BINIGYAN ni Senador Cynthia Villar si President Bongbong Marcos, Jr., ng libro hinggil sa farm schools, ang A Book of Directory of Farm Schools, Tourist Farms and Learning Sites in the Philippines. Tinanggap ni Pangulong Marcos ang libreo sa ginanap ng signing ceremony ng executive order hinggil sa Moratorium on the Annual Amortization of Agrarian Reform Beneficiaries, nitong September 13, 2022, sa Malacanang. Bahagi ang directory ng pagkilos ni Villar sa pagtataguyod ng farm tourism at farm schools sa bansa. Magsisilbi din ito bilang reference guide para sa farm enthusiasts,…
Read MoreCategory: METRO
TASK FORCE IWAS-SUNOG BINUO SA QC
SUNOD-SUNOD na insidente ng sunog ang nagtulak sa Quezon City government na bumuo ng bagong tanggapan na ang tanging mandato’y suriin ang integridad ng mga istruktura sa lungsod kasabay ng pagbalangkas ng mga angkop na hakbang para maiwasan ang pinsala at ari-arian at peligro sa mamamayan. Ayon sa kalatas ng Quezon City government, umarangkada na ang Task Force on Fire Prevention and Preparedness (TFFPP) kasama ang lokal na konseho,Meralco, Manila Water at Maynilad na sabayang kikilos para tugunan ang pangunahing sanhi ng sunog. Bahagi rin ng mandato ng TFFPP ang…
Read MoreLIBRONG TUMATALAKAY SA KAGUTUMAN INILUNSAD
INILUNSAD ngayong linggo ang librong “Leave Nobody Hungry” na sinulat ng dating mamamahayag na si Virginia R. Rodriguez. Tumatalakay sa mga makabagong teknolohiya at organikong pamamaraan ng pagsasaka, layon ni Rodriguez makatulong sa maliliit na magsasaka at kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., tumatayo rin Kalihim ng Department of Agriculture (DA). Nagbigay ng virtual message si Press Sec. Trixie Cruz Angeles sa pasinaya ng libro. Umaasa si Sec. Angeles na makatutulong nang malaki sa milyun-milyong magsasaka sa bansa ang nilalaman ng libro para mapataas ang kanilang ani. Dumalo sa okasyon…
Read MoreHIGH GRADE MARIJUANA HULI NG PDEA, BOC
TINATAYANG mahigit P52,000 halaga ng kush marijuana o high grade marijuana ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Port of Clark at Philippine Drug Enforcement Agency. Sa report na ibinahagi ng PDEA, ang kontrabando ay mula sa Pennsylvania, USA na idineklarang naglalaman ng “goodies”. Nang dumaan sa x-ray inspection at K9 sweeping ay na-trace na naglalaman ng ilegal na droga. Sa physical examination, nadiskubre ang walong canisters na naglalaman ng dried buds at usbong ng high-grade marijuana. Ibinigay sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang sample nito para…
Read MoreMANDATORY FACE MASK SA SENIORS, MAY COMORBIDITY LABAG SA BILL OF RIGHTS – KSMBPI
NANINIWALA si Dr. Mike Aragon, chairman ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI) na isang paglabag sa Article 3 Section 1 ang mandatory face mask sa mga senior citizen at immunocompromised individual sa mga indoor place at public utility vehicles dahil walang batas na nagtatakda rito. Sa ginanap na Kapihan sa Manila Hotel, sinabi ni Aragon na labag sa karapatan na malayang makapamuhay ng isang indibidwal ang puwersahang pagpapasuot ng face mask. Ang pahayag ni Aragon ay batay na rin sa rekomendasyon ng legal team ng KSMBPI na suportado ng dating Pangulo…
Read MoreKONGRESO KATUWANG SA MGA PROGRAMA NG OVP AT DEPED – ROMUALDEZ
LAKING pasasalamat ni House Speaker Martin G. Romualdez sa pagbisita kahapon ni Vice President Inday Sara Duterte sa kanyang tanggapan sa Speaker’s Office at malaking karangalan aniya na makasama sa paglalakbay nito sa larangan ng serbisyo publiko. “You have exhibited once more your exemplary brand of leadership by showing up at the House committee on appropriations hearing to defend the budget of the Office of the Vice President (OVP) and the Department of Education (DepEd),” ani Romualdez. Ayon kay Speaker Romualdez, makakaasa ang Vice President at DepEd Secretary na katuwang…
Read MoreMAAGAP NA SERBISYO SA OFWs TINIYAK NI QUIÑO
PAG-IIBAYUHIN at gagawin ding maagap ang serbisyo ngayon ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa overseas Filipino workers. Ito ang layunin ni bagong Deputy Administrator ng OWWA na si Mary Melanie “Honey” Quiño. Si Quiño ay galing sa mundo ng pelikula. Isa siyang lawyer at film producer kung saan ang kanyang natutulungan ay mga manggagawa sa pelikula na nawalan ng trabaho. Kaya naman nang italaga siya ni Pangulong Bongbong Marcos sa OWWA ay agad niyang naisip na mas marami siyang matutulungan sa bago niyang posisyon. Pag-aari ni DA Honey ang…
Read MoreMOST WANTED PERSON SA VALENZUELA, NALAMBAT
ISINELDA ang isang lalaki na listed bilang no.1 most wanted person ng Valenzuela City dahil sa kasong rape matapos mabitag sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa naturang lungsod. Pinuri ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones, Jr. ang Valenzuela Police sa pamumuno ni P/Col. Salvador Destura, Jr., sa matagumpay na operation kontra wanted person na nagresulta sa pagkakaaresto kay Jovan Lopez, alyas “Van”, 18-anyos, ng Barangay Lingunan. Ayon kay Col. Destura, nakatanggap ng ulat ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela…
Read MoreNANG-AGAW NG BARIL, KARNAPER TODAS SA PULIS
PATAY ang isang 23-anyos na hinihinalang karnaper, makaraan umanong mang-agaw ng baril habang iniimbestigahan sa Smokey Mountain PCP sa Tondo, Manila, nitong Martes ng madaling araw. Kinilala ni Police Lt. Col. Gene Licud, commander ng Manila Police District – Station 1, ang biktimang si Artjohn Arufo, residente ng Rodriguez St., Balut, Tondo. Batay sa ulat ng Smokey Mountain Police Community Precinct na sakop ng MPD Station 1, bandang 12:10 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa loob mismo ng nasabing PCP sa Mel Lopez Boulevard sa Vitas, Tondo. Habang iniimbestigahan…
Read More