
Read More2K RESIDENTE NAKINABANG SA CASH-FOR-WORK SA NAVOTAS
UMABOT sa 2,000 Navoteños ang nakinabang sa cash-for-work program na magkatuwang na ipinatutupad ng pamahalaang lungsod at Department of Social Welfare and Development. Nabigyan ang mga benepisyaryo ng P5,370 para sa 10 araw na pagtatrabaho mula Setyembre 12 hanggang 21, 2022, na inatasang sa iba’t ibang tungkulin gaya ng barangay cleanup, urban gardening, canal declogging, at coastal cleanup. “Many Navoteños still suffer from the economic impact of the pandemic, with some losing their livelihood due to rightsizing or business closure,” ani Mayor John Rey Tiangco. “Despite the decreasing number of COVID cases,…
Read MoreTRAFFIC ENFORCER TIMBOG SA RAPE
ISA na namang traffic enforcer ang nadakip ng mga awtoridad dahil sa kasong panggagahasa sa Malabon City noong Huwebes ng hapon. Dinakip sa kanyang bahay ang suspek na si Arvin Fuentes y Artisano, 31, ng Brgy. Tugatog ng nasabing lungsod, dakong ala-1:45 ng hapon noong Setyembre 29. Armado ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Anna Michella Cruz Atanacio-Veluz, ng Regional Trial Court Branch 189, Malabon City, noong Setyembre 28, 2021, sinalakay ng mga pulis ang bahay ng suspek. Hindi na nakaporma si Fuentes nang bumulaga sa kanyang…
Read MoreTENT KALOOB NG NGO SA MANILA PCPs
NAGBIGAY ng anim na tent ang grupong Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII) sa mga Police Community Precinct na sakop ng Manila Police District – Sta. Cruz Police Station, Biyernes ng umaga. Pinangunahan ni Nelson Guevarra, CEO ng PG Flex, ang turnover ceremony ng anim na tent kay Police Lieutenant Colonel Ramon Czar Solas, kaharap ang mga Police Community Precinct Commander na kinabibilangan nina Police Lieutenant Ferdinand Cayabyab ng Blumentritt PCP, Police Major Arnold Echalar ng Alvarez PCP at Police Captain Rowel Robles ng Plaza…
Read More