MAAGAP NA SERBISYO SA OFWs TINIYAK NI QUIÑO

PAG-IIBAYUHIN at gagawin ding maagap ang serbisyo ngayon ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa overseas Filipino workers. Ito ang layunin ni bagong Deputy Administrator ng OWWA na si Mary Melanie “Honey” Quiño. Si Quiño ay galing sa mundo ng pelikula. Isa siyang lawyer at film producer kung saan ang kanyang natutulungan ay mga manggagawa sa pelikula na nawalan ng trabaho. Kaya naman nang italaga siya ni Pangulong Bongbong Marcos sa OWWA ay agad niyang naisip na mas marami siyang matutulungan sa bago niyang posisyon. Pag-aari ni DA Honey ang…

Read More

MOST WANTED PERSON SA VALENZUELA, NALAMBAT

ISINELDA ang isang lalaki na listed bilang no.1 most wanted person ng Valenzuela City dahil sa kasong rape matapos mabitag sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa naturang lungsod. Pinuri ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones, Jr. ang Valenzuela Police sa pamumuno ni P/Col. Salvador Destura, Jr., sa matagumpay na operation kontra wanted person na nagresulta sa pagkakaaresto kay Jovan Lopez, alyas “Van”, 18-anyos, ng Barangay Lingunan. Ayon kay Col. Destura, nakatanggap ng ulat ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela…

Read More

NANG-AGAW NG BARIL, KARNAPER TODAS SA PULIS

PATAY ang isang 23-anyos na hinihinalang karnaper, makaraan umanong mang-agaw ng baril habang iniimbestigahan sa Smokey Mountain PCP sa Tondo, Manila, nitong Martes ng madaling araw. Kinilala ni Police Lt. Col. Gene Licud, commander ng Manila Police District – Station 1, ang biktimang si Artjohn Arufo, residente ng Rodriguez St., Balut, Tondo. Batay sa ulat ng Smokey Mountain Police Community Precinct na sakop ng MPD Station 1, bandang 12:10 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa loob mismo ng nasabing PCP sa Mel Lopez Boulevard sa Vitas, Tondo. Habang iniimbestigahan…

Read More

500 GRAMO NG MARIJUANA BUKING SA UKAY-UKAY

NABUKING ang 500 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na itinago ng 19-anyos na binata sa ukay-ukay na mga damit na ipadadala sa pamamagitan ng isang delivery service sa Quezon City, noong Lunes ng umaga. Ang suspek ay kinilalang si Clachy John Balansag De Quiroz, 19, naninirahan sa San Juan City. Ayon sa report ng Quezon City Police District (QCPD, Batasan Police Station (PS-6), bandang alas-8:35 ng umaga noong Setyembre 12 nang maaresto ang supek sa JRS Express sa loob ng Robinson Berkely sa Commonwealth, Brgy. Matandang Balara, sa lungsod. Ayon kay Jessa A.…

Read More

SUPLAY NG KURYENTE SA LUZON NAGHINGALO; NGCP NAGKASA NG RED ALERT

MATAPOS ang anim na taon na walang solusyon sa problema sa industriya ng enerhiya, patuloy na sumadsad ang suplay ng kuryente sa Luzon na nagtulak upang magdeklara ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng Yellow at Red alerts nitong Lunes. Inanunsyo ng NGCP na kulang ang suplay kaya naka-Red alert mula 1:00 ng hapon hanggang 4:00 ng hapon, at kasama nito ang posibilidad na magkaroon ng brownouts sa iba’t ibang bahagi ng Luzon. Sinisi ng grid operator ang hindi nakaplanong outage ng pitong planta at derated na kapasidad…

Read More

BISOR NG QC STL HULI SA BOOKIES

NALAMBAT ng mga tauhan ng District Special Operations Unit ng Quezon City Police District (DSOU-QCPD) sa isinagawang operasyon ang sales supervisor ng QC STL habang nagpapataya ng bookies sa nasabing lungsod noong Setyembre 7, 2022. Kinilala ni QCPD Director, P/BGen. Nicolas Torre III, ang suspek na si Teddy Pascual y Gemida, 53-anyos, may asawa, tambay, tubong Cebu, at residente ng Brgy. Batasan Hills, Quezon City. Dakong alas-10:30 ng gabi noong Setyembre 7, 2022, nagsagawa ng operasyon laban sa ilegal na sugal ang mga operatiba ng DSOU-QCPD, sa pamumuno nina P/Maj. DonDon Llapitan…

Read More

Sindikato, ilegal sa Laguna pupulbusin COL. RANDY GLENN SILVIO WALANG SINISINO

(LILY REYES/JESSE KABEL) ASAHAN ang mas agresibong tugon ng kapulisan kontra krimen sa Laguna, pagtitiyak ni Col. Randy Glenn Guiriba Silvio ng Philippine National Police Academy Kapanalig Class of 1997 makaraang hirangin bilang bagong provincial director ng naturang lalawigan. Babala ni Silvio, hindi niya pahihintulutan maging kanlungan ng mga nagtatago sa batas ang Laguna, kasabay ng pagtitiyak na tutugunan ang lahat ng idudulog sa kanilang mga himpilan – droga, ilegal na pasugalan, nakawan, bentahan ng laman at iba pang krimeng bumalot sa lalawigan sa mahabang panahon. Aniya, ‘di rin niya…

Read More

LGU nagbabala sa publiko PWDs GINAGAMIT NG FIXERS SA QC

MARIING nagbabala ang Quezon City government laban sa mga indibidwal na namemeke ng mga dokumento para makakuha ng persons with disability (PWD) ID kasunod ng pagkakaaresto sa isang umano’y fixer. Sinabi ng QC government noong nakalipas na Martes, nahuli ng Quezon City Persons with Disability Affairs Office (PDAO) sa tulong ng City Legal Department at Quezon City Police District, ang isang indibidwal na umano’y namemeke ng mga dokumento, na maparurusahan sa ilalim ng Article 172 ng Revised Penal Code. Ang umano’y fixer ay nagsumite ng mga manufactured medical certificates sa…

Read More

BIYAHERO SA NAIA NANAKAWAN NG PASALUBONG

HUMINGI ng paumanhin ang pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa pasaherong nawalan ng bagahe noong Biyernes pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ayon sa pahayag ng MIAA, “We extend our sincere apologies to Etihad passenger Ady Cotoco for his unpleasant experience upon arrival at NAIA Terminal 3 yesterday, September 8, 2022, when one of his baggage was discovered pilfered.” Si Cotoco ay galing sa Madrid, Spain, at ayon sa kanya, nawala ang kanyang mga pasalubong na branded na sapatos, bags, perfumes at mga damit na tinatayang aabot…

Read More