PH ONLINE LIBRARY, PANAHON NANG ITAYO – WIN

ISINUSULONG ni Senador Win Gatchalian ang panukala para sa pagtatatag ng Philippine Online Library. Sa pamamagitan nito magkakaroon ang mga mag-aaral sa elementarya at high school ng libreng access sa digitized copies ng mga textbook at learning materials. Sa ilalim ng Senate Bill No. 477 o ang Philippine Online Library Act, binibigyan ng mandato ang Department of Education (DepEd) na mag-digitize ng mga textbooks at learning materials para sa pampublikong edukasyon ng mga mag-aaral sa elementarya at high school. Ang mga naturang digitized textbooks at learning materials ay ititipon sa…

Read More

MAHIGIT ISANG LIBONG SAKO NG BASURA NAHAKOT SA DOLOMITE BEACH

UMABOT sa mahigit 1,000 sako ng basura ang nahakot ng daan-daang volunteers na nagtulung-tulong sa paglilinis sa baybayin ng Manila Bay kabilang ang tinaguriang Dolomite Beach sa Roxas Blvd., Maynila kaalinsabay ng International Coastal Cleanup Day, Linggo ng umaga. Kabilang sa mga nahakot ng volunteers mula sa mga non-government organization at ahensya ng pamahalaan ang plastic sachets ng iba’t ibang produkto, tsinelas, plastic bags, at iba pang hindi nabubulok na basura. Ayon sa Philippine Coast Guard, nag-umpisa ang coastal cleanup dakong alas-6 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga. Kasabay rin…

Read More

TANOD ITINUMBA SA SARI-SARI STORE

PATAY ang isang 51-anyos na barangay tanod makaraang barilin sa ulo ng isang lalaki sa loob ng kanyang sari-sari store sa Benita St., Gagalangin, Tondo, Manila. Kinilala ang biktimang si Marvin Martinez y Laxamana, may asawa at residente ng Gagalangin, Tondo. Samantala, iniutos ni Manila Police District Director, Police Brigadier General Andre Perez Dizon ang pagtugis sa suspek na si Vello Bacha y Abibuag, nasa hustong gulang, at residente ng Paliparan, Dasmariñas Cavite. Batay sa ulat ni Police Lieutenant Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang…

Read More

INIWAN NG MAG-INA, BINATILYO NAGBIGTI

NADISKUBRENG nakabigti sa kanilang bahay ang isang 16-anyos na binatilyo makaraang iwanan ng kanyang kinakasama at ipagkait ang kanilang anak, sa San Andres Bukid, Manila nitong Biyernes ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Jude Angelo Tumilac, residente ng San Andres Bukid, Manila. Base sa ulat na isinumite ni Det. Jason Ibasco kay Police Lieutenant Dennis Turla, hepe ng Manila Police District- Homicide Section, bandang alas-12:00 ng madaling araw nang madiskubreng nakabigti ang biktima sa kanyang kuwarto. Isinugod ang biktima sa Ospital ng Maynila subalit idineklarang dead on arrival. Ayon…

Read More

TUMAWID NA PASLIT PATAY SA SUV

DEAD on Arrival sa pinagdalhang pagamutan ang isang 4-anyos na babaeng paslit makaraang masagasaan ng isang SUV na Mitsubishi Montero Sport habang tumatawid sa southbound lane ng Adriatico St., sa panulukan ng Quirino Avenue, Malate, Manila, noong Huwebes ng hapon. Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang driver ng SUV na si Gil Cruzada, 63-anyos, may asawa, retiradong overseas Filipino worker, at residente ng San Isidro, Parañaque City. Bukod kay Cruzada, posibleng sampahan din ng kaso ang magulang ng paslit dahil sa kapabayaan. Batay sa ulat ni Police SSgt.…

Read More

2 BEBOT NABITAG SA P4-M SHABU

DALAWANG babaeng hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang nabuslo sa kulungan ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District-Barbosa Police Station 14 ,sa ikinasang buy-bust operation at nakumpiska ang tinatayang P4 milyong halaga ng umano’y shabu sa Quiapo, Manila noong Huwebes ng hapon Kinilala ang mga suspek na sina Monera Malido y Taug, at Jalila Banggolo y Ayob, kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 Comprehensive Drugs act of 2002. Base sa ulat na isinumite ni Police Major Gil John Lobaton, hepe ng SDEU…

Read More

WANTED SA MURDER NAKORNER

ARESTADO sa mga tauhan ng Manila Police District ang isang 37-anyos na tricycle driver sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong murder, sa J.P. Rizal St., Barangay Tejeros, Makati City noong Huwebes ng umaga. Kinilala ni MPD Director, Police Brigadier General Andre Perez Dizon ang suspek na si Ruderick Aljecera y Vergara, binata, residente ng  Sta. Ana, Manila. Base sa ulat na isinumite ni Police Lieutenant Ramel Lucero, hepe ng Investigation Division, kay Police Lieutenant Colonel Maria Agbon, commander ng MPD Pandacan Police Station 10, bandang alas-1:20 ng hapon…

Read More

P3.4-M SHABU NASAMSAM SA HVI SA BATANGAS

AABOT sa P3.4 million halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa buy-bust operation sa Brgy. Alangilan, Batangas City nitong Miyerkoles ng hapon. Ayon sa Batangas City police, kabilang sa itinuturing na High Value Individual (HVI) ang naarestong si Noel Mangubat, 45. Kasama nitong naaresto si Ainsley Asi  na kabilang din sa talaan ng drug personalities ng Batangas PNP. Ayon sa Batangas City police, nakuha sa mga suspek ang humigit kumulang 500 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P3,450,000.00 sa operasyon ng mga tauhan ng Regional Drug…

Read More

IMPROVISED BAG NG MGA ESTUDYANTE SA QUEZON KINATUWAAN

PATOK ang event na isinagawa ng isang secondary school sa Sariaya, Quezon dahil naging kwela ang kanilang No Bag Day o hindi pagdadala ng mga tradisyunal na bag sa kanilang pagpasok. Nakita ang ‘wittiness’ at ‘creativeness’ ng mga mag-aaral mula sa Saint Joseph Academy of Sariaya, Quezon (SJASQ) na nagdulot ng kasiyahan sa mga sumaksi sa programa at maging sa mga netizen na nakita ang event sa social media page ng eskwelahan. Sa nasabing aktibidad, kailangang magdala ng mga mag-aaral ng ‘unusual bags’ o kakaibang bag na maaaring paglagyan ng…

Read More