NAGTALA ng isang nasawi at isa ang nasugatan sa pananalasa ng bagyong Karding sa lalawigan ng Quezon. Batay sa report mula sa Quezon PNP, nasawi ang 70-anyos na si Eli Alberto matapos matabunan sa landslide sa Sityo Subok, Barangay Aluyon, bayan ng Burdeos, dakong alas-7:30 ng gabi. Narekober ng mga tauhan ng Burdeos PNP katulong ang mga barangay official ang katawan ng biktima nitong Lunes ng umaga. Samantala, sugatan ang barangay kagawad na si Jonathan Santoalla matapos na mahulog mula sa bubong ng kanyang bahay sa Barangay Bañadero sa bayan…
Read MoreCategory: METRO
P15K PRODUCTION SUBSIDY PINAHAHABOL SA DA BUDGET
NAIS ng dalawang militanteng mambabatas sa Kamara na ihabol sa budget ng Department of Agriculture (DA) ang P15,000 production subsidy sa mga magsasaka lalo na ang mga sinalanta ng bagyong Karding. Ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, tinataya ng DA na 1.7 milyong ektarya ng pananim na ang nasalanta ng bagyong Karding noong Linggo kung saan 1.5 milyon dito ay palayan. “Dapat hanapan ng pondo ang signipikanteng production subsidy sa ating mga magsasaka. Malaki ang nalugi sa kanila sa Rice Tariffication Law at mahal na presyo ng langis, at…
Read MoreSIKLISTA SA MAYNILA SINURO NG SUV
HALOS hindi makagalaw ang isang 23-anyos na binata makaraang tumilapon sa kalsada nang masagi ng isang sports utility vehicle (SUV) sa eastbound lane ng Ramon Magsaysay Boulevard sa panulukan ng V. Mapa Street sa Sta. Mesa, Manila. Isinugod sa Our Lady of Lourdes Hospital ang biktimang si Diosdado Tagalog y Delatado, residente ng Sampaloc, Manila. Habang isinasailalim naman sa imbestigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) ang driver ng kotseng Lexus na may plakang NCO-1380, na si Gerwin Bryan Go y Ang, residente ng San Juan City. Base sa ulat…
Read More3 SUGATAN SA BANGGAAN NG TREN AT CRANE
TATLO ang sugatan, kabilang ang isang pasaherong matandang babae, makaraang magbanggaan ang PNR train, at ang isang crawler crane sa northbound lane ng Antipolo railroad track malapit sa G. Tuazon Street, Sampaloc, Manila nitong Lunes ng umaga. Isinugod sa Chinese General Hospital ang mga biktimang sina Esperanza B. Mozo, 68, biyuda, pasahero; Ronnel Jay Bajaro, konduktor ng tren, at Melfarzar Delos Santos y Sisno, operator ng tren. Base sa imbestigasyon ni P/Cpl. Eric Jay Despabiladero ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), nangyari ang insidente bandang alas-8:35 umaga sa nabanggit…
Read More246 VALENZUELANO TUMANGGAP NG LIVELIHOOD ASSISTANCE
UMAABOT sa 246 kwalipikadong Valenzuelano ang nakatanggap ng livelihood assistance sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program (SLP) mula sa Department of Social Welfare and Development Office (DSWD). Ang Livelihood Assistance Grant (LAG) ay isa sa mga pagsisikap sa rehabilitasyon at tulong ng pambansang pamahalaan sa mga karapat-dapat na mga indibidwal na ang kabuhayan ay naapektuhan ng pandemyang COVID-19. Ito ang mga gustong magtayo ng proyektong pangkabuhayan o mayroon nang microenterprises at maliliit na negosyo ngunit kapos sa puhunan o naubos ang kanilang kapital habang nilalabanan ang pandemya. Ang LAG ay…
Read MoreBF HOMES, HINDI PWEDENG ISARA – LAS PINAS RTC
MANANATILING bukas sa mga residente ng lungsod ng Las Piñas ang kalsadang sakop ng isang private subdivision makaraang palawigin ng korte ang Temporary Restraining Order (TRO) para sa mga motoristang mayroong “friendship stickers” na batay sa ordinansa ng lungsod. Ayon kay Sen. Cynthia Villar, pinalawig ng 20 araw (mula sa 72 oras) ng Las Pinas Regional Trial Court (RTC) ang pagpasok ng mga motorista sa Onelia Jose Street na nagdurugtong Zapote, Cavite Expressway sa kabila ng pagtutol ng bagong pamunuan ng BF Resort Village Homeowners Association, Inc. (BFRVHAI). Ani Villar,…
Read MoreBAGONG PCP SA PORT AREA, MANILA PINASINAYAAN
PINANGUNAHAN ni Manila Police District Director, Police Brigadier General Andre Perez Dizon ang inagurasyon ng bagong Police Community Precinct sa Baseco Compound, Port Area, Manila. Binasbasan ni Fr. Asis Bahaw ng Baseco Sto. Niño Church ang itinayong Riverside PCP sakop ng MPD- Station 13 sa Blk. 15 Brgy. 649 Baseco, bandang 9:00 ng umaga. Dumalo sa okasyon sina PCol. Raul M Tacaca, Deputy Director for Administration, PCol. Arnold Thomas Ibay, chief Directorial Staff at si PCol. Igmedio Bernaldez. Naroon din sina PLt. Col. Rodel Borbe, Station Commander ng MPD- Station…
Read More2 ARESTADO SA ‘BUGAWAN’ SA FB
NASADLAK sa selda ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawa umanong bugaw makaraang bitbitin ng mga tauhan ng NBI- Anti-Violence Against Women and Children Division (NBI-AVAWCD) sa Antipolo City dahil sa human trafficking. Sa nasabing pagsalakay ay nasagip ang walong kababaihan kabilang ang limang menor de edad. Nahaharap sa kasong paglabag sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2002 ang dalawang suspek na kinilalang sina Ronneth Tolentino at Rent Tumbali. Base sa ulat na isinumite ng NBI-AVAWCD kay NBI Director Medardo De Lemos, ang mga suspek na gumagamit ng pangalang “Trixie Tolentino”…
Read MoreVALENZUELA COVID VACCINATION, KANSELADO DAHIL SA BAGYO
ISINAILALIM na ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Signal No. 2 ang Metro Manila na nakasasakop sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA) area dahil sa Bagyong Karding. Bunsod nito, nagdeklara ang Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council ng Red Alert. Bilang precautionary measure, kinansela ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang lahat ng COVID-19 vaccination activities para sa Setyembre 25. Sa kaugnay na kaganapan, naglabas ng high tide alert ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas para sa Setyembre 25 sa 1.6 meters sa oras na…
Read More