2 WANTED ARESTADO SA MPD SACLEO

DALAWANG wanted person ang magkasunod na nadakip sa ikinasang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng MPD Moriones Police Station 2, ayon sa direktiba ni Manila Police District- Director, Police Brigadier General Andre Perez Dizon, sa magkahiwalay na operasyon sa Pasay City at sa Sampaloc, Manila, noong Sabado. Unang inaresto bandang alas-10:30 ng umaga sa tapat ng Pasay City General Hospital ang suspek na si John Robin Padilla, 31, ng Brgy. 4, Zone 2, Pasay City. Ayon kay Police Lieutenant Harry Ruiz Lorenzo III, station commander, ang suspek na si Padilla…

Read More

2 TULAK NA GUMAGAMIT NG PASLIT SA BULACAN ARESTADO

ARESTADO ang dalawang notorious drug personalities na gumagamit ng mga paslit bilang courier o taga-deliver nang maaktuhan ng mga tauhan ni San Jose Del Monte, Bulacan PNP chief Lt. Col. Rannie Lumactod sa ikinasang anti-narcotics operation kahapon. Kinilala ni Col. Lumactod ang mga nadakip na sina Elvira Dicang y Delos Reyes, 50 at Armando Alforte y Cardenas, 64, kapwa ng CSJDM. Gamit ang PDEA Coordination number 10004-092022-0500, isinagawa ang anti-illegal drugs operations ng mga tauhan ng Intel/CDEU (lead unit) na pinamumunuan ni PLT Reynaldo Bayan Jr., laban sa dalawang target…

Read More

TARGET BOOSTER SHOT NG DOH 30% NA LANG

IBINABABA sa 30% fully-vaccinated Filipinos ang target ng Department of Health (DOH) para sa unang 100 araw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. “Due to the pace at which our booster vaccination is going, we have adjusted our target only for the first 100 days (Oct. 8) to 30%,” ayon kay DoH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire. Ngunit nananatili naman umano na 50% pa rin ang target nila na mabakunahan sa katapusan ng 2022. “In fact, some regions such as NCR have already achieved our target of 50% booster vaccination coverage,” saad…

Read More

PAGPAPAHIRAM AT PAGBEBENTA NG MOBILE WALLET ACCOUNTS PINASISIYASAT

SA pagnanais na protektahan ang mga konsyumer mula sa cybercriminals, naghain si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ang pagpapahiram at pagbebenta ng mga mobile wallet accounts. “Nakita na natin na ang paggamit ng mga mobile o e-wallet ay nagbibigay ng napakalaking benepisyo lalo na noong kasagsagan ng pandemya para sa mga online transaction, kaya kailangan nating tiyakin na protektado ang ating mga consumers mula sa mga masasamang loob na may hangad na manloko sa pamamagitan ng mga mobile wallets,” saad ni Gatchalian. Binigyang-diin ng senador na dapat magkaroon…

Read More

Active COVID cases sumirit sa 274 MANDATORY FACE MASK PINABABALIK SA VALENZUELA

covid

ISA pang pasyente ang binawian ng buhay sa COVID-19 habang sumipa sa 274 ang mga aktibong kaso sa Valenzuela City matapos na 57 bagong kaso ang naitala, batay sa pinakahuling ulat ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU). Ayon sa CESU, hanggang 11:59 ng gabi noong Setyembre 21 ay umakyat na sa 963 ang bilang ng mga namatay, habang 46,299 ang cumulative confirmed cases at 45,062 ang recovered matapos na 42 ang gumaling. Sa 274 na aktibong kaso ay 207 ang naka-home quarantine, 53 ang nasa isolation facility at 14…

Read More

Sapul sa CCTV CAREGIVER KULONG SA PANANAKIT SA ALAGANG 91-ANYOS

DINAKIP ang isang 68-anyos na caregiver matapos makuhanan ng closed-circuit television (CCTV) camera na sinasaktan ang isang 91-anyos na lola sa Valenzuela City. Arestado si Alicia Cervantes, 68, ng Meycauayan City, Bulacan. Ayon sa anak ng biktima na si Rodolfo ng Valenzuela City, nakatanggap siya ng tawag mula sa kapatid na si Jean, na nagtatrabaho sa ibang bansa, at sinabi nito na nakita sa CCTV footage na sinasaktan ng suspek ang kanilang ina. Ang naturang CCTV camera ay nakakabit sa bahay ng biktima sa Barangay Veinte Reales, Valenzuela City, at…

Read More

LTFRB PLANONG MAGBUKAS PA NG HIGIT 50 DAGDAG NA RUTA

PLANO ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magbukas pa ng mahigit 50 ruta sa Metro Manila. Aminado si LTFRB Chairperson Cheloy Garafil na hindi sapat ang higit 100 ruta na kanilang binuksan noong magsimula ang balik-eskuwela kaya naman plano pa nila itong dagdagan sa mga susunod na buwan. “Kasi ‘yong unang inilabas namin, ‘yong more than 100 routes, it’s just to address ‘yong pag-open ng classes [noong August 22],” ayon kay Garafil sa isang panayam. “Noong tinitingnan namin, kasi continuous naman ‘yong pag-aaral namin sa mga ruta,…

Read More

Active cases umakyat sa 260 2 TUMBA SA COVID SA VALENZUELA

covid

MULING nakapagtala ng dalawang namatay sa COVID-19 sa Valenzuela City at sumipa sa 260 ang active cases sa lungsod matapos na 81 bagong kaso ang iniulat, ayon sa pinakahuling ulat ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU). Ayon sa CESU, hanggang 11:59 pm noong Setyembre 20 ay 962 na ang COVID deaths sa lungsod. Pumanhik naman sa 46, 242 ang cumulative confirmed cases at 45,202 ang recovered matapos na 43 pasyente ang gumaling. Sa 260 active cases naman ay 206 ang naka-home quarantine, 42 ang nasa isolation facility at 12 ang nakaratay…

Read More

PEKENG DSWD EMPLOYEE TIKLO SA 4Ps SCAM

ARESTADO ang isang babaeng pekeng empleyado ng Department of Social Welfare Development (DSWD) at nagre-recruit ng mga magiging kasapi ng 4Ps, sa entrapment operation sa Caloocan City kahapon ng umaga. Iniharap sa mga mamamahayag nina Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr. at Caloocan Police chief, Col. Ferdinand Del Rosario, ang suspek na si Myra Mangitngit, 43, ng Brgy. 12, Caloocan City. Ayon kay Del Rosario, nakatanggap sila ng reklamo mula kina Ruth Mediana at isang Mrs. Racquel, Product Development Officer ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o…

Read More